Chapter 6:

29 1 0
                                    

"So napaginipan mo pala na nag-abot kayo ni Anne tapos pinag-awayan niyo yung about sa inyong dalawa at kay Tj " seryosong sabi ni Christian.

Nilagay ni Tristan sa magkabilang bulsa niya yung mga kamay niya."Hindi ko nga maintindihan eh bakit galit na galit siya sakin" mahinahong sagot ni Tristan ."syempre naman noh sinong babae ba naman ang hindi magagalit kapag pinabayaan sila ng ama ng anak niya diba" sabi ni Akie.

"Pero hindi niyo ba napapansin parang hindi siya pumupunta dito kahapon pa nandito si Tj pero hindi siya dumadalaw sa anak niya.

CHRISTY's POV
"Aber pano namang maeenjoy ni Tristan yung anak niya kung hindi naman niya alam na anak niya yon?" tanong ni christy kay Anne.Kasama ni Christy sa trabaho si Anne.

Bigla namang dumating si Trixie,Beth,Mae at Asia."Sabihin mo na kasi sa kanya" singit ni Beth.

"Oo nga Kesa sa pinapahirapan mo yung sarili mo sa kakaisip ng ganyan tutal may acceptable reason ka naman kung bakit hindi mo sinabi sa kanya na nagkaanak kayo maiintindihan ka naman non." Sabi naman ni Trixie.

"Tsaka sa tingin ko alam na din nila eh"sabi naman ni Mae. "Bakit?" matipid na tanong ni Anne sa kanya. "Kasi nung isang araw nilike niya yung picture natin na kasama si Tj tsaka yung picture nyong mag ina eh matagal na yung picture nayon eh kaya hindi niya makikita kung hindi niya hinalungkat lalo na at hindi ko naman siya friend .Siguro hindi niya napansin na na like pala niya." sabi ni Mae.

"Tsaka imposibleng hindi nila malaman agad na anak ni Tristan yung batang yon dahil magkamukang magkamuka sila.Tsaka remember walang sikretong hindi nabubunyag lalabas at lalabas din ang totoo sis kaya kung ako sayo hanggat maaga pa sabihin mo na lahat para makahinga ka na ng maluwag" sabi ni Beth.

Nag isip si Anne kung haharapin na ba niya si Tristan o hindi.Narealize niya na karapatan ni Tristan na malaman ang totoo,karapatan niyang makilala siya ni Tj bilang papa niya.Pero hindi parin niya matanggap ang nakaraan na pinagtabuyan siya nito at muntik na siyang makunan dahil naitulak siya ni Tristan .Pero ayaw naman niyang itali sa nakaraan ang buhay niya gusto din niyang magpatawad at hanggang ngayon ay si Tristan parin ang mahal niya .

Pinuntahan ni Anne sa ospital sila Tj .
Inabutan niyang nakaupo sa sofa sa gilid sila Christian at Akie samantalang si Tristan at nasa tabi ni Tj .Gulat na gulat ang tatlo sa pagdating ni Anne lalo na si Tristan.Tinitigan ni Tristan si Anne at nakikita niyang hindi ito nabigla nung nakita sila nito marahil ay alam niyang nandon sila sa loob ng kwarto ng anak niya.

"Pwede ba kaming mag-usap?" tanong niya kila Christian at Akie pero hindi siya nakatingin sa dalawa.

"Ahh sige maiwan muna namin kayo" sagot ni Christian sa kanya. "Labas muna kami" sunod naman ni Akie.

Habang papalabas silang dalawa nakatitig lang si Akie kay Anne.

Nung nakalabas na yung dalawa ay tiningnan ni Anne si Tristan at nanggigilid na ang mga luha niya hanggang sa binaling niya kay Tj ang mga mata niya nilingon naman din ni Tristan si Tj na mahimbing na natutulog .

Hindi na nagpaligoy ligoy pa si Tristan at tinanong niya agad kay Anne yung gusto niyang malaman. "Anak ko ba siya ?" tanong ni Tristan . Hind sumagot si Anne yumuko lang siya at maya maya pa ay tuluyan na siyang umiyak .Nung nakita ni Tristan na umiiyak si Anne ay nilapitan siya nito at hinawakan sa magkabilang braso .
"Anne gusto kong malaman yung totoo anak ko ba siya?anak ba natin si Tj ?" tanong ulit ni Tristan sa kanya.Unti unting inangat ni Anne yung ulo niya mula sa pagkakayuko patuloy parin siya pag-iyak at tumango tango siya para ipalam kay Tristan na oo ang sagot niya sa tanong nito.Nung nakita ni Tristan na tumango si Anne nangiti siya at nag simula nading manggilid ang luha niya .Napayuko siya habang hawak niya sa magkabilang braso si Anne narinig ni Anne na umiiyak nadin si Tristan . "I'm sorry,sorry kung hindi ko siya pinakita sayo agad.Dahil alam ko na ayaw mo kaya mas pinili ko na lang manahimik dahil yun yung gusto mo.Ayokong manggulo sa inyo ng asawa mo." Patuloy sa pag iyak si Anne.Tumingin sa kanya si Tristan na nakakunot ang noo."Ha?wala akong asawa at kahit kelan hindi ko binalak mag asawa hanggat hindi kita nakikita." nagtatakang tanong ni Tristan sa kanya. "One month akong buntis sayo nung pinuntahan kita sa bahay niyo.Lumabas yung babae at sinasabi niya asawa mo daw siya(mas lalo pang naiyak si Anne)tapos lumabas ka hinila mo ko palabas ng gate at sabi mo wag ko na kayong guluhin.Dinugo ako dahil naitulak mo ko pero hindi nito tinulungan yung mga kapit bahay niyo lang ang tumulong sakin .Muntik nakong makunan noon akala ko mawawala na sakin yung anak ko." Umiiyak na kinuwento ni Anne sa kanya yung nakaraan.
"Imposibleng mangyari yon dahil isang linggo palang ang nakakaraan pagkatapos nung nangyari satin umalis nako Papuntang korea don ako nagstay kasama ko si Christian at Akie kaya imposibleng nasaktan kita noon at imposibleng may asawa ko.Please maniwala ka naman sakin" pag mama kawawa ni Tristan sa kanya at hinawakan ni Tristan ang mga kamay niya.

"Please Anne maniwala ka sakin wala akong alam sa nangyari sayo noon.At kung alam ko lang na dinadala mo yung anak natin noon uuwi ako agad dito."umiiyak na sinabi ni Tristan sa kanya.

Gumanti naman ng yakap si Anne na mas lalong naging dahilan para mas maiyak sila ni Tristan .kumawala si Anne sa pagkakayakap ni Tristan sa kanya.

"Kung ano man yung totoo wala naman na tayong magagawa don nangyari na lahat eh.Ang importante yung ngayon handa nakong sabihin sa kanya ang lahat sana lang hindi ako nagkamali sa desisyon ko na ipakilala siya sayo at sabihin sa kanya na ikaw yung papa niya na (mas lalo siyang naiiyak nung hinawakan ni Tristan yung mga pisngi niya)matagal na niyang hinahanap." umiiyak na sabi niya kay Tristan .

"Sana hindi pa huli ang lahat sana hindi lang siya yung pwede kong balikan.Sana hindi pa huli ang lahat para mabuo yung pamilya natin na dapat sana noon na nabuo " napangiti si Anne sa sinabi niya at tila alam na ni Tristan yung sagot ni Anne sa tanong niya kaya ngumiti din siya at niyakap niya ulit ng mahigpit si Anne.

Nagising si Tj at hindi nila napansin na pinapanood pala sila ng bata .Napansin naman nila na gising na si Tj at nakatingin ito sa kanila na magkayap parin.Napangiti sila nung nakita nilang nakangiti si Tj .

"Mama magkakilala po kayo ni papa?" tanong ni Tj sa mama niya.Nagtaka naman si Anne sa tanong ng anak niya.

Tumingin siya kay Tristan "alam na niya?" tanong ni Anne kay Tristan .

"Hindi pa mahabang kwento lang kaya papa yung tawag niya sakin" nakangiting sabi ni Tristan sa kanya at niyakap siya ulit ni Tristan at gumanti ulit ng yakap si Anne.

Nakita nila na Nagtakip ng mata si Tj kaya Natawa silang dalawa.

Nakayap parin yung isang kamay ni Tristan sa likuran ni Anne . "Ikaw talaga" pabirong sabi ni Tristan sa anak niya.Sumilip naman sa pagitan ng mga daliri niya si Tj tinitingnan niya kung magkayakap parin ang mama at papa niya na mas lalo pang nakapag patawa sa dalawa.

Buy one Take oneHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin