Chapter16

490 17 0
                                    

Sam pov.

Two weeks ago ng huli kaming magkita ni Zach simula nun ay hindi na kami muling nagkita pa.

Tinetext ko ito at tinatawagan pero hindi ito sumasagot,miss na miss ko na ito,kamusta na kaya sya?.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko,hindi rin kasi ito pumapasok kaya nag aalala ako rito.

Naglalakad ako sa hallway ng mapansin ko ang kakaibang titig ng mga nakakasalubong ko at nagbubulungan pa,ano na naman kaya problema ng mga ito?.

Nag patuloy ako sa paglalakad at binalewala ang mga nakakalusaw na titig ng mga ito,ng biglang may humarang sa harap ko.

Nakaramdam ako ng inis sa mga ito,ang aga-aga wala silang magawa sa buhay nila,napatitig ako sa mga mukha ng mga ito, ewan ko ba kung bakit kay papanget nila sa paningin ko.

Hey look who's here?sagot ng may makapal na make up,pati labi na pulang-pula na akala mo pinapak ng putakte sa sobrang pula ng kulay.

Habang tinititigan ko ito ay parang nasusuka ako,kaya napahawak ako sa bibig ko para pigilin  ang gustong lumabas sa bibig ko at bago pa ako magkalat dito sa hallway.

Hay naku!ang lakas ng loob na makipag landian kay Ace,higad talaga.

Teka,ako ba pinariringgan ng bisugo na ito,?malamang ako dahil sa akin ito nakatingin.

But well she really look like Cannary,but Cannary must prettier than her right girls?,panakip butas sa sugatang puso ni Ace kasi magkamukha sila.

Napataas ang kilay ko sa sinasabi ng bisugong ito,hindi ko maintindihan ang sinasabi nito,anong magkamukha,at sinong panakip butas?.

Nang tignan ko ang paligid,lahat sila nakatingin sa akin,may mga mapanuring tingin ang mga Ito,may kinalaman kaya ang mga sinasabi ng mga ito,kaya ba hindi nagpapakita si Zach,at sino si Cannary?.

May hindi ba ako Alam,pero wala naman nabanggit sila kijon tungkol dito,para yatang umiikot ang paningin ko kaya napahawak ako sa sintido ko at hinilot yun.

Nang maramdaman kong medyo okay na ay naglakad ako at walang pasintabing itinulak ang bisugong nakangisi sa harap ko,dahilan para mapaupo Ito.

Hoy babae!.kahit na ano pa ang gawin mo, hinding-hindi ka magugustuhan ni Ace,dahil simula palang iba na ang mahal niya,ang hirap kasi sayo masyado kang easy to get,eh ginawa ka lang naman nitong panakip butas dahil sa magkamukha kayo ng girl friend niya!sigaw nito.


Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nito,hindi magagawa ni Zach lahat ng sinabi nito.



Nasan ka ba kasi Zach?,ang daming tanong na gusto kong malaman mula sayo,May hindi ba ako alam na dapat kong malaman?.

Naglakad ako nang wala sa sarili,kahit pa putak ng putak ang kaharap ko,gulong-gulo ang isipan ko,naputol ang pag iisip ko ng may nabangga akong matigas na bagay,kaya napatingin ako rito.

Peter?tawag ko rito dahil nakyuko ito at tila ba ayaw akong tignan sa mata.



S...s-sam, ikaw pala tagal nating di nagkita ah? Bakit magisa ka lang nasan sila Pauline,di mo atah sila kasama ngayon?.

Sunod-sunod na tanong nito,mailap ang mga mata nito,at parang sinilaban ang pwet dahil sa hindi ito mapakali, samantalang si kijon ay nakamasid at tahimik lang.

Ah kasi ano,pinatawag ako ni Miss Corpuz,para sa ipapagawa niyang report at isa pa maaga kasi ang klase ko ngayon.


Nga pala kijon,Peter, can i asked both of you a simple questions about Zach, please just tell me the true,this past few weeks I've texting and call him but he didn't answer my text and calls,.ano ba talaga nangyari sa kanya?




A....a'ah k'kasi Sam, ano kasi...pano ko ba ito sasabihin,si Ace kasi ano,at napakamot ito sa batok,habang hindi mapakali sa kinatatayuan.


Just tell me,please... what's happening,ano ba talaga?naguguluhan na ako.

Naiiyak ako pero pinigilan kong wag maiyak sa harapan ng mga ito,gusto kong malaman lahat ng maaari kong malaman, natatakot ako.





Sam....si kijon ang tumawag sa akin at napatingin ako rito,he stares me straight into my eyes, the reason why my heart beat fast,bakit ganun parang may hindi magandang sasabihin sa akin si kijon.



May gusto itong iparating sa pamamagitan ng pagtitig nito sa akin,at alam kong masasaktan ako.








Sam...tawag ulit nito sa akin,
just forget your feelings for him.sagot nito ng walang kagatol'gatol.



Kijon...!sigaw ni Peter, Sam don't mind him,okay?.




Nanigas ako sa narinig ko,hindi ko pinansin si Peter at kay kijon lang natuon ang atensyon ko, alam kong alam nila ang dahilan Kung bakit wala si Zach at kung ano ang sinasabi ng mga bisugo kanina.






Kaya naman pinilit kong magsalita kahit na may nakabara sa aking lalamunan,s...sabihin niyo nalang kung ano ang nangyayari please. Sagot ko sa mga ito.



Cannary is back,..kijon said without even thinking,.

That's why Ace trying to avoid you,Cannary  his childhood sweetheart and girlfriend,she came back here to fix everything about their problem, five months ago she broke up with Ace and now she trying to make it up and convince Ace that they have a second chance.






Oh my God,..tanging nasabi ko,para akong sinaksak ng isang libong beses sa mga sinabi nito,bakit ginawa ni Zach ang mga ganung bagay sa akin,gusto kong maiyak,nagiinit ang sulok ng mga mata ko, napatingin ako kay Peter, ngunit napayuko ito.





That's not true...sabay yuko.

Sam,that's true, just accept it, we very sorry about what Ace did to you,pinaasa ka lang niya at alam kong mali ang ginawa niya.


Bro.you're so rude to Sam, pwede naman sabihin ng maayos at hindi sa ganyang paraan.Peter said.

Zach...!  hahahaha tili ng babae,napalingon rito si kijon at Peter, habang ako ay nanatiling nakatalikod.






Why?you know how much I've miss you,.sagot ng pamilyar na tinig,mababakas sa boses nito ang pangungulila.



Parang dumikit atah ang paa ko sa sahig ni hindi ako makagalaw,parang huminto ang pagikot ng mundo,napatingin ako sa paligid lahat sila nakatingin sa akin,kaya naman buong tapang ko silang hinarap,hindi pwedeng magmukha akong kawawa sa harapan ng mga taong ito,kahit masakit kakayanin ko.






Nang magtama ang mga mata namin, nakita ko ang pagkabigla rito,ang asul niyang mga mata na ngayon ay wala nang makita pang emosyon pagdating sa akin.


Napatingin ako sa magkaholding hands nilang mga kamay,kaya napadako naman ang paningin ko sa babaeng nakatitig lang sa akin.

Napasingap ako sa nakita ko,hindi ako makapaniwala sa nakita ko ang babaeng kaharap ko ngayon  ay............













































Kamukha ko.

.


#lookalike




#thankie *^▁^*

Cherish YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon