Anastaqia

392 13 6
                                    

Anastaqia ( a - nas - ta - kiya )



Ito ang tawag sa mundong pinagmulan ko. Ang mundo kung saan ako isinilang at namuhay sa loob ng labinwalong taon. Ang mundo na namumuno sa iba't ibang mundo na matatagpuan sa iba't ibang dimensyon, maging ito man ay mundo ng mga Bampira, mga Lobo, Diwata, Sirena, Salamangkero at iba pang nilalang na nagtataglay ng kapangyarihan. Ngunit hindi kabilang dito ang bagong silang na mundo. Ang mundo ng mga Mortal na Nilalang. Walang nakakaalam sa mundong ito maliban sa pamilya ng maharlika o mga dugong bughaw. Ang pamilya ko.



Bawat Anastaqian ay nakatakdang malaman ang kapangyarihan nila pagtuntong ng labinwalong taon, ngunit kung wala itong kapangyarihan ay kamatayan ang maghihintay dito. Ngunit hindi iyon ang nangyari sa akin.



Pinapatay ako ngunit iniligtas ako ng kuya ko at inilipat ako sa ibang dimensyon, sa mundo ng mga mortal saka pinalabas na sya ang pumatay sa akin para hindi na ako hanapin pa ng mga guwardya ng kaharian at mga sakim sa kapangyarihan. Isa akong malaking kahihiyan sa buong kaharian kaya hindi na din ako nagprotesta kahit nasasaktan ako. Doon ay sumanib ako sa sinapupunan ng mag asawang Leo at Skylie Williams at tuluyang binura ang kaalaman ko sa lahat ng tungkol sa Anastaqia at sa kahariang minsan ko nang pinaglingkuran.



Ako si Skye Margaux Williams. Isang Mortal na Nilalang at ang dating Prinsesa Xyendria ng kaharian ng Anastaqia.




*********************

Nagbabalik ^_^

June 6, 2015

AnastaqiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon