Chapter 28:

3 1 0
                                    

Pumunta sa park sila Tristan at Anne kasama si Tj.Hinayaan nilang maglaro ng maglaro para makabawi sila sa mga araw na hindi sila magkakasama.

Habang naglalaro si Tj kasama ng ibang bata nagusap at naglambingan si Tristan at Anne.

TRISTAN's POV

"Hon you want ice cream?" Tanong ko kay Anne.

"Ayoko sweet kasi yan." sagot naman niya sakin.

"Ah ganon ba ? Bakit diet ka ?" tanong ko ulit sa kanya.

"Hindi ." simpleng sagot niya sakin

"Ehh bakit?" tanong ko ulit

"Eh kasi ikaw palang sweet na hahahaha " sabi ni Anne sakin tapos tawa siya ng tawa hahaha.Pinisil  ko yung ilong niya ang cute kasi niya pag tumatawa siya kitang kita yung dimples niya lalo akong naiinlove.
Pero sa totoo lang kinilig ako don ahh hahahaha .

" Ikaw ahh nahawa ka na yata sakin ng pagka corny hahaha" sabi ko sa kanya tapos yung magkabilang pisngi naman niya yung pinisil ko hahaha tapos nagtawanan lang kami.

"Eto seryoso na talaga " sabi ko pero ako pa pala yung unang tatawa hahaha.

"Hahaha kala ko ba serious na eh bakit ikaw ang tumatawa hahaha." sabi niya sakin .Hindi ko kasi mapigilan na hindi matawa ehh.

"Bakit ang bilis bilis mong patawarin ako?" tanong ko kay Anne

"Kasi mahal kita" simpleng sagot niya sakin.

"Ano ba yan ang simple naman ng sagot mo" sabi ko sa kanya habang napapangiti pa ako.

"Pero aminin mo kinikilig ka" pang-aasar ni Anne sakin.

"Oo na sige na hahahaha" sabi ko naman habang tumatawa ko.

"Pero salamat ahh kasi kahit na lagi kitang nasasaktan mahal mo parin ako.Salamat kasi hindi mo ko iniwan kahit na ang dami mong pagkakataon na iwan ako pero hindi mo ginawa.Mahal na mahal kita.Hindi na kita hahayaan na mawala pa sakin ,kayo ng anak natin gagawin ko lahat para sa inyo." sabi ko ulit sa kanya tapos ngumiti siya .

"Ano ka ba okay nayon ang mahalaga nagkakaintindihan tayo at mahal natin ang isa't isa and besides nangako ka na sakin na hindi mo kami pababayaan at mamahalin mo kami ng anak natin okay na ko don " nakangiting sabi niya sakin  pero nawala ang ngiti niya nung sinabi ko na........
"Hindi ako nangangako" .Nabigla si Anne sa sinabi ko .Magsasalita sana siya pero tinakpan ko yung bibig niya gamit ang mga dalawang daliri ko .

"Hindi ako nangangako kasi gagawin ko"sabi ni ko kay Anne at nung inalis ko yung kamay ko sa bibig ni Anne nakita ko ang matamis na ngiti ng babaeng mahal ko.Kikiss ko sana siya kaya lang naisip ko na nakakahiya kasi nasa public place kami at puro bata pa yung nandon.Hindi ko na napigilan na ngumiti ng sobra.As in ngiting ngiti talaga yung tipong abot hanggang tenga yung ngiti ko grabe ngayon lang ako naging masaya ng ganito .

CHRISTIAN's POV
Masaya kami para kila Tristan at Anne .Finally naging okay nadin sila at sana naman tuloy tuloy na.Pero mukang hindi parin.Bakit? Kasi nakita ko si Christina na may kausap na lalaki at kilala ko yung lalaking yon dahil yun yung pinagbintangan na pumatay  sa isang negosyante pero hindi napatunayan kaya hindi siya nakulong pero kahit ganon hindi kami naniniwala na inosente ang taong yon dahil sa ibang lugar kilala daw siyang hit man kaya naghihinala ako kay Christina at nakita ko pa siya na may hawak na baril kaya mas lalong tumindi ang hinala ko .Sinundan ko siya sa isang abandonadong school pero hindi ako sure kung school nga talaga yon dahil may mga sirang armchair ehh.Narinig ko lahat ng pinagusapan nila nung lalaking pinaghihinalaan kong hit man at sabi niya gagawin daw niya yung inuutos ni Christina,papatayin daw niya si Anne at kung hindi man si Anne eh si Tj ang papatayin niya para may pagkakataon ng mahalin ni Tristan si Christina.Inintay kong makaalis yung kausap niya at nung siya na lang yung tao don at tsaka ako lumabas sa pinagtataguan ko.

Buy one Take oneHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin