CHAPTER 26:

3 1 0
                                    

Habang papalapit si Akie kila Christian at Tristan ay hindi maiwasan ni Akie na tingnan si Tristan kaya para hindi siya mailang salitan  niyang tinitingnan si Tristan at Christian.Nang huminto siya sa paglalakad ay huminto din kay Tristan yung tingin ni Akie at napansin niya na tila gustong magtanong ni Tristan kung anong nangyari at hindi siya nagkamali dahil nagtanong nga si Tristan.

Magsasalita sana si Tristan para makibalita kay Akie pero talagang malakas ang radar ni Christian at alam na niya na magtatanong si Tristan kay Akie tungkol kay Anne at Tj kaya bago pa ito makapagsalita ay inunahan na niya si Tristan kaya gustuhin man ni Tristan na magsalita ay hindi na niya nagawa dahil inunahan siya ni Christian.Hinawakan siya ni Christian sa braso  na ang ibig sabihin ay si Christian na ang magsasalita at magtatanong dahil alam ni Christian na masama ang loob ni Akie kay Tristan at wala namang kaalam alam si Tristan na may tinatago palang sama ng loob si Akie sa kanya,at yan ang reason kung bakit mas minabuti ni Christian na pigilan na magsalita si Tristan at siya na lang mismo ang magtatanong kay Akie para sa kanya.

"Anong balita?" tanong ni Christian

"Ayaw niyang magpasama ehh mas gusto pa daw niya na mag-isa tsaka papunta na don sila tita kaya umalis na din ako." sagot ni Akie kay Christian

Pagkatapos sagutin ni Akie yung tanong ni Christian ay bumalik kay Tristan yung paningin niya.Nung nagtama ang mga tingin nilang dalawa ay hindi naiwasan ni Tristan na magbuntong hininga.Tinanong siya ni Akie kung anong plano niya pagkatapos ng nangyari.

"Aayusin ko to hindi ako papayag na mawala ulit sakin si Anne at ang anak ko.Ipapaintindi ko kila mama at papa na may sarili na kong buhay at hindi nila ko pwedeng pilitin na gawin ang mga bagay na hindi ko gusto.At sana samahan niyo ko mga plano ko." sabi ni Tristan.

Habang nagsasalita si Tristan ay nakatingin lang sa kanya si Akie at Christian pero punting iyon kahit na hindi sinabi ni Christian kay Tristan na may sama ng loob si Akie sa kanya sa mga tingin pa lang ni Akie sa kanya at sa tono ng boses nito ay alam na niya na meron silang misunderstanding ni Akie.

"Hindi kita masisisi Akie kung may sama ka ng loob sakin dahil alam ko naman na matalik na kaibigan mo si Anne kahit nung mga bata pa kayo." Sabi ni Tristan at tila hindi nagreact si Akie sa sinabi niya pero kahit na hindi nila nakita sa muka ni Akie deep inside at nagtataka si Akie kung paano nalaman ni Tristan ang tungkol sa pagiging magkababata nila ni Anne.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Akie pero wala paring pagbabago sa expression ng muka niya nananatili itong mahinahon.

"Hinahanap ko yung papa ni Anne na matagal na niyang gustong makita.Dahil gusto ko na mas mapasaya ko pa si Anne sa wedding day  namin at mangyayari lang yon kung makikita ulit niya ang papa niya.Nagkakwentuhan kami kinuwento niya sakin lahat ng ala ala ni Anne nung bata pa siya.At nabanggit din niya sakin na magkababata kayo ni Anne pero nagkahiwalay kayo dahil lumipat kayo ng ibang lugar.Alam ko na matalik kayong magkaibigan ni Anne kaya naiintindihan ko kung galit ka sakin dahil sa nangyari ." sabi ni Tristan

Tumahimik sandali yung paligid at nananatiling panatag ang emosyon ng dalawang magkaibigan .Habang si Christian ay tahimik na nakikinig at nanonood sa kanilang dalawa at handa din siya kung sakali man na hindi magkaintindihan ang dalawa niyang kaibigan.

"I'm not mad Tristan.Pero inaamin ko nadisappoint ako sayo kasi akala ko makakaya mong ihandle yung situation between you and Anne lalo pa ngayon na nandiyan si Christina ,akala ko kasi ipaglalaban mo si Anne sa mama mo pero sa tingin ko mali ako.At oo tama ka magkababata kami ni Anne at mahal na mahal ko siya bilang kaibigan kaya hindi ako papayag na masaktan siya at maargabyado dahil nangako ako noon sa papa niya bago siya umalis na hindi ko papabayaan si Anne.Pero pareho ko kayong kaibigan at pareho ko kayong mahal kaya hanggat maaari ayusin natin to para sa ikatatahimik niyo ni Anne at para nadin kay Tj dahil kung meron man na mas naapektuhan dito yun yung niyo kaya kung pwede pang Tristan please ayusin mo to,ayusin natin to." sabi ni Akie at saka ito ngumiti .Gumanti naman ng ngiti si Tristan.Nakangiti din si Christian habang pinagmamasdan si Akie at Tristan.

"Wow naman ohh ang sarap naman pagmasdan ng dalawang kaibigan ko sana ganyan tayo palagi nohh." Sabi ni Christian at nagtawanan naman si Akie at Tristan na parehong nagka tinginan.

Ilang sandali pa ang lumipas na pareho silang nakangiti sa isa't isa ay nakipag kamay si Akie kay Tristan at masaya naman itong tinanggap ni Tristan.

>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>
Nihao  wattpadians:) ginawa ko yung chapter nato para ipaalala sa inyo na mahalaga ang pagkakaibigan.Kahit anong problem ang dumating sa inyong magkakaibigan dapat sama sama niyong harapin at ayusin ang problema dahil sa kahit sino pa man bukod sa magulang at pamilya natin ay wala ng ibang mag dadamayan kundi ang tunay na magkakaibigan:) .
#Based on my true story.Im so happy because I have a true friends that will never leave me when I need them the most:)

Credit to Christian,Tristan and Akie.You can handle your problem with grace and dignity:)

Buy one Take oneHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin