Chapter 19: Great News?

929 24 1
                                    

"Hoy asungot, gising nah!" sigaw ko kay DJ para gumising na sya. Halos 9 am na sa umaga eh! "ASUNGOT!"

"Hmmm.. Ano ba?" inaantok nyang sagot.

"Tumayo ka na dyan sabi!" Hinawakan ko ang balikat nya at pinaupo sa kama. Sinampal ko sya sa kaliwang pisngi.

"Para saan yun?" inaantok pa rin nyang sabi.

"Para sa hindi mo paggising nang maaga." (OA ng reason ko!) Sinampal ko sya ulit, sa kanang pisngi.

"Para saan naman yun?" Inaantok pa rin sya.

"Para sa walang galang mong pagkausap sakin ngayon." (OA ko talaga!) Sinampal ko ulit sya.

"Eh yun? Para saan?!" Napipikon nyang sabi pero inaantok pa rin.

"Wala lang. Gusto ko lang sampalin ka eh," asar ko.

"GRRR! Montes!" Sinapak ako ni DJ sa noo.

"Gumising ka na kasi!" Pinatayo ko sya at inalalayan papunta sa kitchen sink. Binuhusan ko sya ng malamig na tubig.

"Uyy! Ang g-ginawwwww!" reklamo nya at binukas na, finally, ang kanyang mga mata.

"Good morning DJ!" - ako

"Oyy!" bigla syang sumigaw nung tumingin sya patungo sa direksyon ng kinaroroonan ko. "Ang aga aga eh demonyo na ang nakikita ko." Nag-iba ang facial expression ko, from abot-tenga smile to angry bird.

"Nakatulog ka nga lang, sira na mga mata mo! Ano ba yan!" - ako

"Ano bang almusal? Masarap ba?" - DJ

"Ano sa tingin mo?" - ako (taray mode)

"OYY! FRIED CHICKEN!" sigaw nya na naman at sumugod sa mesa. Pinabayaan ko na lang sya dun at nanood ako ng SHOWTIME. Favorite ko yun noon. Nakakatawa sila eh..

Nung natapos na si DJ at agad pumunta sa sala, inasar ko. XD "DJ! Yung kamukha mo oh! Nasa TV!"

"Ah si Vhong?" - DJ

"Hindi noh, si VICE!" Tawa ako ng tawa sa mukha ni DJ. Angry bird yung face nya! Hahaha XD

"Aga aga, inaasar mo talaga ako!" Sinapak na naman ako sa noo nitong si DJ.

"Aray! Eh ikaw? DIba nang aasar ka rin ng maaga?" Dinilaan ko sya.

"Ah! Bago ko makalimutan, may sasabihin akong importante." - DJ

"Tumahimik ka nga dyan. Alam kong speechless ka at wala ka nang banat kaya nag-change topic ka." - ako

"Hindi. Seryoso." - DJ

"Eh ano yun?" - ako

"Pupunta ako ng America, kasama ang banda at---" pinutol ko ang sinabi nya.

"Eh ano ang pakialam ko dyan?" - ako

"Ang taray mo naman. Ang gusto ko lang sabihin ay kasama ka sa byahe." - DJ

"ANO?!?!" Napatayo ako sa sofa. "Hindi! Ayaw ko! No way! Never!"

"Please. Kailangan ka namin dun eh." - DJ

"Ano naman kinalaman ko dun? Magiging PA mo ko dun?!" - ako

"Hindi. Ganito yun: Napili yung banda namin para i-represent yung Pilipinas para sa isang contest. Yung 'Next International Singing Sensation'. Kailangan namin ng vocalist kaya isasama kita." - DJ

"Ha? Ako, for vocalist? Nababaliw ka ba? Hindi Ako marunong kumanta tsaka, Ikaw naman yung vocalist nung banda nyo diba?" - Ako

"Oo nga pero I'm focusing on my bass guitar kaya hindi ako ang magiging vocalist." - DJ

Ang Secret Ni Ms. StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon