Chapter 2:

26 1 0
                                    

"Pare ang tagal mo naman kanina ka pa namin tinatawagan ahh" sabi ni Christian sa kanya." Oo nga pare bakit late ka? Ngayon ka lang nalate ng ganyan ahh ano nangyari ?" tanong ni Akie sa kanya.

"Sorry guys " yun lang sinabi niya sa dalawa at pumasok na sila sa Airport may seminar sila sa korea.

"Bakit tahimik ka?" tanong ni Akie sa kanya."Ano ba kasing nangyari kagabi?" singit naman ni Christian. "Wala nga ehh bakit ba ang kulit niyo?" sigaw ni Tristan sa kanilang dalawa napatingin ang ibang pasahero sa eroplano." Easy lang bro nagtatanong lang kami" sagot naman ni Christian inirapan lang niya si Christian at Akie tapos nag headset siya at nag suot ng shades tapos natulog napailing na lang yung dalawa tapos nagtinginan.

Pagdating nila ng Korea hindi mapagkamalan ng Pilipino si Tristan dahil muka siyang kuryano talaga tapos ang puti pa niya at gwapo siya.

Nauunang lumakad si Tristan dun sa dalawa at nakabulsa ang magkabilang kamay niya backpack lang naman kasi yung dala niyang gamit.

Kumain sila sa isang restaurant .Binasag ni Tristan ang katahimikan humingi siya ng sorry sa dalawa Tinanggap naman ito ni Christian at Akie." Okay lang yon pare naiintindihan ka namin Siguro talagang mabigat lang problema mo kaya stress ka" sabi ni Akie. " Oo nga tsaka sorry din kasi ang kulit namin kanina" sabi naman ni Christian.

"Kasi si Anne" maikling sabi ni Tristan isusubo na sana ni Christian yung cupcake pero napatigil siya sa sinabi ni Tristan si Akie naman nakatitig lang sa kanya."Ano si Anne ? " tanong sa kanya ni Akie. hindi sumagot si Tristan yumuko lang siya at nanahimik.Tuloy lang din sa pagkain yung dalawa.Nang biglang nagsalita ulit si Tristan "May nangyari samin kagabi " mahinahong sabi ni Tristan sa dalawa sa pagkabigla nila naibuga ni Christian yung ininum niya at si Akie naman ay nasamid."Ano ba yan Christian " sabi ni Tristan sa kanya binigyan naman siya ng Tissue nung waiter.

"Ano?! Anong sabi mo?!" sigaw ni Christian sa kanya. "Sinabi ko na hindi ko na uulitin." pagsusungit ni Tristan sa kanya . " Pare sigurado ka bang si Anne yon?" singit na tanong ni Akie. "Oo" matipid niyang sagot.

"Anong nangyari? Ba-bakit? Panong?" pautal utak na tanong ni Christian.Nagbuntong hininga siya at saka nagsalita ulit "Eh diba hindi naman kayo Panong nangyari na may nangyari sa inyo?" tanong ni Christian. "Alam mo ? Ang gulo mo lalo mo lang ginugulo yung isip ni Tristan eh." sabi naman ni Akie.

"Pinilit mo ba pare?" Mahinahong tanong ni Akie Kay Tristan. "Of course not!" sigaw ni Tristan."Hindi ko siya pinilit" sabi niya ulit. "So ibig sabihin pumayag siya ?" nang aasar na tanong ni Christian. "Hindi" matipid niyang sagot."Edi pinilit mo nga" sabi ni Christian. "Haisssst! Hmmmmp" wala na lang siyang masabi sa dalawa dahil sa inis. "Look pareho kaming nasa bar kagabi dahil may meeting ako at kasama nya yung mga kaibigan niya.Lasing ako non.Nung nakita ko siya sa labas bigla ko na lang siyang nahablot pero hindi ko na namalayan yung mga ginawa ko non kasi nga lasing ako hindi ko alam kung may nilagay yung bar tender dun sa inumin ko pero hindi ako sure.nagising na lang ako kanina magkayakap kami.

"Ayun edi kasalanan niyong pareho" sabi ni Christian siniko naman siya ni Akie. "Ano nag away ba kayo ?" tanong ni Akie sa kanya. "Hindi nga niya ko kinausap eh umalis siya agad" malungkot na sabi ni Tristan.Tinapik tapik ni Akie sa balikat si Tristan.

TRISTAN's POV

Nagising na lang ako na magkayakap kami ni Anne at wala kaming damit.hindi ko napigilan yung sarili ko na yakapin siya ng mahigpit at titigan ang maamo niyang muka.Parang miss na miss ko siya kahit na hindi naman naging kami.Ang sarap niyang yakapin nung mga oras nayon tinuturing ko siyang asawa."Kahit ilang minuto lang kahit ngayon lang" pabulong kong sabi sa sarili ko na sana kahit ilang minuto lang mayakap ko pa si Anne.Hanggang sa nagising siya nagtulug tulugan ako .Nung kumalas siya sa pagkakayakap sakin dumilat ako ng dahan dahan kunwari kakagising ko lang din. Tinitingnan ko siya Kung anong gagawin niya tiningnan lang din niya ko tarantang taranta siya hindi niya alam ang gagawin niya .Pumasok siya sa c.r para magbihis.Para kong baliw na sinusuntok yung mga unan.Ano ba tong nagawa ko ?

ANNE's POV

Nagising ako na parang may nakayakap sakin nung dumilat ako nakita kong nakayakap sakin si Tristan at nakayakap din ako sa kanya at mas lalo akong nataranta nung makita kong wala kaming damit tumayo ako agad nagising siya tapos tinitingnan niya Lang ako parang nagulat din siya sa nangyari. Pumasok ako sa c.r at nagbihis.Para kong baliw na sinasampal sampal yung sarili ko a Harap ng salamin."Anong ginawa mo Anne? Anong ginawa mo?Ang tanga tanga mo!Nakakainis ka! Gaga ka!" Mahina kong sabi sa sarili ko.

Agad akong lumabas sa c.r kinuha ang gamit ko at umalis agad.Susubukan sana niya kong pigilan pero binawi ko agad ang kamay ko nung hawakan niya ko sa kamay.
************************************
I hope magustuhan niyo po story ko:)

Buy one Take oneHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin