Chapter 4:

15 0 0
                                    

Nakikipag usap si Christian at Akie sa isang teacher ng makita ni Akie sa Tj na nakaupo sa stairs.Tinitigan ni Akie yung bata napansin ni Christian na may tinitingnan si Akie kaya lumingon siya at nakita din niya si Tj.

"Si Tj ohh"sabi ni Christian.

"Kilala niyo po siya Sir?" tanong nung teacher.

"Oo nakilala namin siya nung isang araw ang bait nga niya eh kaya tuwang tuwa kami sa kanya." sagot ni Christian

"Mabait po talaga yan tsaka matalino sa buong klase po nila siya ang top one at sobrang bibo po niyan." build up nung teacher kay Tj.

"Parang umiiyak siya" singit ni Akie

"Oo nga tara puntahan "sabi ni Christian"

"Tj bakit umiiyak ka?"tanong nung teacher.

"Masakit po " umiiyak na sinabi ni Tj at tinuro niya yung lalamunan niya.

"Bakit ?" tanong ni Akie at nilapitan niya si Tj "Mainit ka ahh ang taas ng lagnat mo ." sabi ni Akie nung nahawakan niya si Tj.Hinawakan din ni Christian yung bata "oo nga" .

"Tara dalin natin sa ospital" sabi ni Akie at binuhat niya si Tj . Dinala ni Christian yung gamit ni Tj .

Sinakay ni Akie sa kotse si Tj "Tawagan mo si Tristan bilisan mo!" bilin ni Akie kay Christian.

Agad nilang dinala sa ospital si Tj .Kalong Kalong ni Christian si Tj.

Habang iniintay nila yung doctor kinausap ni Akie si Christian tungkol kay Tristan at Anne.

"May kutob din ako na baka nga anak ni Tristan si Tj" sabi ni Akie

"Bakit? Masyado mo naman yatang sineryoso yung sinabi ko" nagtatakang sagot naman sa kanya ni Christian

"Hindi ako nagbibiro" seryosong sagot ni Akie

"What do you mean?" tanong sa kanya ni Christian

"Gumawa ako ng ibang Facebook account para masearch ko yung Facebook ni Anne and nakita ko yung ng picture nila ni Tj na magkasama.Anak ni Anne si Tj" sagot ni Akie "Kaya mas lalong lumakas yung kutob ko nung naalala ko na magkamukang magkamuka sila ni Tristan at magkapangalan pa." sabi ulit ni Akie.

Nakakunot noo na tinitigan ni Christian si Akie at maya maya pa ay lumabas na ang doctor .

"Excuse me ?" sabi ng doctor

"Doc kamusta po si Tj?" tanong ni Christian

"Ano pong nangyari sa kaya?" sunod na tanong naman ni Akie

"Don't worry he's fine nakakain lang siya ng almonds kaya siya nagka ganyan .May allergy kasi siya sa almonds.But don't worry he's now okay and tinawagan ko ka yung mama niya kaya kung busy kayo pwede niyo na siyang iwan ako ng bahala sa kanya" sabi ng doctor.

"May allergy siya sa almonds?"tanong ni Akie sa doctor

"Yes,namamaga yung lalamunan niya at nagkakaroon siya ng mga rushes na may kasamang mataas na lagnat kapag nakakakain siya ng almonds." Paglalahad ng doctor .Tiningnan ni Akie si Christian.Tila alam na ni Christian ang iniisip ni Akie nung sinabi ng doctor na may allergy sa almonds si Tj.Ma lalong napatunayan ng dalawa na baka totoo ang kutob nila.

"Ahmm doc ano na yung blood type niya?Baka kailangan siyang salinan ng dugo .Ano bang kailangan nating gawin" pag uusisa ni Christian sa doctor .Kunwari tinatanong niya yung blood type ni Tj dahil baka kailangan siyang salinan ng dugo kahit na alam naman niyang hindi yon kailangan gawin tinanong lang niya yon para malaman niya kung anong blood type si Tj at hindi na magtanong ng magtanong yung doctor.

"Ahmm type Ab siya pero hindi naman na kailanganng salinan siya ng dugo hindi naman ganon kalala yung kondisyon niya kailangan lang niyang magpahinga" sabi naman ng doctor

Nagtinginan  na naman si Christian at Akie. "Sige po doc salamat .Dito po muna kami hintayin lang namin yung kasama namin kailangan kasing masigurado na okay na siya rules po kasi yon ng school " sabi ni Christian

"Okay" sabi ng doctor

AKIE's POV

Mas lalong lumakas yung kutob ko nung nalaman namin na Type AB siya dahil yun din ang blood type ni Tristan at pareho sila ni Tristan na may allergy sa almonds.

"Ano sa tingin mo?" tanong ko kay Christian

"Ha?" nagtatakang tanong naman ni Christian

"Pa DNA kaya natin sila" sabi ni Akie

"Pano? Sa tingin mo ba papayag si Tristan diyan sa Plano mo?" sagot ni Christian sakin.

Hindi na sumagot si Akie nakatingin lang siya kay Tj na mahimbing na natutulog.

"Pero sa bagay parang naniniwala nadin ako sa kutob ko.It's been 5 years simula nung nangyari sa kanila ni Anne  at ilang taon na ba si Tj ngayon 5 years old diba.Magkamuka sila ni Tristan,pareho sila ng blood type,pareho silang may allergy sa almonds sino ba naman ang hindi magtataka at hindi maghihinala don diba?" sabi ni Christian

Pumasok si Tristan sa kwarto ni Tj at alalang alala siya sa bata.Pinuntahan agad niya to at niyakap .Nakatingin lang sa kanya yung dalawa na may galing emosyon naawa sila o naguguluhan sa nangyayari .

"Sumasakit yung lalamunan niya namamaga daw at mataas ang lagnat may mga rushes din siya" sabi ni Christian kay Tristan .

"Bakit ? Anong nangyari? Ano bang sakit niya?" tanong naman ni Tristan

"Wala siyang sakit Tristan dahil yan sa allergy" sagot ni Akie sa kanya

"Allergy? Allergy saan?" alalang alala siya sa kung anong allergy o sakit na meron si Tj .

"Sa almonds" matipid na sagot ni Akie

"Parang yung sayo .Diba may allergy ka din sa almonds" sabi ni Christian

Natahimik si Tristan tiningnan niya ulit si Tj "okay na ba siya?" Tanong niya sa dalawa. "Yes he's now fine.Binilin muna siya sa doctor ni Anne mamaya pa kasi siya makakapunta" sabi ni Christian.Nagulat at napa lingon agad si Tristan kay christian dahil sa sinabi nito.

"What ?" nagtatakang tanong ni Tristan sa pinsan niya. "Oo Tristan anak siya ni Anne " seryosong sagot ni Christian sa pinsan niya.

"Gumawa ako ng ibang Facebook account para masearch ko yung account ni Anne dahil pare pareho tayong naka block sa kanya and nakita ko lahat ng pictures nila ni Tj na magkasama" sabi ni Akie

"Hindi naman tayo sigurado na a......." hindi pa tapos magsalita si Tristan sumingit na agad si Christian "Nakalagay lahat don yung picture nila mula nung binyagan si Tj hanggang sa mga birthdays niya.Magkamukang magkamuka kayo,pareho kayo ng allergy,magkapangalan kayo,pareho kayo ng blood type" sunod sunod na sabi ni Christian

"Oh sige sabihin na natin na maraming reasons para isipin ko na anak ko siya pero pano ko makakasigurado and besides kung anak ko nga talaga siya kay Anne sa tingin nito bakit hindi niya sinabi sakin kasi galit siya diba." seryosong sabi ni Tristan

"Alam namin yon Tristan "sabi ni Christian ." 5 years ng nakakaraan simula nung nangyari sa inyo ni Anne at 5 years old nadin si Tj .Si Anne yung mother niya at maaring ikaw ang father niya.Yan Tristan yung bata nayan maaring anak mo yan pero hindi mo nakasama for about 5 years hindi ka ba Nanghihinayang na hindi mo nakasama yung mag-ina mo?" sabi ni Akie kay Tristan .Tumayo si Tristan at tinakpan ang mga mata niya nasa bewang naman niya ang isang kamay niya. "Nanghihinayang ako syempre mahal ko si Anne at kung anak ko si Tj ako na ang pinaka masayang tao sa mundo.Pero hindi ganon kadali yung gusto nyong mangyari" sabi ni Tristan

"Pupunta dito si Anne magharap kayo mag usap kayo para sa bata" suggest ni Akie.

Naiiyak na tinitigan ni Tristan si Tj.
*************************************
I hope magustuhan niyo po yung takbo ng story ko:) .Suggestions are accepted:) .

Buy one Take oneHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin