Chapter 29:

6 1 0
                                    

TRISTAN's POV
Hinanap ko agad si Anne pagka uwi ko.Nakita ko siya na kalaro si Tj sa kwarto niya.

"Wee need to talk" sabi ko Kay Anne
"Bakit? May problema ba?" tanong naman niya sakin .

Hindi ako sumagot pero sinenyasan ko siya na lumapit sakin dahil baka marinig kami ni Tj.Tinawag ko si manang para bantayan muna si Tj habang wala kami ni Anne hindi kasi siya pwedeng iwan ng mag-isa ehh .

Pagbaba namin nakita ko yung expression ng muka ni Anne para siyang nagtataka na kinakabahan .Tinanong niya kung bakit may mga pulis kaming kasama.
Ipinakilala ko kay Anne yung hepe na kasama namin at yung dalawang pulis na kasama nito at pinag usapan na namin ang tungkol sa banta ni Christina.

"Natatakot ako para sa anak ko .Pano kung totohanin ni Christina yung banta niya ." alalang alala na sabi ni Anne at napatayo pa ito .Tumayo din ako at pinakalma siya.

"Hon relax hindi ako papayag na masaktan ni Christina ang anak natin.Gagawin ko lahat para maprotektahan kayo ni Tj." sabi ko sa kanya.

"Kahit hindi na ako Tristan basta masigurado ko lang na magiging ligtas ang anak natin." sabi ni Anne sakin .Naawa ako sa kanya sa sobrang pag-aalala niya sa anak namin.Niyakap ko siya para pakalmahin.

"Kailangan nating mag-ingat sa bawat galaw natin .Sa sinabi ni Christian mukang hindi basta basta lang ang hit man ni miss Dominguez .Maari niyang gamiting pain ang kahit sino sa inyo para makuha si Anne o si Tj kaya kailangan niyong mag-ingat.Ipapaalala ko lang sa inyo na maaring alam ni Christina ang bawat galaw niyo at maaring sa mga oras nato eh pinagpaplanuhan na niya kung anong mga gagawin niya kaya kailangan natin siyang maunahan. "sabi ni hepe samin at Tinandaan namin lahat ng sinabi niya para ikabubuti ng lahat.

Tumawag samin si mama at sinabi niya na tutulungan nila kami para maayos na ang kaso .Sasampahan na namin ng kaso si Christina para mahihirapan siyang kumilos kung pinaghahanap siya ng batas.

"Mukang matutulungan tayo ng mama at papa mo ahh." sabi sakin ni Akie

"Oo tumawag na sakin si papa kagabi uuwi na sila dito para tulungan tayo .Ang kailangan lang nating gawin ngayon eh mag-ingat dahil tama yung sinabi ni hepe pwedeng gamitin ni Christina ang kahit na sino satin para gawing pain laban samin ni Anne kaya mag-ingat kayo lagi ni Christian nasabihan ko na din siya." sabi ko kay Akie.

Habang nag-uusap kami ni Akie may nagtext samin at halos magkasunod pa naming nareceived.

"Ohh bakit kaya? Anong meron at pinapapunta niya tayo sa kanila?" tanong ni Akie Kay Tristan.

"Baka magkukwento about sa secret admirer niya." Sabi ko naman sa kanya nagkibit balikat na Lang si Akie dahil pareho naming hindi alam ang dahilan kung bakit kami pinapapunta ni Christian sa kanila.

Pagdating namin ni Akie sa bahay nila Christian ay hindi lang si Christian ang taong dinatnan namin ni Akie sa garden.

Nung nakita namin ni Akie yung isang lalaki at isang babae na nasa garden huminto kami ni Akie sa paglalakad .Tinapik ako ni Akie sa braso at tsaka niya sinabing
"Aba! Tristan mukang tama ka.Mukang magkukwento si Christian about sa secret admirer niya." sabi ni Akie sakin.

Yung lalaki alam naming si Christian yon pero yung babae ? Ewan.

"Who's that girl ?" sabay naming sabi ni Akie. Mukang narinig nila kami ni Akie kaya napalingon silang dalawa.Nung nakita kami ni Christian ay agad naman siyang tumayo at sinalubong kami ni Akie.

"Andiyan na pala kayo" sabi ni Christian samin pero kami nakatingin kami ni Akie don sa babaeng kasama ni Christian na nakatingin din samin at nakangiti pa.Napatingin si Christian sa likuran namin dahil napansin niya na tiningnan namin si???

"Sino siya?" tanong ko kay Christian
"Si Patricia " sagot ni Christian sakin
"Siya ba yung ?" tanong naman ni Akie sa kanya at kahit na hindi tinuloy ni Akie yung sasabihin niya eh mukang alam naman ni Christian kung ano ang gustong sabihin ni Akie.

"Oo siya" simpleng sagot ni Christian samin.

Nagtinginan kami ni Akie at pareho kaming nakangiti .Tila alam na ni oChristian Kung ano ang ibig sabihin ng ngiti namin ni Akie.

Pinakilala kami ni Christian kay Patricia.Kung naaalala niyo pa siya yung nagbigay ng video cam,red box at bouquet kay Christian.Pero alam niyo ba hindi pa binubuksan ni Christian hanggang ngayon yung red box.Kahit nga kami ni Akie hinihintay namin kung anong laman nung box nayon.

CHRISTIAN's POV
Lumipas yung mga araw at mas lalo pa kaming naging magkaibigan ni Patricia.Siya yung anak nung may ari ng tatlong mall dito samin kaya masasabi mo talaga na mayaman nga siya at hindi kawalan sa kanya yung isang video cam ,bouquet at kung ano mang laman nung red box nayon.Sabi kasi niya buksan ko na lang daw yon kapag wala na kong problema dahil alam din niya yung about sa problema namin nila Tristan yung tungkol nga kay Christina.Hindi ko din naman daw kasi maaappreciate yung gift niya dahil may problema nga ako.

Mabait naman siya ,maalaga,maasikaso,maalalahanin ,matalino din siya nakakaya nga niyang imanage yung business nila ng mag-isa diba nasa Korea kasi yung parents niya may inaasikasong business don kaya naiwan siya dito para imanage yung tatlong mall.Sabi nga ni Tristan at Akie halos nasa kanya na lahat nung hinahanap ko sa isang babae.Tama naman sila kung hindi lang nga ako natroma don sa last relationship ko kung hindi lang ako nasaktan ng sobra ng dahil sa ex girlfriend ko ehh gustong gusto ko siyang ligawan ,siya kasi yung tipo ng tao na masarap mahalin.Yung feeling na wala ka ng ibang mahihiling kapag kasama mo siya.Minsan tinatanong ko si god kung siya na ba talaga.Kasi kung siya na nga yung babaeng hinahanap ko eh hindi ko na siya papakawalan pa mahirap na baka maunahan pa ako ng iba hahaha.:D

>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•

***TEASER (CHAPTER 30)***

Hindi akalain ng tatlong magkakaibigan na si Akie lang ang mapag iiwanan.Siya lang kasi ngayon ang walang lovelife sa kanilang tatlo.Tristan is getting married at si Christian naman ay balak ng ligawan si Patricia.Si Akie na lang talaga ang walang partner. Pero masaya naman daw siya sa pagiging single kaya okay lang kung single siya .
>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•
Patuloy parin sa pag kilos si Christina,tinatakot niya yung anak ni Anne at Tristan.Sobrang natakot si Tj nung binuksan niya yung box na pinadala sa kanya sa school.Nababahala na sila Anne sa kung ano pa ang pwede at kayang gawin ni Christina sa anak nila kaya mas minabuti na lang nila na huwag munang papasukin si Tj.
>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•
"Ano?! Nadisgrasya mo?!"gulat na gulat na tanong ni Christian Kay Akie.

"Hindi ko naman sinasadya ehh"sagot naman ni Akie .

"Hala.Pano ngayon yan?" tanong ni Christian kay Akie.

"Ano ng Plano mo? Pano yung babae?" tanong naman ni Tristan.

"Dadalin ko muna siya sa bahay ,tsaka na lang namin pag-uusapan yung problema kapag okay na lahat ." sagot naman ni Akie kay Tristan.
>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•>•
"Hay nako mukang ako na talaga yata ang messenger ni god para iparating sa mga kaibigan ko yung mga problema nila.Nung una si Tristan ako ang nakaalam nung problema niya Kay Christina,tapos ngayon naman si Akie ako din ang unang nakaalam na..." Sabi ni Christian sa sarili niya pero hindi pa siya nakaka tapos magsalita bigla namang sumungit yung isang batang babae .

"Ano pong sinasabi niyo? "sabi nung bata.

"Ahh wala halikana dun na lang tayo sa kusina bibigyan na lang kita ng ice cream ha para hindi ka na magsalita ang daldal mo kasi ehh " sabi ni Christian sa bata at inakay niya ito papunta sa kusina.

"Hindi po ako madaldal nagtatanong ka po kasi kaya sinasagot ko lang po tanong mo." sagot naman nung bata sa kanya.

"Oo na sige na hindi ka madaldal "sabi naman ni Christian sa bata at binuhat niya ito para makaupo sa upuan hindi kasi niya abot malamang bata nga eh .

Buy one Take oneHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin