Chapter 16:

7 1 0
                                    

Masaya kaming nagkakainan sa tabing dagat.Ako si Tristan,Anne at Tj,kasama din namin si Christian si Asia tsaka yung driver namin .Ang saya saya kaya sana nga lagi na lang kaming ganito pero syempre in real life imposible yon diba? Sa buhay  sa totoong buhay hindi puro saya dahil minsan meron ding lungkot at takot .

"Hahaha alam niyo kayong mga bata kayo maswerte kayo kasi natitikman niyo lahat ng hindi namin natikman noon." Sabi ni kuyang driver samin.

"Bakit kuya wala bang hinog na matamis na mangga at ibang prutas noon? Ang pagka kaalam ko sagana kayo noon sa prutas" sabi ko naman.

Natawa si Kuyang driver sa sinabi ko dyosme ano kaya nakakatawa don si kuyang driver talaga oo.

Napatingin ako sa direksyon ng isang babae na kadadating lang at nung namukaan ko siya si Christina pala yung dating girlfriend ni Tristan.Nako pag nalaman ni Anne yung tungkol kay Christina siguradong gulo to WORLD WAR III ohh my baby.

Habang papalapit siya samin lahat kami ay nakatingin lang sa kanya. Tiningnan ko si Tristan na nakatingin naman kay Christina.Nakita ako ni Anne na nakatingin kay Tristan sa punto pa lang na yon iba na naman ang awra babaeng pinaglihi sa lava.

"Hi guys" nakangiting sabi ni Christina samin at nag Hi din kami sa kanya.
"Kamusta na kayo? Ang tagal nating hindi nagkita kita ahh" sabi ulit niya.

Ngumiti lang kami sa kanya dahil lahat kami alam namin ang tungkol kay Christina malliban kay Asia at Anne.
Ngingiti ngiti lang din si Tristan alam kasi niyang tagilid na naman siya sa sitwasyon ngayon kaya isang maling kilos lang niya laglag siya sa patibong ni Maria Christina hahahahaha.

"Ahhh okay lang namin kami pano mo nga pala nalaman na nandito kami?" tanong ni Christian sa kanya.

"Sinabi sakin ni Tita kaya ininvite niya ko makisaya daw ako sa inyo tapos pupunta daw sila dito kasama si Tito at yung mga ate mo at yung mama at papa ni Tristan "sagot naman ni Christina sa kanya at pagkatapos niyang sabihin na kasama yung mama at papa ni Tristan ay tumingin siya ng malagkit kay Tristan.

"What?" biglang tanong ni Christian sa kanya.

"Ohh bakit? Okay nga yon eh makakasama natin sila tsaka makikilala ko na din yung parents ni Tristan." sabi ni Anne.

Napatingin na lang si Tristan kay Anne at parang hindi niya alam ang sasabihin o gagawin niya kaya ngumiti na lang siya habang si Christina ay tumabi kay Anne "Hi ngayon lang yata kita nakita?" tanong niya kay Anne.

"Ikaw din ngayon lang din kita nakita kaibigan ka nila noh hahaha ang ganda mo." pinuri pa ni Anne si Christina Hayy nako kung alam lang niya.

"Owww tnx" maarte niyang pagtethankyou kay Anne."Ahmm bagong member ng barkada ka ba ?" sunod na tanong ni Christina kay Anne.

Buy one Take oneHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin