CHAPTER 25:

6 0 0
                                    

"Salamat Akie sige na bumalik ka na baka gabihin ka pa eh ." sabi ni Anne.

"Sige mag-ingat kayo ni Tj pag may problema wag kang mahihiyang tumawag samin ni Christian" sabi ni Akie.

"Salamat, okay lang naman kami dito wag niyo kaming intindihin"sabi ni Anne.

"Okay lang yon,ikaw pa ,alam mo naman na hindi ka namin pwedeng pabayaan ,kayo ni Tj eh para narin naming kapatid si Tj eh .Kaya kung may problema ka tawagan mo agad kami." Sabi ni Akie

"Sige salamat sige na baka gabihin ka pa eh okay na kami dito ingat ka sa pagdidrive." sabi ni Anne

"Sige salamat kayo din mag-ingat kayo ni Tj" sabi ni Akie

Bago pumasok ng kotse si Akie pinaalalahanan niya si Anne.

"Sana hindi niyo pagsisihan yung desisyon ninyong pareho,kawawa naman si Tj kapag nagkataon ." sabi ni Akie sa kanya bAgo tuluyang pumasok sa kotse at umalis.

ANNE's POV
Habang sinundan ko ng tingin yung palayo na sasakyan ni Akie biglang kong naalala yung sinabi niya sakin.

"Sana hindi niyo pagsisihan yung desisyon ninyong pareho,kawawa naman si Tj kapag nagkataon"

Hindi ko ineexpect na sasabihin niya yon Siguro nga ganon talaga kabigat yung problema namin ni Tristan siya kasi eh niloloko lang niya ko .Ang buong paniniwala ko mahal niya ko pero yun pala ikakasal na siya sa iba at kay Christina pa.Kahit mahal ko siya handa akong bitawan siya para sa anak ko.Ayokong lumaki yung anak ko sa panglalait at pag-aalipusta samin ng Lola niya na mama ni Tristan.Magpakasal sila kung gusto nila pero hindi ko hahayaan na makuha nila yung anak ko.

Hindi ko hahayaan na mailayo nila sakin yung anak ko magkakamatayan muna kaming lahat.

Hindi ko namalayan na kanina pa papala ako tinatawag ng anak ko at halos yugyugin na niya ko pero hindi ko siya napapansin.

AKIE's POV
Pagka hatid ko kila Anne at Tj bumalik na ako agad sa rest house at nung pagdating ko don ay nadatnan ko si Tristan at Christian na tila hinihintay ako.Dahil tinted yung windshield ng kotse ko at medyo madilim nadin kaya hindi ko masyadong makita yung expression ng mga muka nila lalo na yung muka ni Tristan pero nung bumaba ako ng kotse nakita ko yung muka ni Tristan para siyang namatayan yung muka talaga niya sobrang lungkot at mahahalata mo na umiyak siya dahil sobrang namumugto yung mata niya.

Habang papalapit ako sa kanila alam ko na may hinihintay siya pero sorry na lang siya dahil hindi nagbago ang isip ni Anne .

Buy one Take oneHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin