Chapter 19:

11 1 0
                                    

Pagkatapos mag-usap ni Asia at Anne ay bumalik na siya sa kwarto nila dinatnan niya si Tristan na mahimbing na natutulog.Nung makita niya ang maamo na muka ni Tristan ay hindi niya napigilan ang sarili niya na maiyak hindi niya makalimutan ang sinabi sa kanya ni Asia.Ang tampo at selos na nararamdaman niya ay biglang napalitan ng lungkot ,awa at sobrang pagmamahal .Nangako si Anne sa sarili niya na kahit anong mangyari ay hindi siya bibitaw kay Tristan hindi niya iiwan ang lalaking mahal niya hanggat hindi si Tristan mismo ang bumibitaw sa relationship nila dahil ramdam niya na hanggang ngayon ay mahal parin niya si Christina.

Nilapitan niya si Tristan at umupo sa tabi nito.Gusto niya sanang haplusin ang muka ni Tristan pero hindi niya itinuloy dahil baka magising ito kaya pinagmasdan na lang niya si Tristan.Pilit niyang pinipigilan na umiyak ng malakas para hindi magising si Tristan.
"Sana ako na lang .Ako hindi kita iiwan dahil ikaw lang ang mahal ko." pa bulong na sinabi ni Anne kay Tristan na mahimbing na natutulog .Hindi niya mapigilan na mahagulgol kaya lumabas na lang siya ulit ng kwarto at pumunta sa tabing dagat at doon niya binuhos lahat ng luha niya doon niya iniiyak lahat.

Maya maya pa ay napansin niyang may tao sa likuran niya at nung humarap siya ay nakita niya si Tristan na nakatayo sa harap niya.

"Bakit umiiyak ka whitie?" tanong ni Tristan sa kanya habang pinupunasan niya ang luha sa mga mata ni Anne gamit ang mga palad niya.

"Wala napuwing lang ako" matipid na sagot niya kay Tristan.

"Whitie wag kang magsinungaling sakin alam kong hindi ka napuwing.Bakit ka umiiyak? Anong problema ? May nangyari ba kay Tj?" sunod sunod na tanong niya kay Anne.Sinubukan niyang gumawa ng palusot kay Tristan pero hindi ito umepekto.

"Hindi hindi wala okay lang si Tj" sagot ni Anne sa kanya .

"So ano ngang problema?"tanong niya ulit pero hindi sumagot si Anne nakayuko lang ito at pilit na pinipigilan ang sarili niyang maiyak sa Harap ni Tristan.Ilang sandali pa ay iniangat ni Tristan ang ulo ni Anne dahil nakayuko ito at ng tinitigan niya sa mga mata si Anne ay niyakap siya nito ng mahigpit at gumanti naman ng yakap si Tristan.

"Kahit hindi ko alam  yung reason kung bakit ka umiiyak ramdam ko na nasasaktan ka ng sobra dahil sakin.Hindi na kita tatanungin kung anong problema hihintayin ko na lang kung kailan ka ready para sabihin sakin.Ikakasal na tayo Anne magiging asawa mo na ko kaya pwedeng pwede kang magtiwala sakin ." Sabi ni Tristan

"Thankyou mahal na mahal kita at sisiguraduhin ko na hindi ka magsisisi na ako yung pinili mo" pagkatapos na pagkatapos sabihin ni Anne yung huling salita na sinasabi niya ay hinalikan siya ni Tristan.Magkasama nilang dinama ang init ng halik na puno ng pagmamahal nilang dalawa.

Buy one Take oneHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin