Moving is not only for those who experienced heartbreaks. But you can also apply this if you have someTHING in the past that you need to let go.
++CynethIsTheName++
Waaah. Thank God it's Sunday. Nakakaloka ang first week ko sa University.
Mabuti nga hindi ako masyadong ginugulo ni Korea guy. Pero si Troy naman kung makalapit sakin. Napupunta tuloy sakin ang atensyon ng mga estudyante. And I really hate it.
Actually, di ko naman talaga hate si Troy. Naiinis lang ako sa mga pinapakita niya pag nasa TV na siya.
First week pa lang ang dami na agad activities at homework. Maghapon tuloy akong di nakalabas kahapon dahil tinapos ko ang lahat ng homework ko.
So dahil Sunday ngayon means rest day. Naisipan kong magbake ng cookies para mawala naman ang stress ko. Isa rin kasi ito sa mga passion ko kaya nga HRM ang kinuha kong course e.
"Anu yan? Cookies? Penge ha!" Hindi ko namalayang nakapasok na pala ng kitchen si Clarence. "Wow ate, ang galing mo talaga magbake ng cookies. Ipagbake mo ako nito sa monthsary namin ni Lorraine ha!"
Natawa na lang ako. "Oh sure! Basta in one condition.. ipakilala mo na siya sa akin!"
"Oh sure Ate! I'm sure you'll like her." confident niyang sabi.
I smiled. "Of course, I know I will" I don't want to be a hindrance with their relationship.
"Kumain ka lang diyan. Dadalhan ko lang si Sarah ng cookies diyan sa katapat bahay natin." Tumango lang siya.
Lumabas na ako ng bahay para puntahan si Sarah. Namimiss ko na yung batang yun. Di ko na kasi siya ulit nakita mula nung lumipat sila. Natatandaan pa kaya niya ako?
Bitbit ang box ng cookies. Nag doorbell na ako sa gate nila. Lumabas mula sa pintuan si Tita Yssa. Ngumiti siya ng makita ako.
"Oh ikaw pala. Ikaw yung nakatira diyan sa tapat diba? Chelsea? Am I right?" Lumapit siya para pagbuksan ako ng gate. Nakita ko namang sumilip si Sarah mula sa pintuan nila.
"Ah opo.. Buti naman po natandaan niyo po ako!" nakangiti kong sagot. "Dadalhan ko lang po sana kayo nitong ginawa kong cookies"
"Ahh sige. Pasok ka at ng may makasama naman kami ni Sarah!" Binuksan niya ang gate ng tuluyan para makapasok ako.
Dumiretso naman ako sa pintuan at hinalikan sa pisngi ang nakangiting si Sarah.
"Ate Chelsea. Anu po yan?"
"Ah. Cookies! You want?"
"Yehey! Ikaw po ba gumawa nito?" kinuha niya sa akin yung box at hinila niya ako papasok sa Living room. Napaka hyper talaga ng batang to. Akala ko nung una, behave. Pero much better, mas nakakatuwa ang batang active.
"Oo. Kaya dapat kainin mo!" Tumango lang siya at binuksan na yung box. Naupo kami sa couch habang kinakagat ang cookies.
"Sandali at ipagtitimpla ko kayo ng juice para may partner ang cookies niyo!" Nakangiting paalam ni Tita Yssa bago pumunta sa kitchen.
"Nuod tayo ng movie Ate Chelsea." Napakahilig talaga sa movie ng batang to.
"O sige. Anung papanuorin natin?"
"Despicable Me"
Mahilig din sa Minions ang batang to, haha. Saka she really loves movies. Baka maging artista din to paglaki kagaya ng Ate ko.
Dumating na si Tita Yssa bitbit ang 3 orange juice at inilapag iyon sa lamesa.
"Ate, ang sarap po ng cookies." Nakangiting sabi ni Sarah. Nginitian ko naman siya at sinabing lagi ko siyang dadalhan.
Tahimik lang kami ni Sarah na nanunuod habang si Tita Yssa ay busy sa laptop niya. About business I guess.
"Tita. Pwede po makigamit ng Cr? Naiihi po ako." Nakakahiya man pero makiki cr na ako. Feeling ko kasi di na aabot kung uuwi pa ako. Na sobrahan ata ako sa juice. Inilabas na kasi ni Tita kanina yung pitsel na may lamang juice.
"Nandun sa malapit sa kusina yung Cr. Kanan ka lang."
"Ahh sige po. Wait lang Sarah. Naiihi si Ate" paalam ko kay Sarah. Tumingin lang siya sandali sa akin at tumango tapos ibinalik na ang mata sa TV. Ayaw paawat sa panunuod.
Madali ko namang nakita yung Cr. Umihi na ako. Habang naghuhugas ng kamay, nanalamin na rin ako ng konti. Ang gulo na pala ng buhok ko.
May sampung minuto din ako sa Cr ng magpasyang lumabas. Medyo natagalan ata ako.
"Oy cookies? Penge ah." Sabi ng babaeng bagong dating. Mukhang pamilyar siya.
Oh my god. This is not happening.
"Wag mong ubusin. Bigay yan sakin ni Ate Chelsea" reklamo ni Sarah at niyakap ang box ng cookies.
Tumawa lang yung babae pagkatapos ay pinisil ang pisngi ni Chelsea. "Ang takaw mo talaga bunso. Manang mana kay Kuya. Speaking of Kuya. Dumaan pa siya sa Jollibee para ibili ka ng pasalubong kaya wala pa siya"
Nagtago muna ako sa may gilid ng kusina. Di ko alam kung magpapakita ba ako o hindi.
"Yehey. Spaghetti?" Tuwang tuwa sabi ni Sarah. Tapos na rin kasi yung pinapanuod niya.
"May bisita tayo. Sa kanya galing yang cookies. Kaso nasa Cr pa siya" sabi ni Tita habang nakatutok pa din ang mata sa laptop.
Kinabahan ako. Paano kung pumunta siya dito para sunduin ako?
"Ahh mamaya ko na lang po siya kikilalanin. Magpapalit po muna ako ng damit" pagkasabi nito ay nagsimula na itong umakyat sa 2nd floor.
"Tita. Sumakit po yung tiyan ko. Uuwi na po ako." Paalam ko kay Tita pagpasok ko ng living room.
"Sayang. Ipapakilala pa naman sana kita sa mga anak ko. Sige, may next time pa naman. Salamat ulit sa cookies"
"Walang anuman po. Mauna na po ako. Balik na lang po ako sa ibang araw" humalik ako sa pisngi ni Sarah bago nagmamadaling lumabas.
I know that girl. She's Sally. Once ko lang siya na meet sa Korea pero sure akong siya yun. Kung gaano kasi ako kahina sa pagmememorize ng lugar. Ganun naman kabilis kong matandaan ang itsura ng isang tao.
At kung kapatid ni Sally si Sarah. Malamang yung kuyang tinutukoy nila na dumaan pa sa Jollibee ay si Korea guy.
Nagagawa ko nga siyang iwasan sa school pero bakit parang palagi kaming pinaglalapit ng tadhana. 1 week na kaming magkaklase pero never ko napansin na magkapitbahay lang kami.
Kailangan wag niya munang malaman na magkapitbahay lang kami. Kung anu man ang dahilan ko. Hindi ko din alam.
Pagpasok ko ng bahay, mayroon pala akong di inaasahang bisita.
Haay. Di pa din pala siya tapos sa pangungulit sa school. Hanggang dito ba naman sa bahay.
"Anung ginagawa mo dito..
Troy??"
BINABASA MO ANG
The Day We Fall In Love
Teen FictionIt's all started on one song. She heard someone singing a song inside a classroom. Will she be able to find the owner of the voice?? Or continue life and forget about his voice?