Nung pumasok papalapit kami sa lobby (as in, one step) para maka-check in, nabigla kaming apat nung pinagpalibutan kami ng mga paparazzi or media bang tawag dun?
"Princess!"
"Princess Alexandra!"
"It's an honor to have you here, your highness!"
Hindi ko alam kung anong pinagsasabi nila. Princess Alexandra? Sino yun? Napagkamalan pa kong princesa!
"Excuse lang po.... Please make way......" sinabihan ni Robi ang media at tuluyan ng pumunta sa counter ba yun?
Naririnig ko pa rin ang flash ng mga camera. Nabubulag na ko sa mga camera lights! Bakit ba kasi ako pinapalibutan ng ganito ka raming tao?
"Sir? We need to check in right away," nagmamadaling sabi ni Robi sa taong nasa "counter" (yun ang tawag ko dun kaya wala nang reklamo!)
"Oh my gosh. Princess Alexandra, is that you?! Nice to meet you, your highness!" Ganun pa rin ang tingin sa kin nung tao. Princess? Ng anong bansa?!
"Sorry but I'm afraid you're mistaken. I'm not Princess Alexandra, I'm Julia, Julia Montes," paliwanag ko sa kanya para wala nang problema at para makakuha na kami ng room.
"Nonsense Princess! We have reserved a royal room for you. We knew you would come! Come here, let Joseph take your luggage and follow me...... Excuse us....." - tao
Sinunod namin sya pataas at finally, may mga guards na hindi pinasunod ang reporters. Ang ingay nila! "Princess" dito, "Princess" doon. Naiintriga ako. Sino ba talaga sya?!
"Your room, your highness. Enjoy your stay." Bago makaalis yung lalaki, pinigilan ko sya para maipaliwanag nya sakin yung princesa stuff.
"Wait. Can you explain why I'm a big issue to your country," sabi ko, formally.
"Princess Alexandra, you're the latest appointed Princess in Germany. News about you immediately spread in America since Germany and our country are really close," paliwanag nya. Close daw? May friendship din pala ang mga bansa noh?
"Thank you. Can I just ask one more favor?" hiling ko.
"Sure, Princess!" - lalaki
"Please tell the media that my name is Julia Montes and NOT Alexandra." - ako
"I'll try my best to do that, your highness." - lalaki
"You may leave. Thank you, once again." - ako
"My pleasure." At tuluyan na syang umalis. Agad ko namang isinara ang pinto and leaned on it.
"Ang galing mo palang mag-ingles Julia!" asar naman sakin ni DJ.
"Tumahimik ka nga dyan! Hindi nakakatawa!" sigaw ko sa kanya. Dumagdag pa talaga sa problema tong si mokong!
"Napakalaking problema toh," problemadong sabi naman ni Robi.
"Oo nga. May konti akong alam sa Alexandra na yun. Nabasa ko yun sa isang newly published book," sumingit naman si Neil.
"Anong sabi?" tanong ko.
"Sabi dun, talagang malalaman mong siya yung babaeng yun kahit marami syang kamukha dahil sa light brown eyes nya na walang makakatalo. At may light brown eyes ka rin, Julia at talagang kamukhang kamukha mo sya," sagot ni Neil.
"Oo nga pala! May picture ako nyang Alexandra na yan sa wallet ko. Maganda kasi." Kinuha ni DJ yung wallet nya at pinakita sakin yung picture.
"Baliw! Ako yan eh!" Nakakasira talaga ng araw tong si asungot! AAHHH!
BINABASA MO ANG
Ang Secret Ni Ms. Stranger
FanfictionPaano kung ang natatangi mong pangarap ang sisira sa pangako mo sa pinakamamahal mo? Ano nga ba ang dapat mong gawin? Yan ang simula nung napaka-problemadong buhay ni Ms. Stranger.