Chapter 13: Random Ulet?

1K 34 11
                                    

JULIA'S POV

AHHH! Naiinis talaga ako kay DJ! Hindi naman sa nagseselos ako. Natatakot lang ako na pagkakatiwalaan nya yung babaeng yun tapos bigla nyang masasabi na kasal kami. Huhuhuh! Sana hindi.

"Manong, nasa loob na po si DJ?" tanong ko kay Manong na naghihintay na sa parking lot. Dark yung tint nung window ng sasakyan kaya hindi ko nakikita kung may tao ba sa loob o wala.

"Una nalang po daw sya Ma'am. Kasama nga po nya si Ma'am Coleen eh," sagot ni Manong.

Si Coleen? Kasama niya?! Akala ko ba ako ang makakasama nya sa pagpunta dun sa sinasabi nya kanina? Hay nako, sabi ng utak ko.

"Sakay na po kayo Ma'am." - Manong

May halong inis at galit ang mukha ko sa sasakyan habang nagbabasa ng libro. Hindi ko na nga naiintidihan ang binabasa ko eh!

"Ma'am, okay lang po kayo?" tanong ni Manong na nagtataka rin.

"Okay lang po ako. Nakakainis lang po kasi ang nagyayari dito sa librong binabasa ko." Nagpalusot pa ko at mukhang naniwala naman si Manong. Galing ko! Pero hindi parin maiiba ang nakasimangot kong mukha.

"Andito na po tayo." At nag-break na si Manong.

"Salamat po." Kuha sa bag, sa lunch box at sa envelope. Bukas ng gate, bukas ng pinto at punta sa sala. Lagay ng bag at iba pang mga gamit 'tas pahinga ng ilang minuto. Tapos, punta sa kitchen at---

"Nandito ka na pala." Sino toh? Magnanakaw?! Baka kidnapping toh! Ohhmaigawd. Hindi ko kasi nakikita yung mukha. Ang dilim! "Kalma ka nga lang!" Aba, mind reader ang magnanakaw! "Si DJ toh, ano ka ba!"

Hayy, si DJ pala--- ang DJ na kasama si Coleen! Ang lakas ng loob nyang dalhin pa sya dito sa bahay ah!

"Ahh, so nagde-date kayo sa bahay?" May mga pagkain kasing magarbong magarbong nakahanda sa mesa.

"Hindi si Coleen ka-date ko ngayon......... IKAW." Ha?! Anong pinagsasabi ni mokong?

"Nakainom ka na ba ng gamot? Baka kailangan ko pang bumili kasi out of stock na?" - ako

"Seryoso ako. Hindi tayo nakapag-lunch kanina kaya bumabawi ako ngayon." - DJ

Ang Secret Ni Ms. StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon