Chapter 12

73 5 3
                                    

Third Pov

Nanghihinang nagmulat si Skye ng mga mata. Iginala ang paningin sa paligid at unti unting napagtanto na nasa loob sya ng sarili nyang silid sa apartment na tinutuluyan nila ni Sean, Bryle at Zion.

Bumangon sya at tinawag si Avo. Isang tawag nya lang kasi ay nagpapakita na ito. Lumipas ang nilang sandaling katahimikan. . . walang Avo na nagpakita. Tatayo sana sya upang hanapin si Avo ng bigla lumiwanag ang kwintas sa leeg nya. Naalala nyang ibinigay ito sa kanya ni Bryle bilang isang regalo.


Kamusta ang iyong pakiramdam Skye? ani ng isang tinig.

"Sino ka? At nasaan ka?" tanong ni Skye pabalik. Binitawan nya ang pagkakahawak sa kwintas na hindi na lumiliwanag at tumayo sa kama. Inilibot nya ang paningin sa buong kwarto upang hanapin ang pinanggagalingan ng boses.

Ako si Aqua. Ikaw lamang ang nakaririnig sa akin at may karapatang makakita sa akin. Ngunit hindi pa oras upang masilayan mo ako. Sa ngayon, maaari bang makipagkaibigan sayo? - tumango si Skye na parang nakikita nya ng kanyang kausap. Napangiti naman ang apat na dyamante na nasa loob ng kwintas.

Napag usapan ng mga dyamante na si Aqua na muna ang makikipag usap dahil hindi maaaring biglain ang prinsesa sa mga pangyayari. Si Aqua kasi ang may pinakamahabang pasensya sa kanilang apat.


"Paano mo ako nakilala Aqua?" tanong ni Skye.

"Hindi pa sa ngayon Skye, sa takdang panahon." Naguguluhan man ay pinili na lamang nyang wag na magtanong dahil ramdam nyang hindi ito magsasalita talaga.

"Sa tanong mo nga pala Aqua, medyo maayos na ang pakiramdam ko." Sagot ni Skye. Pakiramdam nya ay nakikipag usap sya sa sarili nya dahil wala naman syang isang kasama sa kwarto, hindi din nya mahagilap sila Avo.



Natigil ang pag uusap nila nang kumatok sa pintuan si Sean at pinapasok nya ito. Kinumusta nito ang kalagayan nya at kung kaya na ba nyang pumasok sa eskwela ngayong araw. Tanging tango lang ang isinagot nya.


Nagsimula na syang maghanda para pumasok at nang matapos ay bumaba upang maka pag umagahan kasabay sila Bryle, Zion at Sean. Kinumusta sya ng dalawa na kapwa ay mukhang nag aalala pa. Nginitian nya ang mga ito at siniguradong kaya na nyang pumasok. Naalala nya ang kwintas na ibinigay ni Bryle. Nais nya itong tanungin kung natural lang ba ang pagliwanag nito ngunit hindi sya makahanap ng tamang tyempo.




Natapos ang umagahan ng hindi nya naitanong ang nais nyang malaman mula kay Bryle. Sumakay na silang lahat sa sasakyan ni Sean at tinungo ang daan papuntang eskwelahan.



- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -



-Skye-


"Good morning class, we have transfer students today. You may come in" nakayukyok pa din ako sa mesa. Tinatamad na nag angat ako ng tingin. Pumasok ang limang taong nakauniform tulad ko pero nanlaki ang mga mata ko ng makilala ko yung apat.




"AVO?!?!?!" shit. Nagtinginan sakin ang mga kaklase ko pati si Sean. Nahihiyang umupo ako ulit. Aish Skye! Gumawa ba naman ng eksena???





AnastaqiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon