Chapter 3 - Spirit

3.2K 119 0
                                    

Eviehelle's POV

Maaga akong nagising at naligo. Matapos kong suotin ang uniform ko ay pumunta na ako sa over size na salamin at inayos ang buhok ko. Napasimangot agad ako dahil sa bangs na nakaharang sa noo ko.

Naalala kong ginupitan ako ni Layda para same raw kami pero hindi ako sanay kaya dali-dali kong kinuha ang hairpen upang panandaliang mawala iyon.

Di nagtagal ay lumabas ako sa kwarto para magsilbi na sa prinsessa at reyna sa kaumagahan na naging routine ko nang gawin.

"Ano ba Evie bilisan mo! Bagal-bagal mo naman. Simpleng utos lang naman. Bilis kunin mo na ang paboritong ulam ko! Baka mali-late na ako!"

"Iyong sapatos ko i handa mo na!"

"Plansyahin mo iyong uniform ko Evie! Bilis! Op,op wag mong sunugin dahil malilintikan ka saakin!" Sigaw ni Rita na may bandage ang ilong.

"Evie linisin mo nga iyong kwarto ko! Dali!"-Tita

Ang ganda ng pambungad nila sakin. Ang aga-aga sinisigawan na ako ng mag-ina na ito. Kahit naka
Pagbihis na ako ng uniform ay suot ko naman ang apron upang di madumihan. Kasu mapagpapawisan ako nito. Dibale maliligo nalang ako sa CR ng girls sa school. May extra naman ako doon sa locker.

Nang matapos na ay nagmamadali kong tinanggal ang apron at kinuha na ang bag ko. At lumabas na.

Paglabas ko ng gate ay nadatnan ko ang van na puti, na palaging sinasakyan namin ni Rita papuntang school. Bubuksan ko na sana ito ng harangin ako ni Rita.

"Hep! Bawal ka rito. Simula ngayon ay magco-commute kana. At akin na itong van at di na naka pangalan sayo ito sabi ni Mommy. Bye~!" Pairap na sabi niya na may ngisi bago sinarado agad ang pinto at umalis na. Bigla naman akong napanganga sa sinabi niya.

The heck! Mahirap kayang makakita ng sasakyan sa subdivision na ito. Hayy... wala akong magagawa kundi lalakarin ko nalang ito.

Malungkot kong tinahak ang daan palabas ng subdivision para makapunta sa paaralan at nadatnan ko naman ang bahay nila Famiey.

"Evie! Sabay na tayo!" masayang sabi ni Famiey papunta sakin. Huminto ako ng tawagin niya ako. Lumapit naman siya saakin.

Tumango lang ako kay Famiey at ngumiti pabalik kahit pilit. Pinulupot niya naman agad ang kamay niya sa braso ko, gaya ng ginagawa niya palagi sakin.

Napatingin naman ako sa bahay nila. Medyo nangunot ang noo ko. Dahil sa may nakita akong tumatakbong babae sa loob ng bahay ni Famiey. Kita ko sa slide window nila. Hindi ko makita ang mukha pero parang kaedad lang namin siya. Mukhang familiar siya sakin?

"Evie...? Okey kalang?" nag-aalalang sabi ni Famiey sakin. Hindi pa pala kami naglalakad. Kaya tumango lang ako at nagpatuloy na sa paglalakad papuntang paaralan. Medyo malapit lang naman ang paaralan namin.

Eviehelle: The Last NecromancerWhere stories live. Discover now