Chapter 23: The Story Of Us

746 21 5
                                    

"Wow! That was another breathtaking performance!" sigaw ni CHeryl na napatayo ulit at pumalakpak.

"I totally agree, Cheryll. Now, I'm very very happy that you have maintain that teamwork of yours. Your instruments are very well played and the voice? TOTALLY AMAZING!" complement ni Anthony.

"Yeah. It's true. I love your song choice and it actually matches my taste!" sabi naman ni Alex.

"It's a YES!" - Cheryl

"A yes for me too!" - Alex

"Yes!" - Anthony

"Thank you! Thank you so much!" sobrang saya ni DJ na nakaabot kami sa top 10. Then, we took our exit.

"Galing pala natin dun ano?" napatanong si Neil sa sarili.

"Anyway, uwi na tayo. Dun nalang tayo magce-celebrate!" Ang cheap nga naman ni Robi. Hehe, Joke lang!

---

"Hala! Ganda ng category ngayon!" Napasigaw ako nung nakita ko ang isang envelope sa may mesa. Kakagising ko lang. Sa sobrang ganda ng panag-inip ko kagabi, ang late kong gumising. Napansin ko rin na wala na si DJ sa higaan nya.

"Himala! Ngayon ka lang nakagising!" asar ni DJ nung kakalabas ko lang ng kwarto.

"Tumahimik ka nga dyan! Nakaka-bad trip! Anyway..." Tumingin ako kay Robi. "Taylor Swift ang category!"

"Buti naman at napansin mo yung sulat." Yun lang ang nasagot ni Robi.

"Ikaw na pumili ng kanta ni T Swift, Robi. Tough na tong round na toh. Top 10. Kasali na yung pambato ng America na masasama yung tingin satin kahapon." Hindi lang pala ako ang tinitignan ng masama nung babae kahapon. Si DJ rin pala.

"O sya. Uhm, napaisip ako na yung may pagka-rock na kanta ni Swift para magamit mo yung guitar mo, DJ. Yung... The Story Of Us. Alam mo ba yun?" tanong sakin ni Robi.

"Oo. Idol ko yata si Swift." I flashed a smile.

KNOCK! KNOCK! KNOCK!

"Ako na," mahinang sabi ni Neil.

"Letter for Julia Montes? Is she in this room?" Hindi ko masyadong makita yung tao. British ang accent nya kaya alam kong hindi si James yun. Isinara ni Neil ang pinto at agad na hinagis ang sulat patungo sakin.

"Kanino galing?" tanong ni DJ. Tinignan ko sa likod pero pangalan ko lang ang nakasulat :/

"Hindi ko alam. Pangalan ko lang nakalagay eh.."

Dear Julia,

Hello Bestfriend!!!

Miss ka na namin ni Britney at Yen. Kumusta kayo dyan sa America? Si Robi, DJ? SI Neil? Nakapasok kayo sa top 10! We're very proud of you! Paano namin nalaman? Naku! Nasa TV kaya kayo gabi gabi. Sayang lang, hindi live. Alam kong sa gabi magsisimula yung contest dyan. Iba yung time dito eh. Kung live, eh sa umaga ang live streaming. Anyway, may good news kami for you! Lilipad kami dyan the day after tomorrow! We will watch you perform for the final 5! Nakaka-excite. Nakapag-book na kami ng ticket at nag-pack na nga kami eh. Excited lang talaga kami. Kita kits tayo dyan. Regards from Britney and Yen. :*

Lots of love,

Kath

"Kay Kath toh galing!" masaya kong sinabi sa kanila.

"Talaga?! Patingin!" agad namang sumigaw si Robi at inagaw yung sulat sakin. Sila na ba talaga ni Kath? Abot tenga ang ngiti ni Robi habang binabasa yung sulat eh!

Ang Secret Ni Ms. StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon