Isinawalang bahala ko ang kaba dahil ramdam kong pasulyap-sulyap sila sa pwesto ko pero di kalaunan ay bumalik na sa ginagawa nila.
At di ko maiwasang mapalunok ng ilang ulit dahil may bigla-biglang lilipad na kung ano at nagkikislap ang mga stick nila. May nagsasalita na hindi ko maintindihan na linggwahe pero mahina lang naman.
Pero wala paring emosyon akong nakatingin sa harap na blackboard. Ni isang sulyap di ko sila kayang tapunan ng tingin. Dahil gusto kong manatiling kalmado.
Kumaway naman ang babaeng humablot sakin kanina ng lingunin ko ito at kumindat pa. Parang may ipinapahiwatig siya sakin dahil kumikibot iyong labi niya na parang may tinuturo.
Kunot noo ko lang siyang tiningnan at napatingin na rin sa kanyang tinuturo.
Pagtingin ko ay bahagyang nanlaki ang mata ko sa gulat.Paano ba naman kasi katabi ko pala si Adam. Nakayuko ito sakanyang desk at parang natutulog ito.
Ramdam kong namamawis ang kamay ko pero walang reaksyon kong binalik ang tingin sa babae na nakangisi na ito. Tsk!
Malalagot ako nito pag nalaman niyang nandito ako.
Napaiwas nalang ako ng tingin at hindi na tinapunan ng tingin iyong babae. Mukhang may gagawin talagang hindi maganda.
I shut my eyes and think about escaping. Pero napabuntong hininga na lamang at napatingin-tingin ulit sa ibang estudyante. Hindi naman siguro nila ako mapapansinin kung tatayo ako at lalabas ng walang sabi. At isa pa walang masama na lalabas agad ako dahil parang pumunta lang ako sa cr or canteen. I bit my lip as I thought of it. Bahala na.
Tatayo na sana ako nanghablutin ng katabi ko ang braso na ikabigla ko naman.
"Bakit nandito ka." Seryosong sabi nito at ang kanyang tingin ay parang nagbabanta. Gising na pala ito.
Lalo namang humigpit ang hawak nito sa braso ko. Napalunok ako at seryosong tinignan din siya.
Shit. Wala na akong kawala nito. Siguradong papagalitan ako nila Adam dahil lumabas ako sa pinagtaguan namin. Pero hindi ko 'to ginusto.
Napasimangot ako ng maalala ang Albino. Tsk.
Bigla kong hinablot ang braso ko dahil ang sakit ng pagkakahawak ni Adam.
Mukhang nabigla naman siya sa naging reaksyon ko dahil inikutan ko ito ng mata. Tsk. Edi magalit siya.Pero mas ikanagalit niya pa ata iyon. Problema nito? Hindi ko naman inaano ha?
"You..." naputol ang sasabihin ni Adam ng may nagsalita sa harapan namin lahat.
"Good morning Student. Sorry I'm late at wala na tayong oras pa, kaya bibigyan ko nalang muna kayo ng project. Mamayang hapon niyo ito ipapasa. Kaya mahaba-haba rin 'yong oras niyo sa paggawa nito dahil walang klase sa next subject niyo. Okey." Saad ng guro nila ata. Kaya doon natuon ang pansin ko rito.
Nakinig ako sa mga binibilin nito pero para namang tinubuan ako ng mga question mark dahil hindi ko gets. Hindi talaga malamang. Hays parang matatagalan akong makalabas rito.
Bored ko lang na tiningnan ang guro. Debali pagkatapos ko rito di nako babalik.
"Okey, bago ang lahat dapat mayroon kayong partner. At ang makapartner niyo ay inyong katabi kaya wala ng reklamo-reklamo okey? Dahil pagnalaman kong wala kayong partner at hindi kayo nagtulungan ay bagsak!" Striktong sabi ng guro.
Mukhang nagising ang diwa ko ron at napatingin kay Adam kasi siya iyong katabi ko at share kami sa desk. May naririnig pa akong nagreklamo at na-eexcite pero ako, shit wala akong alam dito.
"Gagawa kayo ng potion base sa anung sangkap ang napili niyo at alamin kung ano ba ang kakayahan ng nagawa niyong potion. Siguro naman pinag-aralan niyo iyong tinuro ko noong nakaraang araw?" I frowned. Ugh napakamalas ko.
"Okey, class dismiss." Umalis agad 'yong guro dahil mukhang nagmamadali ito. Napatingin ako kay Adam na poker face lang pero napansin niya atang nakatingin ako rito kaya nilingon niya ako. Tumindig ata ang mga balhibo ko. Para kasing gusto niya na akong mawala sa isang iglap.
Napangiwi ako. Puwes ayaw ko din rito nuh, gusto ko ng umalis nga e.
"You should behave yourself and don't get me into trouble again, Eva." Malamig na sabi niya. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Eva?
"Let's go. We need to hurry para matapos na itong project."
Doon ko lang napansin na lumabas na pala 'yong mga estudyante. Tumayo si Adam kaya tumayo na rin ako habang nagtataka pa rin. Nakasunod lang ako sakanya at dialentana kung saan kami pupunta.
Malalim pa rin ang iniisip ko. Napapaisip dahil hindi niya ako nakilala, na ako raw si Eva? Kaya ba nilapitan ako ng babae kanina dahil akala niya ako si Eva.
Isa na namang palaisipan ang pumasok sa isip ko. Talaga bang magkamukha kami? Paano kung may connection ako sakanya? Kung makilala ko lang o makita siya ano kayang mangyayari?
Nakaramdam ako ng kaba ngunit biglang kumirot kung saan ang marka. Napakagat labi kong hinihimas-himas ito. Argh ang sakit.
Napansin ko namang huminto na si Adam kaya huminto na rin ako dahil muntikan akong mabangga sa likuran nito. Pinalibot ko ang tingin sa paligid dahil sa di ko namalayang nandito na pala kami sa parang garden.
"Ako ang hahanap ng mga sangkap at ikaw ang gagawa ng potion." Baling nito sakin pero nasa atensyon ko parin paghimas-himas sa likod ng leeg ko. Alanganin ko lang siyang tinanguan na parang naiintindahan ang sinasabi niya at napangiwi dahil wala akong alam, pa'no ba 'yon?
Kunot noo niya akong tinitignan pero nagkunwari akong nasa atensyon ko ang mga halaman kung saan maraming mga sangkap. Nagdududa na ba siya? Lihim akong napalunok at tinalikuran siya. Napansin ko rin ang mga estudyanteng na kasama ko kanina at kumukuha rin ng sangkap.
Napatigil ang paghimas ko sa likod ng leeg ko dahil hindi na ito kumikirot pero isinawalang bahala ko nalang iyon dahil may problema na naman akong haharapin ng lingunin ko muli si Adam na nakatitig pala ito sakin.
---------------------------'zxx
Hello readers T_T sorry if super tagal ko nang mag update dahil busy ako sa real world kaya ngayon babawi ako sa inyo. Sana magustuhan nyo 'to and I'll try my best na maka update para sa inyo. Dahil marami sa inyong nag me-message na mag update na ako kaya na a-appreciate ko talaga kAhit nahihiya ako sa inyo dahil di na ako nakapag update. Binabasa ko ng paulit-ulit tuh para maalala ko 'yong plot sa sturyang ito. Tpos muntik ko na rin makalimutan tung account ko dahil nasira 'yong phone ko kung saan ako nagta-type. Gusto ko lang eexplain dahil alam ko naiinip na rin kayo dahil sa tagal kong mag update. At super happy kasi nagustuhan nyu ang story ko kaya pinagbubutihan ko po ^_^ <3. Sana di kayong mahiyang magcomment gusto ko rin malaman ang mga reaksyon nyu . Super thank you sa naghihintay rin po ^_^.
-haydeniey_blue

YOU ARE READING
Eviehelle: The Last Necromancer
FantasiaI can manipulate your souls in my different ways. I am not a wizard nor witch but I can do whatever magic they can because I'm different from what you think because I'm Eviehelle.....the Last Necromancer.