Chapter 11:

8 1 0
                                    

TRISTAN's POV
Bati na ulit kami ni Blackie haha kung itatanong niyo sakin kung sino si Blackie yun yong asawa ko kapal ng muka ko noh asawa agad syempre siya Nanay ng anak ko ehh natural akin siya.Blackie ang tawag ko sa kanya kasi maitim siya ng nung bata pa siya pero ngayon ang puti nadin niya tulad ko at hindi ko maikakaila na talagang maganda siya kahit na maitim pa siya noon tapos whitie ang tawag niya sakin kasi dang puti ko daw baliw nayon hahahaha.

"I'm sorry kasi nasabi ko na kay Tj lahat ng tungkol satin pero ginawa ko lang naman yon para hindi masaktan yung anak natin pag nalaman niya na ako yung tunay niyang ama" Akala ko katapusan ko na nung sinabi ko sa kanya yung totoo .Nakakatakot pa naman siyang magalit nagiging dragon tapos yung binubuga niya hindi apoy lava .Buti na lang at sadyang mabait yung asawa ko kaya mahal na mahal ko yun ehh at hindi na talaga ko gagawa ng bagay na ikakagalit niya alam ko matagal ko ng sinasabi na hindi ko na siya sasaktan pero ngayon talaga totoo na promise.

ANNE's POV
Biglang may kumurot sa puso ko na kung ano nung hinawakan niya yung mga kamay ko at nagmamakaawa na patawarin ko siya para sa inaakala niyang kasalanan na ginawa lang naman niya para sa anak niya .Ipagkakait ko pa ba sa yung kapatawaran na hinihingi niya lalo't ginawa naman niya yon para sa anak namin? Matagal ko naman ng inaasam na tanggapin at kilalanin niya si Tj bilang anak ngayon pa ba ko mag iinarte.Sa kabila ng lahat ng nangyari samin pilit ko pa rin siyang iniintindi dahil alam ko na ang tunay na dahilan kung bakit niya ko iniwan noon kung bakit niya kailangang ipagtabuyan ako noon kahit alam niyang buntis ako pero hindi siya naniwala sakin nung sinabi kong anak niya yon at pinaalis niya ko pilit niyang sinasabi na anak ko daw yon sa ibang lalaki pero kaya kong patunayan sa kanya na wala akong ibang pinagbigyan ng sarili ko kundi siya lang at siya ang ama ni Tj.

Naaalala ko pa nga nung sinabi ko sa kanya na buntis ako sinampal niya ko wag daw ako gumawa ng kwento kasi hindi daw niya ko papaniwalaan.Pero nawala lahat ng galit ko nung nalaman ko na gumawa ng kwento si Anna para siraan ako kay Tristan kasi gusto niya sa kanya mapunta si Tristan pero malas niya hindi siya pinatulan ng lalaking kinahuhumalingan niya na ako naman ang gusto .At ngayon na okay na kami gagawin ko lahat para mapanatili yung pagmamahal niya sakin at hindi ako papayag na maagaw pa siya ng iba.

TRISTAN's POV
Mahal na mahal ko noon si Anne hindi naman nagbago yun eh sobra lang ako nasaktan nung nalaman ko na nagkaroon siya ng relasyon sa iba kaya nasaktan ko siya ng sobra.Kung noon pa lang sana naniwala ako na anak ko yung dinadala niya edi sana hindi lumaki yung anak ko ng walang ama .Alam ko nasaktan ko ng sobra si Anne nung ipinagtabuyan ko siya noon at hindi pinaniwalaan na sakin yung batang pinagbubuntis niya noon kaya nga ginagawa ko ang lahat ngayon para makabawivaa kanilang dalawa pero alam ko na kulang pa kulang na kulang pa .Sa loob ng limang taon na tinalikuran ko sila kulang pa ang lahat ng ito dahil para sa isang anak walang katulad o kapantay ang pagmamahal ng magulang at yon ang hindi ko naibigay sa anak ko ng limang taon.

Pano ko nalaman na totoong buntis siya noon? Pumunta ko sa dati niyang tinitiran at doon nakilala ko yung kaibigan niya at siya ang nagkwento sakin ng lahat ng tungkol sa kanya.

Sa gate palang nakita ko na yung kaibigan niya si Asia galit na galit niya sakin eh hahampasin ba naman ako ng walis na hawak niya.

"Teka lang ano ba kasalanan ko sayo ha?!" naiinis kong tanong sa kanya habang umiilag ako sa maduming walis na ihahampas niya sakin.

"Anong anong kasalanan ?! Hoy baka nakakalimutan mo sinaktan mo kaibigan ko ga*o ka !" galit na galit na sabi sakin ni Asia grabe parang anaconda dyosko po.

"Teka muna kasi ! "Sigaw ko sa kanya nung inaambaan niya ko na hahampasin ulit niya ko ng walis pero syempre umiilag naman ako binaba naman niya yung walis na hawak niya binalibag nga niya sa sobrang galit ehh.
"Kaya nga ako pumunta dito para malaman ko yung totoo kaya pwede ba relax ka lang okay " sabi ko sa kanya at muka namang marunong makinig tong isang to .Pinapasok niya ko sa bahay nila .

"Umupo ka muna bAgo pa magbago isip ko " sabi niya sakin napaka suplada talaga Naupo naman ako baka magbago pa nga isip eh.

"Ano ba gusto mo malaman?" tanong niya sakin.

"Totoo ba na buntis si Anne?" diretso kong tanong sa kanya .

"Oo" matipid niyang sagot sakin.

"Sino yung ama nung bata?" tanong ko ulit sa kanya .

"Bakit ko pa sasabihin sayo eh hindi ka naman maniniwala Gaya nung ginawa mo sa kaibigan ko." Dire diretso niyang sabi sakin.

Tumayo ako sa kinakaupuan ko at iniisip ko maniniwala ba ko sa kanya o hindi .Tumayo din siya humarap sakin
"Hindi naman kita pinipilit na maniwala sakin eh alam mo naman yan sarili mo nung may nangyari sa inyo and besides wala na dito yung kaibigan ko at hindi mo na siya makikita pa kahit kailan kaya wala ng kwenta kahit malaman mo pa yung totoo" galit na sabi sakin ni Asia.

Buy one Take oneHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin