Chapter 7 - Neigbor

4 1 0
                                    

"Anyone can buy a good house, but having a good neighbor are priceless"

--CynethIsTheName

"Ate Chelsea.." Awtomatikong napangiti si Chelsea ng marinig ang maliit na boses na tumawag sa kanya.

"Sarah. Tita" ganting tawag niya dito pati na din sa mommy nito at kumaway na din siya dito. Pero luminga linga muna siya paligid baka kasi makita siya ng Kuya at Ate nito.

"May hinahanap po ikaw Ate?" Inosenteng tanong ni Sarah. Napansin siguro niyo ang paglinga niya, hindi na din niya napansin na nakalapit na pala ang mga ito sa kanya.

"Hinihintay ko lang ang sundo ko" totoo naman kasi. Hinihintay niya si Troy kasi nagsabi ito sa kanya na sabay na lang silang pumasok sa University.

"Boypren mo Ate?" Seryosong tanong nito.

"Naku pasensya kana dito kay Sarah. Kung anu ano na naiisipan. Mahilig kasi manuod e" nahihiyang paumanhin ng monmy nito.

"Okay lang Tita. Ganyan po talaga siguro pag bata. Malikot ang imahinasyon" saka niya niyuko si Sarah at ginulo ang buhok nito.

"Ate Chelsea nakita ko po sa TV pag malaki na pwede na magkaboypren. Pwede bang Kuya ko na lang boypren mo?" Biglang naubo si Chelsea. Wala naman siyang iniinom pero nasamid siya pagkabanggit nito sa Kuya nito.

"Sarah! Hindi pa nga nakikita ni Ate Chelsea mo ang Kuya mo e" saway dito ng mommy nito. "Baka na ackward ka Chelsea ha. Wag mo masyadong intindihin to si Sarah, pasensya na." Paumahin ni Tita Yssa. Napansin siguro nito ang pagkasamid niya. Hindi naman siya na ackward dahil sa hindi niya pa kilala ang kuya nito. Na ackward siya dahil kabaliktaran iyon, kilala niya kasi ang kuyang tinutukoy nito. "Mabuti pa Chelsea mauna na kami at baka kung anu pa masabi nitong si Sarah. Aalis kasi kami para mamalengke" paalam ni Tita Yssa.

"Kuya hintayin mo ko"

Boses ni Sally yun, sigurado siya. Mukhang palabas na din ang mga ito ng bahay.

"Oo. Start ko lang tong kotse" ganting sagot ng kausap nito na malamang e ang Kuya nito.

Bakit ba kasi ang tagal ni Troy, baka maabutan pa siya ng mga ito. Wala naman siyang mapagtataguan. Nakahinga siya ng maluwag ng makita niya ang kotse ni Troy na paparating. Dali dali siyang sumakay. Sakto pagsara niya ng pinto ng kotse ay nakita niya si Sally na nagbubukas ng gate.

"What took you so long??" Galit na tanong ni Chelsea kay Troy ng magsimula ng umandar ang sasakyan.

"Pasensya na. Nalate ako ng gising. Late na din kasi natapos kagabi yung guesting ko." Naunawaan niya naman ito. Mahirap siguro talaga pagsabayin ang pag aaral at pagtatrabaho bilang artista. Lalo na at regular classes ang kinuha nito, ang Ate niya irregular classes ang kinuha.

"Okay. Next time wag mo na lang ako sunduin para hindi kana mahirapan." Sabi niya.

"Bakit? Nagtatampo kaba dahil late ako?" Saglit lang siya nitong sinulyapan at ibinalik ulit ang tingin sa daan.

"No. It's not that. Ayoko lang mahirapan ka. Pinagsasabay mo ang trabaho at pag aaral. Tapos kung susunduin mo pa ko. Mas napapalayo ka kung pupunta kapa sa bahay" paliwanag niya dito.

"It's okay. Kapag lang naman hindi ka mahahatid ng Daddy mo e. Kesa naman mag commute ka"

"I can drive. I have a car"

"Don't you remember na hindi yung ipinapagamit ng Daddy mo until you got your driver's license. You're only 16. You have to wait until next year" paalala pa nito.

Ngumuso siya. Talo na siya. Nakakainis naman. Bakit pa siya binigyan ng kotse kung di rin naman ipapagamit.

NAGLALAKAD siya sa hallway ng makita niya si Sandro na nakatayo sa labas ng pinto. Yes. Sandro is Korea guy's name. Kaklase niya ito kaya nalaman niya ang pangalan nito.

The Day We Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon