JULIA'S POV
Gumising ako ng 5:30 ng umaga, usual wake up time ko yan. Maghahanda pa ko para sa first day of school--- with HIM.
Wala na kong pproblemahing pa. Sya naman magluluto eh. Pero ako maglalaba ngayon. Sana wala masyadong notes para hindi masakit yung kamay ko ngayong gabi.
DJ'S POV
"Hoy mokong! Gising na!" Paulit ulit na sabi ng cellphone ko. Hindi na kasi gumagana yung alarm clock. Oo, boses ni Julia yun. Nirecord ko boses nya at ginawa kong alarm. Hahay, ganito talaga ko--- PASAWAY.
"Morning!" Masayang binati ako ni Julia sa baba. Nakaligo na sya't nakabihis. Andaya ah! "Ikaw magluluto ngayon!" Yun pala ang nasa likod ng mga ngiti nya. Ako magluluto, ngayon!
"Alam ko. May dish naman ako ngayon," pagyayabang ko.
"Butihan mo sa pagluto. Baka masayang lang kasi isusuka ko mamaya."
"Nakakainsulto ka ha!" sigaw ko sa kanya.
"Ganito tlaga ako eh. Si Julia yata toh!" Nakakainis na sya ah! >.<
Nagsimula na kong maghilamos sa sink para mas magising ako. Kinuha ko yung pan at nilagyan ito ng mantika. Habang pinapainit ko ito, nagbukas akong ng corned beef at iba pang mga sangkap ng dish ko. Bago matapos akong magluto, nilagyan ko muna ng thick tissue ang plato para maabsorb yung mantika tapos ayun, nilagay ko na!
"Julia! Tapos na ko!" sigaw ko kay Julia na mukhang humiga ulit sa sala. Ilang segundo lang at narinig ko na ang mga footsteps nya.
"Bango ah! Torta?" tanong pa nya na nagmumukhang mataray.
"Bakit? Kulang ba yan?" banat ko naman at ginawa ang cross-armed position.
"Simple pero SANA masarap." Nagyayabang din toh ah! Akala nya sya lang marunong magluto? Ginawa ko yata para sa kanya yung Tortang Corned Beef kasi yun daw ang favorite nya. Sinong source? Si Kath. :DD
"Kung ayaw ko sa lasa ng luto mo, mag-iiba ako ng favorite." Dinagdagan pa nya ng asar.
"Sumusobra ka na ah!" sigaw ko nah.
"Eto naman si DJ oh! Madaling mapikon!" Sabi ni Julia habang ginugulo ang buhok. Umupo na sya at sinimulang kumain. Ninerbyos ako. Ano toh? Masterchef?
BINABASA MO ANG
Ang Secret Ni Ms. Stranger
FanfictionPaano kung ang natatangi mong pangarap ang sisira sa pangako mo sa pinakamamahal mo? Ano nga ba ang dapat mong gawin? Yan ang simula nung napaka-problemadong buhay ni Ms. Stranger.