Evie's POV
''P-paanong?"
Napamulat ako ng marinig kong nagsalita ang isa sakanila. Kinabahan ako at napalunok. Pati rin si Layda at Famiey ay nakatungo lang sa ibang dereksyon pero alam kong kinakabahan rin sila.
"Kung ganun...Woahhh! Kinagagalak kong makakilala ng tao katulad ninyo! I'm Kyle Vonn, nice to meet you humans!" Magiliw na pagkakilala niya samin. Nagulat ako sa reaksyon niya. Parang wala lang sakanya kung ano kami.
Binatukan naman siya agad ni Drex at umaray naman ang huli. Nanlaking mata kong tinigan ang ginawa ni Drex. Hindi naman siguro siya masama diba?
Binalingan kami ng tingin ni Drex namukhang medyu nasindak agad si Famiey at Layda. Kanina seryoso ito pero biglang lumambot ang ekspresyon at nginitian kami. Mukhang nakahinga kami kahit papaano.
"Pagpasensyahan niyo na pala sa inasal rin namin kanina. Ako nga pala si Drex Derson, masaya ako makilala kayong mga tao," naglahad naman siya ng palad samin kaya malugod naming tinanggap iyon.
"Ako naman, tabi!" Nakabusangot na sabi ni Jerd at hinawi pa si Drex at Kyle para lumapit samin. Agad naman siyang sinamaan ng dalawa dahil sa paghawi sakanila.
"Hi, I'm Jerd Crux, Crux ng bayan! Hahaha-Aw!" Agad siyang binatukan ng dalawa dahil sa pinagsasabi nito. Palihim kaming tumawa ni Famiey at Layda pero pinigilan kong matawa. Ayaw kong maging feeling close para maging kumportable sa pinapakita nila. Hindi ako sanay.
"Umayos ka nga! Crux ng bayan mo mukha mo ugok!" Natawa nalang sila.
"By the way masaya kong makakilala ng tao, hehehe..." ngiting sabi ni Jerd. Kumunot ang noo ko. Kanina pa sila nagsasabi ng tao. Oo tao nga kami pero may pangalan rin. Tsk.
Napa-frowned ako dahil sa pinagsasabi nila. Hay kailang pa'to matapos ang araw na'to? Gusto ko na'ring umuwi kahit hindi maganda ang trato sakin ni Auntie.
Napabaling naman ang tingin ng tatlong nagkakatuwaan sa kasamahan nilang tahimik sa gilid. Tamad 'ring tinignan ni Adam ang kaibigan niya at agad napatingin sa pwesto namin. Mukhang siya nalang ang hinihintay para magpakilala samin.
"Adam Vien Sebilius." Sabay tangong sabi niya at malamig niya kaming isa-isang tinitigan. Napalunok ako pero walang ekspresyon ang pinapakita ko. Ayoko magpa-apektu sa malamig niyang ekspresyon. Pakiramdam ko tuloy nagtataasan ang balhibo ko kung siya ang kaharap ko. Lumapit kasi ito ng bahagya samin kaya ramdam kong napakapit sa damit ko si Famiey at si Layda naman ay dumikit sakin.
Ngayon ko lang pala napansin ang mga benda sa braso nila at sa leeg pero wala ng sugat o pasa sa mukha nila. Hindi na rin sila mukhang mahina hindi katulad kanina na kulang nalang ikamatay nito.
Hinampas naman agad siya ni Jerd sa likuran ng balikat niya. Iyong tipong mabibilaukan ka sa ginawa niya.
"Adam, drey. Wag mo nga silang tignan ng ganyan. Hahaha.... Tinatakot mo sila e. Masakit na nga satin na babae ang nagligtas satin at masmalala pang mga tao sila." Sinamaan agad siya ng tingin ni Adam na agad naman niyang ikinaatras habang nakangisi ang loko.

YOU ARE READING
Eviehelle: The Last Necromancer
FantasyI can manipulate your souls in my different ways. I am not a wizard nor witch but I can do whatever magic they can because I'm different from what you think because I'm Eviehelle.....the Last Necromancer.