"Ayos! Ganda ng room natin!" Nag-"natin" pa si DJ. Hindi ko alam pero, nakakairitang pakinggan?
"Syempre! BORA TOH NOH! Heller?!" sigaw ko naman. Ang OA kasi. Wala namang hotel na hindi maganda ang rooms diba? Tsk.
"Eh may PS3 kasi. Makakalaro ako kung wala ako sa mood maligo!" - DJ
"Hoy, wag mo munang galawin yan!" sigaw ko sa kanya nung patakbo sya patungo sa kinaroroonan ng TV kung saan matatagpuan ang P3S? Ayts, PS3 pala. Hehe, bobo ako dyan eh. ^^
"At bakit? Kwarto naman natin toh ah!" ganti nya naman, nagmumukhang mataray.
"Tandaan mo, si Robi ang magbabayad ng expenses kaya wag mong palakihin ang gastusin nya rito. Tska, hindi rin natin alam na aabot ng thousands yung bayad para dyan." - ako
"Okay lang Julia! Bakasyon toh kaya let your husband do all he wants here." Nagulat nalang ako nung biglang magsalita si Robi sa likod ko. Hindi ko namalayang nasa doorway pala ko at nakabukas pa yung pinto kaya malamang, narinig ni Robi ang usapan namin ni DJ.
"Anong okay? Malaki ang babayaran mo dyan!" reklamo ko.
"Okay nga lang. Sagot na daw din toh ng mga parents ko. Tumawag sila kanina. Kaya, enjoy your stay." Nagwink sakin si Robi at tuluyan nang umalis.
"Kitams?" - DJ
"Nang-aasar ka ba?" - ako
"Hindi ah!" Inayos ni DJ ang PS3. May pinapaslak at pina-plug. Ang dami yatang wires. Messy na tuloy yung room. Di bale, lilinisin ko mamaya.
"Pwede ba tayong maglaro?" alok nya sakin nung na-connect na nya sa TV yung PS3.
"H-ha? Ako?" nagtataka kong sinabi sabay turo sa sarili ko.
"Ikaw nga. Eh wala namang ibang tao dito sa room." - DJ
"Hindi ako marunong nyan eh. Teka, ite-text ko si Robi." Kinuha ko yung phone ko at sinimulang magtext.
"Ikaw nalang!" bigla namang sumigaw si DJ.
"Wala nga kong alam dyan!" - ako
BINABASA MO ANG
Ang Secret Ni Ms. Stranger
FanfictionPaano kung ang natatangi mong pangarap ang sisira sa pangako mo sa pinakamamahal mo? Ano nga ba ang dapat mong gawin? Yan ang simula nung napaka-problemadong buhay ni Ms. Stranger.