Chapter 7

99 5 3
                                    

- Skye - 


        "Skye gising na" narinig kong sabi ng isang tinig saka ako nakaramdam ng mahinang tapik sa pisngi ko. Dinilat ko ang mga mata ko at nakita ko si Sean.



"Paano ka nakapasok sa kwarto ko?" nakabusangot kong tanong pero tinawanan nya lang ako.



"Kakambal kong makakalimutin, magkatabi tayong natulog kagabi" tumatawa nyang sabi saka ako pinitik sa noo. Oo nga pala, napagpasyahan naming magkwentuhan pagkatapos naming makauwi galing sa ospital. Hanggang sa nagkasundo kaming magkatabi na lang ulit matulog. Hayyyy. . . 



"O ano? natatandaan mo na? Bangon na dyan bibisitahin natin ulit sila Zion at Bryle. Baka daw palabasin na sila ngayon ng doktor kapag maayos na yung results ng check up nila bukod sa amnesia. " tumango ako saka nagpahila sa kanya para ibangon ako. Wala eh, tinatamad pa kong bumangon. Nakapikit akong tumayo at biglang tinalunan si Sean kaya para na akong nakakapit na koala sa kanya. Nadinig kong tumawa sya pero di ko na pinansin. Yumakap lang ako ng mahigpit ay maya maya lang ay naramdaman ko nang naglalakad na sya. 


"oh anak? Nagpabuhat na naman yang kakambal mo?" dinig kong sabi ni Mama pero di pa din ako dumilat. Ganito ako katamad gumising kapag weekends. Lalo na ngayon at umuulan, masarap makipagbonding sa kama ko. Naramdaman kong binuhat na talaga ako ni Sean at inupo sa upuan. Nakapa ko yung mesa kaya dumukdok ako doon. Naamoy ko ang gatas malapit sa akin kaya kinapa kapa ko yung mesa hanggang sa may makapa akong parang hugis baso na medyo mainit. Kinuha ko yun pero may pumigil sa kamay ko. Ugh! Sean -_- 


Inangat ko ang mukha ko at nanlilisik ang mga matang tinignan ko si Sean. Bale walang nagkibit balikat to at binitawan yung baso. Ang sarap batuhin ng lalaking to. 


Kinuha ko na yung mainit na gatas at ininom. Ang saraaaaap~~ the best talaga pag timpla ni Sean ~~ 


"Nag eenjoy ka na masyado sa timpla ko, wag mo namang pahalata" 


"Che, tigilan mo ko. Kakagatin ko yang tenga mo, ang aga aga nang aasar ka" 


"Tigil na kids, eto na ang breakfast natin" napalingon ako kay Mama at Papa na parehong naka apron. Ang cute nilang tignan. Hawak nila ang mga kubyertos pati na ang lalagyan ng kanin at ulam. Natatakam na ako dahil naamoy ko nang ang bango ng ulam namin. Sinigang sa miso, yum yum!!


----------


Nandito na kami ngayon sa loob ng kwarto nila Bryle at Zion. Kasalukuyan silang chine check up nung doctor at binabasa sa harap ng mga magulang nung dalawa yung results ng naging test sa kanila. Okay na daw ang dalawa, bukod sa amnesia na gradually ay babalik naman daw ang ala-ala nila, maaari na daw silang makauwi. Matapos magsalita ng doktor ay nagpaalam na din siya. Kinausap lang sila Bryle at Zion ng mga magulang nila at pagkatapos ay lumabas na din sila. Sa amin kasi sasabay umuwi sila Bryle at Zion, napagpasyahan ng mga magulang nila na sa iisang bubong muna kaming apat tumira dahil na din sa request ng may mga amnesia, sinang ayunan naman yon ng doktor nila dahil mas malaki ang chance na maregain yung memories nila kung close sila doon sa makakasama nila. Pero ang alam ko kasi si Sean lang ka close nila eh -_-

AnastaqiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon