Chapter 18:

10 1 0
                                    

ANNE's POV
Nakakainis siya akala ba niya wala akong pakiramdam halos buong araw niya kong hindi pinansin ahh dahil sa babaeng yon! Nagkasalubong ko si Akie at sinabi ko na kapag nakita niya si Tristan eh sabihin niyang nauna na ko sa kwarto.Nung nagbibihis na ko dahil kakatapos ko lang maligo narinig ko na tinatawag niya ko siguro tinitingnan kung nandito ko sa kwarto hindi ako sumagot hayaan mo nga siya kapal ng muka niya pagkatapos niya kong hindi kausapin maghapon.

Paglabas ko ng bathroom tinanong niya ko."Oh kanina pa kita hinahanap nandyan ka lang pala bakit ayaw mong sumagot ?" tuloy tuloy na sabi ni Tristan sakin tarayan ko nga kapal niya yahhh!

Pumunta ko sa room ni Asia at doon ako sa kanya naglabas ng sama ng loob.
"Eh wag mo na kasing pansinin girl alam mo naman gwapo yang mapapangasawa mo kaya maraming etsuserang linta ang siguradong magkakapitan diyan kaya ikaw linawan  mong mata mo ,talasan mong pandinig mo pati na ang pakiramdam mo dahil kahit mo alam ,kahit hindi mo nakikita masasalisihan ka parin .

"Eh ewan ko hindi naman kasi ako sigurado na may ginagawa ng kalokohan tong si Tristan pero kasi iba talaga yung pakiramdam ko sa kanilang dalawa ehhh" hinala ni Anne na hindi mapakali at palakad lakad sa harapan ni Asia.Hinablot siya nito kaya napaupo si Anne sa kama " ano ba ? Pwede ba maupo ka nga nahihilo ko sayo ehh." sinita siya ni Asia sa pagbabalik balik niya.

"Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nawala pa sakin si Tristan.Minsan na siyang nawala sakin at ngayong nandito na siya hindi na ko papayag na maagaw pa siya ng iba." pag-aalala ni Anne hinaplos ng hinaplos ni Asia yung likod niya para pakalmahin ang kaibigan.

"Hindi ko kasi alam kung makakabuti ba sayo o hindi ehh" sabi ni Asia.

"Ang alin?" tanong naman ni Anne sa kanya.

"Ehh kasi friend.A ano eh " pautal utal na sagot ni Asia .

"Ano ? Please sabihin mo na sakin kung tungkol man yan kay Tristan hindi ako matatahimik hanggang hindi ko nalalaman." Pagmamakaawa niya kay Anne para sabihin kung ano man ang nalalaman ng kaibigan.

"Ehh kasi may sinabi sakin si Christian about kay Tristan tsaka don sa Christina nayon.Girl hindi lang sila basta magkaibigan." paliwanag ni Asia.

"What do you mean?" tanong ni Anne.

"Ex-girlfriend ni Tristan si Christina" sabi ni Asia.Malungkot ang expression ng muka ni Anne hindi niya alam kung maniniwala ba siya pano nga naman kung nandito pala si Christina para bawiin si Tristan sa kanya.

"Sinasabi ko na nga ba eh hindi lang sila basta magkaibigan lang ." Sabi ni Anne.

"Nakipag break si Christina sa kanya noon dahil wala daw direksyon yung buhay niya,mahirap lang sila Tristan noon kaya iniwan siya ni Christina dahil hindi maibigay ni Tristan lahat ng gusto ni Christina.Hindi nagparamdam sa kanya yung babaeng yon ng halos dalawang buwan halos mabaliw si Tristan nung iniwan siya ni Christina lahat ginawa daw niya para lang bumalik sa kanya si Christina pero ni minsan hindi na daw siya kinausap nung babae at bumalik si Christina galing New York may kasama ng iba na mas mayaman at kayang ibigay lahat ng gustuhin niya .Muntik ng mamatay si Tristan noon dahil hindi na lumalabas ,hindi na kumakain nakita na lang daw nila na walang malay ." kinuwento ni Asia kay Anne ang nakaraan nila ni Christina at kung anong nangyari nung iniwan siya ni Christina.

"Now I know .Kaya pala ganon na lang ang takot  niya na iwanan siya." Sabi ni Anne at unti unting tumulo ang luha sa mga mata niya .Halos madurog ang puso niya sa nangyari kay Tristan noon.Mas na realized niya na mahal na mahal niya si Tristan hindi dahil naaawa siya dito kundi dahil tanggap niya si Tristan ng buong buo kung sino man siya mayaman man o hindi si Tristan at tanggap din siya nito ng buong puso.

Buy one Take oneHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin