CHAPTER 24:

13 1 0
                                    

Tahimik na nakatanaw sa bintana ng kotse si Anne.Maaga siyang umalis sa resort pauwi hinatid siya ni Akie dahil ayaw nilang pumayag ni Christian na umuwi siyang mag-isa dahil delikado.

"Mama mama aayis na ba tayo sa yesort?" Tanong ni Tj na nabubulol-bulol pa dahil kahit na 5 years old na siya nabubulol parin siya.

Hindi sumagot si Anne sa tanong ng anak niya.Tiningnan lang niya ito at nginitian habang hawak sa kamay tapos ay binitawan na niya ang kamay nito at muling tumingin sa malayo.
Napansin ni Akie na malungkot si Anne kaya siya na ang kumausap at nagpaliwanag sa bata.

"Ahm baby b.c kasi sa work si mamy mo kaya need niyo ng umalis" sabi ni Akie sa bata.

"Ahhhh ganon po ba ? O-Kay lang po yun basta hapi si mama" sabi ni Tj.

"Hahaha kaya sayo ko idol eh big boy ka na.Dapat lagi kang mabait ah wag mo bibigyan ng sakit ng ulo si mamy mo" sabi ni Akie kay Tj na patingin tingin pa sa bata habang nagmamaneho .

"Oo naman po idol hihi" sabi ni Tj sa kuya Akie niya at may ngisi pang kasunod.Tumingin si Akie kay Anne na nakatanaw parin sa bintana.Napansin siguro niya na nakatingin sa kanya si Akie kaya lumingon din siya at ng ngumiti si Akie ay ngumiti din siya.

TRISTAN's POV
Nung nalaman ko na umalis na si Anne hindi ko mapigilan na magkaroon ng sama ng loob kay mama dahil siya ang dahilan kung bakit umalis si Anne at siya ang dahilan kung bakit mawawala ulit sakin si Anne.

Tinanong ko si Christian kung anong oras hinatid ni Akie yung mag-ina ko dahil baka sakaling maabutan ko pa sila pero sabi niya wag na daw kasi baka daw lalong lumala yung sitwasyon at isa pa kasama niya si Tj baka lang daw maapektuhan yung bata kapag nakita na nag-aaway kami ni Anne.
"So ano? Hahayaan ko na lang na mawala ulit sakin yung mag-ina ko" tanong ni Tristan kay Christian.

"Hindi naman sa ganon pare kaya lang hindi kasi makakabuti yung gusto mong mangyari ehh baka lalo lang silang mawala sayo.Hayaan mo muna sila bigyan mo muna ng space si Anne ,sa ngayon.Hayaan mo muna siyang mag-isip ." Pagpapaliwanag ni Christian sa kanya at muka namang tinablan siya ng mga salita ng kaibigan niya at naliwanagan ang isip niya.

Umupo sa sofa si Tristan at dumukdok sa mga braso niya.Maya maya pa ay  narinig ni Christian na umiiyak ang kaibigan niya .Hinawakan niya sa balikat si Tristan at kinausap ito para huminahon.
"Pare matatapos din yan tiwala lang" sabi ni Christian.

Buy one Take oneHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin