Chapter 12:

8 0 0
                                    

"Sabi sakin ni Anna may relasyon sila ni Carlo" sabi ko sa kanya at wala pang dalawang segundo ay sumagot siya agad.

"At naniwala ka naman!ang tanga mo naman Tristan dahil Lang sinabi niya naniwala ka na hindi mo man Lang inalam yung totoo mas pinaniwalaan mo yung babaeng yon kesa sa babaeng sinasabi mong mahal mo !" Sabi niya sakin.

"Kaya nga ako nandito kaya please tulungan mo ko gusto ko malaman yung totoo please" nagmakaawa na ko sa kanya para tulungan niya ko dahil siya Lang makakatulong sakin.

Nagbuntong hininga siya pilit niyang pinipigilan yung sarili niya na magalit sakin.

"Hindi mo alam kung gaano mo nasaktan si Anne dahil pinagtabuyan mo siya .Kung siya lang okay pa ehh kaya Lang pati yung sarili mong anak itinanggi mo at ang pinaka masakit eh hindi mo siya pinaniwalaan na anak mo yung dinadala niya .Dahil sa katangahan niya sayo namatay ang parents niya." Galit siya pero naiiyak niyang kinuwento sakin lahat.

"Anong nangyari ?"tanong ko sa kanya
"Nung gabing nagpunta siya sayo nung gabing ipinagtabuyan mo siya hindi na siya umuwi sa bahay nila hinanap siya ng mama at papa niya kung saan Saan dahil hindi siya macontact.Pero habang hinahanap nila si Anne naaksidente sila at simula nung mamatay yung parents niya umalis na siya don sa bahay nila kaya dito ko siya pinatira." Para kong nabagsakan ng isang toneladang bato nung nalaman ko na akong dahilan Kung bakit nawalan ng magulang si Anne at hindi ko matanggap na naghirap siya ng dahil sakin.Kung kani kanino siya nakitira noon nung wala pa siyang trabaho at naranasan niyang mapalayas kasi pabigat daw siya dahil nga nakikitira lang.

Kaya nga gusto kong bumawi sa lahat ng kasalanan ko sa kanya para kahit papano maibsan yung sakit ng sugat na dinulot ko sa kanya.Kaya siya emosyonal at takot magtiwala agad dahil sakin,ako ang may kasalanan .

CHRISTIAN's POV
Masaya ko na okay na sila ngayon ang tagal kaya nila hinintay pareho yung araw nato noh .Bilib ako kay Anne kasi kahit na ang dami na niyang dinanas na sakit simula nung minahal niya si Tristan eh hindi siya sumuko at naniwala parin siya na balang araw magkakasama sila ni Tristan nagtiis siya para sa anak nila.

Mukang magiging masaya yung bakasyon namin ngayon sana wala ng eepal sa love story nung dalawa para naman happy happy na diba.

Habang nasa byahe kami kwentuhan na walang mulat ang nangyari ang saya kaya ang ingay namin sa loob ng van hahahaha pero tumahimik kaming lahat nung nag ring yung phone ni Akie lahat kami nakatingin sa kanya kasi sobrang seryoso ng muka niya kaya iniintay namin na matapos siya makipag usap sa phone gusto namin malaman kung anong nangyari.

"Guys kailangan nating pumunta sa ospital nandun daw si Tita Doris" seryosong sabi ni Akie samin kaya lahat kami nabigla at nag-alala lalo na si Anne.

"Ha?! Bakit? Anong nangyari kay ate?" Nag-aalala niyang tanong kay Akie.

"Naaksidente daw siya" sabi ni Akie kaya dali dali kaming pumunta sa ospital na sinasabi ni Akie.

"Bakit dito tayo pumunta? Eh hindi naman ospital to eh." Nagtatakang tanong ni Anne samin.

"Easy" Maikli kong sabi sa kanya.
"Anong easy yung ate ko naaksidente at hindi ko alam kung buhay pa kaya papano kong magiging easy ha?" naiinis na sabi ni Anne.grabe nakakatakot yung babaeng to mild lang yan ahh pano pa kaya kung mas malala.

"Relax lang blackie malalaman din natin kung anong nangyari sa kanya wag kang magalala alam kong hindi siya pababayaan ni god okay" pagpapaliwanag ni Tristan sa kanya para kumalma siya.

Buy one Take oneHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin