Chapter 2-Tattoo

3.9K 131 1
                                    

Eviehelle's POV

Nadatnan ko ang bahay ni Famiey at pumunta na sa pinto ng bahay nila. Para maibigay ko na sakanya ang notes.

Kakatok na sana ako ng hindi ito naka lock dahil nakabukas ito ng kunti. Pumasok ako kahit walang paalam. Alam kong masama na walang paalam bago pumasok. Pero parang may nag udyok sakin na pumasok na lang.

Kumakabog ang dibdib ko. Hindi ko alam, siguro sa kaba. May naramdaman kasi akong hindi maganda. Patuloy lang ako sa paglalakad sa loob. At palinga-linga.

Parang tahimik at walang kabuhay-buhay sa loob. Nasanay na kasi akung tuwing pumapasok ako dito, naririnig ko na agad ang mga kasiyahan ng pamilya ni Famiey. Sila ang pinakamasiyahing pamilyang nakilala ko dito. Pero ngayon may kakaibang nangyari.

Nang may marinig akong bumukas na pinto. mula ito sa kwarta ng papa at mama ni Famiey. Nilingon ko naman ito ng makita ko si Famiey na gulat ng makita ako.

May bigla naman tinago sa likuran si Famiey pero hindi ko na nakita iyon. Lumikot ang mata ni Famiey at hindi alam kung anong sasabihin ng iabot ko nalang sakanya ang notes.

"A-ano yan E-evie?" nautal na sabi niya. Nagtaka naman ako sa reaksyon niya. Parang hindi siya si Famiey na masayahin kapag nakikita ako. Pero ngayon iba ang pinapakita niya sakin.

"Notes...assignment." tipid na sabi ko pero hindi ko pinahalata na nagtataka ako. Pasimple ko namang tinignan ang kwarto nila tito at tita.

"A-ahh...thanks Evie i-ilagay mo nalang sa mesa yan. Ano gusto mo merienda. Ikukuha kita wait lang...!" sabi niya napilit hindi mautal at masayang boses na sabi niya.

Hindi ko na nakita ang tinago niya kanina sa likod at nilagay niya bigla sa bulsa niya. Hinayaan ko nalang, siguro wala lang yun.

Pinuntahan ko siya sa kusina para pigilan siya. Total nagmamadali rin ako para mag-ayos dahil pupunta pa ako sa underground.

Nakita ko siyang bagong tapos sa paghugas ng kamay at pumunta na sa ref.

"I need to go Famiey...but where's tito and tita?" bigla namang nanginig ang kamay niya at tumingin sa ibang dereksyon.

"Uhm... may b-bakasyon sila Evie e..." malungkot na sabi niya at tumingin sa ibaba ang mata niya.

"Ohh...and why are you here at hindi ka sumama?" hinuhuli ko ang tingin niya pero malikot. Tss...what's wrong with her?

"Uhmm....alam mo naman Evie hindi pwede dahil may klase pa tayo at wala pa ang bakasyon pero susunod naman ako sa sabado, tama sabado!" ngiting sabi nya.

I nod at her and bid to say goodbye to her. Nang lumabas ako ay biglang may kumalabit sakin sa braso pero paglingon ko wala naman akong nakita. Wierd. Nang pagkaharap ko ay may nakita akong dalawang bulto ng tao, babae at lalaki. Mga kaedad rin sila ni tito at tita. Nasa madilim sila ng parte sa gilid ng bintana kaya hindi ko masyado makita ang mukha nila.

Bigla namang tumindig ang balhibo ko ng paatras sila papalayo sakin na parang may humahatak sa likuran nila. At parang humihingi sila ng tulong sakin. Nanigas na ako sa kinatatayuan ko. At nanlaki ang mata sa mga nakikita ko. I shake my head.

Eviehelle: The Last NecromancerWhere stories live. Discover now