Credits to Ate @Marikit07 sa video. Ganda! Sya nga pala, sa mga taong kinokopya ang mga videos ni Ate Marikit sa Youtube, okay lang naman daw pong kopyahin pero kahit credits man lang, bigyan nyo po. Sige, baka mawalan sya ng ganang mag-update. TeeHee <3
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hindi tumagal at tapos na ko sa assignments. Tapos na rin akong kumain, maligo, magbihis. It means, I'm all set!
"Hi bro! Natapos mo ba yung assignment?" tanong agad ni Neil sakin.
"Syempre! Salamat sa tulong ni Julia." Ngingitian ko sana si Julia kaso, busy sya sa pakikipagusap kay Kath. Pag ngumiti kasi ako, dapat makita ni Julia. Ganito lang talaga ako, mangasar!
"Pre, free nga pala ako this Saturday. Vacation tayo! Sabagay, wala naman tayong gagawin next week. Mge rehearsals lang nung selected students para sa Intrams diba?" aya naman ni Robi.
"Ayos yan ah! Kasi ni isa sa 'tin, hindi selected. Sige, game ako dyan!" Muntik na kong mapatalon sa saya. Matagal na rin kasing hindi ako nakapag-bakasyon.
"Ako rin!" sigaw naman ni Neil.
"Ano sinisigaw sigaw nyo dyan? Mukha kayong ABNO!" reklamo naman ni Yen na parang naiirita na sa pinag-uusapan namin.
"Nagpaplano kaming magbakasyon. Sama kayo?" mayabang na sabi ni Neil kay Yen.
"Sige! Its going to be fun!" Mukhang excted na excted rin si Britney. Tumatalon talon na nga eh. Sya na ang mukhang ABNO.
"Ako rin. Mukhang ganun rin si Kath diba?" Lumingon si Yen kay Kath na kanina pa nakangiti. Akala ko, ayaw nya ng mga ganito, nagbabakasyon.
"Syempre! Ikaw Julia, sasali ka diba?" tanong naman ni Kath kay Julia.
"Ahm.... Hindi ko alam......." Kung makapagsalita si Julia, parang kinakabahan!
"Bakit? Selected student ka ba?" Double check ni Robi.
"Ahm....... Hindi naman." Eh hindi naman pala! Edi, settled na!
"Hindi naman pala. Paligoy ligoy ka pa kasi. Sabihin mo nalang na gusto mo talagang sumama!" asar ko pa sa kanya. Ayun, nagpa-pout na naman!
BINABASA MO ANG
Ang Secret Ni Ms. Stranger
FanfictionPaano kung ang natatangi mong pangarap ang sisira sa pangako mo sa pinakamamahal mo? Ano nga ba ang dapat mong gawin? Yan ang simula nung napaka-problemadong buhay ni Ms. Stranger.