Chapter 5

109 5 2
                                    

- Skye - 


"Skye!!" dinig kong tawag ng isang boses sa akin dahilan para lumingon ako. Si Zion. Nginitian ko sya habang patakbo syang lumalapit sa akin dala ang mga pagkaing paniguradong kulang pa sa kanya. Ang cute nya talaga, lalo na yung katakawan at kakulitan nya. . . 



Okay, erase. Lumalandi na naman ako.



"Hello!! Kain tayo! Want some?" alok nya sakin ng mga pagkain na dala nya at ngiting ngiti na tumingin sa akin. Tumango lang ako dahil baka di ko mamalayang nakanganga na naman ako sa kagwapuhan nya. Paano nga ba ako nagkagusto sa lalaking to? I sighed dreamily, he's too good to be true.



"Skye, paano ba manligaw sa isang babae?" I stiffened. Mali ba ako ng dinig o yun talaga yung sinabi nya? 



"Manligaw? Sino naman liligawan mo?" but he just smiled at me. I examined him closely. May kakaibang kislap ng saya ang mga mata nya pati ang mga labi nyang ngiting ngiti na konti na lang ay parang mapupunit na. I sighed mentally. Di pa nga nag uumpisa ang love story ko, may third party na agad.



"Sasabihin ko sayo pagkatapos mong sabihin kung paano manligaw sa isang babae." he beamed at me. If only thoses smiles are exclusively just for me. 



I sighed then said, "Kaming mga babae, madali lang pakiligin at ligawan. We appreciate things kung may effort mula sa nagbigay non. Sentimental kumbaga. So kung manliligaw ka, just know kung ano ang hilig nya then iparamdam mo sa kanyang gusto mo sya at gusto mong maging sayo sya." parang may tumatarak na mga karayom sa puso ko habang binibitawan ko ang mga salitang yun. Tinignan ko sya at nagsusulat sya kaya sinilip ko yun. Nagtatake down sya ng notes sa mga sinabi ko. Looks like he's really serious about that girl.



"Okay lang kahit wag mo na sabihin kung sino sya" nakangiti kong sabi sa kanya. Baka kasi mas lalo lang akong masaktan kung malalaman ko pa kung sino yun. Hindi naman ako manhid. I like him for almost 2 years now, ayoko lang magpakita na crush ko sya dahil ayokong isipin nya na easy to get ako. Ayokong patulan nya ako dahil lang sa katropa nya ang kakambal ko. At mas lalong ayokong maging kami na ako lang ang may gusto sa kanya. Mahirap ang one-sided love. 



"Sige uwi na ko, wala na din naman akong klase eh" sabi ko at inumpisahan nang magligpit ng notebooks ko at isinilid ko lahat sa bag ko. Patayo na sana ako pero pinigilan ako ni Zion.



"Wait lang! Last na tanong na lang" he beamed at me. 



"what?"



"Bigyan mo ko ng example, kunwari ikaw yung babaeng liligawan ko. Ano gusto mong gawin ng manliligaw mo?" seriously? Hay nako Zion, manhid ka ba o nananadya? 



"Kung ako yun simple lang gusto ko, pag may manliligaw sa akin ipapakita nyang gusto talaga nya ako na kahit sagutin ko sya wala pa din magbabago sa amin. Kadalasan kasi simula lang sweet tapos pag sinagot na wala na. I want someone na sincere ang pagkagusto sa akin at ma effort kahit sa simpleng bagay dahil di ako umaapreciate ng material na bagay. Anyway, di naman ako yung liligawan mo so better search kung ano ang gusto nya bago mo ligawan" tinanggal ko na ng dahan dahan yung kamay nyang nasa braso ko saka tumalikod at naglakad papalayo. Baka kasi umiyak ako pag nagsalita pa ako. Ayoko namang tanungin nya pa ko dahil hindi naman ako magaling magsinungaling

AnastaqiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon