Chapter 17: F-U-N Part 4 ([late] Valentine's Special)

906 29 6
                                    

Chika po tayo ulet?! :DDD

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

KATH'S POV

Nagising ako sa isang maagang maagang oras. 5:00 am guro? Hindi ko alam! Ang nagnakaw lang sa atensyon ko ay ang mga petals ng roses. Mukhang nagbibigay daan eh pero hindi ko alam kung saan patungo. Wala akong magawa kundi sundin nalang tong mga petals na toh.

Hindi ko namalayan na nasa isang rooftop na ko. Hindi ko alam ang right term pero wala nang kisame eh. May table din na naka-set. May sunny side up eggs at bacon. Ang aga naman yata. Mukhang isang date toh pero hindi para sakin. Nakakahiya pag nakita ako ng mga magde-date. ><

Pero may naisip lang ako. Bakit umabot yung rose petals sa kwarto ko kung hindi para sakin toh? Hmmm.....

"Good morning princess," may nagsalita. Maygawd. Familiar yung boses. Lumingon ako. Hindi ko pa makita yung mukha nya. Madilim pa!

"Sino ka?" Sinubukan kong magtanong. Akala ko, magpapakita na sya eh nagtatago parin!

"Admirer mo." Yun lang ang sagot nya. Nagsasayang lang ako ng oras, tanong lang ng tanong sa pangalan nya. Hanggang sa nagsimula na ang sunrise.

"Robi?!?!" Nagulat ako nung nakita ko na sya. Hindi pala--- GULAT NA GULAT :O

"Oo. Robi nga, Robi Domingo." Aba, nakikipagbiruan pa ha!

"Anong admirer ang sinasabi mo? Okay ka lang?" - ako

"Okay na okay. Nahihiya nga akong gawin toh pero para ma-express ko ang feelings ko for you, titiisin ko ang hiya." Namumula sya. Ano kayang nararamdaman nito?

"Hindi ko pa rin maintindihan!" Naiinis na ko. Hindi ko naman talaga naiintindihan eh. Ba't hindi nya nlng sabihin sakin ng diretso?

"Nung una pa lang kitang nakita, starstruck ako sayo. Nagka-crush na ko sayo. Parang yung love at first sight?" - Robi

"Hahaha. Mahirap sabihin pero...... ako rin." Inamin ko na rin. Tutal, sinabi nya naman din yung nararamdaman nya for me diba?

JULIA'S POV

7:00 na ko nakagising. Ang plan ko ngayon, ay ang maging mabait kay DJ. Niligtas nya buhay ko kagabi eh. Oo nga. Feb. 14 ngayon. Sanay naman ako maging Forever Alone eh. Hahaha, kahit may asawa na ko, FOREVER ALONE pa rin.

Napansin ko na gising na pala si DJ. "Good morning DJ! Laro tayo?"

"Ang aga aga pa oh, laro kaagad? Mamaya na, masakit ulo ko." Tumayo sya at inayos ang kama pero pinigilan ko kasi mabait mode nga diba?

"Ako na nyan." I offered him my help.

"Hindi, ako na." - DJ

"Ako na nga." - ako

"Sabing AKO NA!!!" Nagulat ako nung sumigaw si DJ. OA naman nito, nagpapakabait na nga eh.

---------

"Good morning guys! BV yata kayo?" tanong kaagad samin ni Britney nung nakaabot na kami sa restaurant na kakainan namin.

"Hindi. Si DJ lang." - ako

"Oh, bakit BV ka pare?" tanong naman ni Neil kay DJ sabay akbay.

"Wag nyo muna ko kausapin okay? Masakit ulo ko." Kinuha ni DJ ang kamay ni Neil na nakaakbay sa kanya. Hinayaan nalang namin ni DJ. Buffet style ang restaurant ngayon. Ako nalang ang kumuha for DJ.

"Busog ako." Yun lang ang sabi niya nung nailagay ko na ang plato ng pancakes sa harap nya.

"Kumain ka na. Kung gusto mo, susubuan kita." Pinilit ko parin sya. Breakfast is the most important meal of the day kaya!

Ang Secret Ni Ms. StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon