- Skye -
Dahan dahan akong nagmulat ng mga mata. Mukhang nasa clinic ako. Ipinikit ko ulit ang mga mata ko at inalala kung bakit ako nandito. Right. Naglilinis kami ng banyo ng biglang sumakit ang puso ko. Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko, di na sya sumasakit pero teka? Sino nagdala sa akin dito at nasan si Enok?
Napabangon ako bigla. Pero napatigil dahil nakita ko si Sean na natutulog sa gilid ng kama ko. Sya ba ang nagdala sa akin dito?
"Sean?" tawag ko sa kakambal ko at inalog alog ko sya ng mahina. Unti unti naman syang nagdilat ng mga mata.
"Kumusta pakiramdam mo?" Tanong nya sa akin.
"Maaayos na. Ikaw ba nagdala sa akin dito?" Tumango sya. "Nasaan si Enok?" tanong ko ulit at sinabi nyang nauna na umuwi. Well, mukhang di naman talaga yun magpapacheck up. Duwende nga diba? Pero teka, sabi ni Avo kapag may naka kita sa kanilang mortal mamamatay sila diba? Anyway, mukhang di pa naman sila patay. Saka di na pointed yung ears nila. . .
"Ano bang nangyari Skye?" Tanong sakin ni Sean. Inaya ko na syang umuwi tutal wala na kaming klase. Naglalakad kami ngayon pauwi. Sabi daw nung doktor kanina sa clinic overfatigue lang daw. Anyway, sasabihin ko ba kay Sean?
Sige na nga.
"Nung naglilinis kasi kami ni Enok ng banyo bigla na lang sumakit yung dibdib ko hanggang sa nawalan na ko ng malay."
"Kuminang ba ulit yang kwintas mo?" napatigil ako sa paglalakad. Paano nya nalamang umiilaw to?
"I saw it. Nung gabi ng birthday natin diba nanghihina ka? Ako ang naghatid sayo sa kwarto mo then I saw that necklace glow. Hindi kaya mas mabuti kung tanggalin natin yan?" napahawak ako sa kwintas na suot ko. Medyo weird nga ang kwintas na to. Tumango ako kay Sean.
"Tanggalin ko na lang muna. Tatanungin ko na lang muna si Bryle kung ganito ba talaga to." Pero tatanggalin ko na sana sa leeg ko ng bilang may dumaan na humaharurot na truck kaya agad kaming napatabi. Minabuti namin ni Sean na pumunta muna sa park na malapit sa kinaroroonan namin.
Binaba ko yung bag ko sa isang swing at sinubukang tanggalin yung kwintas. . . ayaw nya.
"I can't take it off" napapabuntong hininga kong sabi. Pinatalikod ako ni Sean sa kanya at inalis ang kwintas ko.
"Here" hinawakan ko yung kwintas. Why do I have a feeling na dapat suot ko lang to palagi?
"Xyendria, suotin mo muli ang kwintas."
Yun ang huli kong na rinig bago ako mawalan ng malay kaya di ko na nakita na lumiwanag ang buong katawan ko at lumutang sa ere. . .
----------------------------------------------------------
- Third Pov. -
"Xyendria, suotin mo muli ang kwintas." Sabi ni Aqua ngunit hindi na ito nagawa ni Skye dahil kumawala na sa katawan ng dalaga ang kapangyarihan nito. Bigla namang nataranta si Sean at sinalo ang katawan ng kakambal.
"Anong nangyayari?" Tanong ni Sean sa sarili. Sa isang saglit lang ay nabalot na ng kulay berde na ilaw ang buong katawan ni Skye at sa batok nito ay may umuukit na isang simbolo. Isang simbolo na kaparehas ng nasa gitnang bahagi ng kwintas. Unti-unti ay lumutang ang katawan ni Skye kaya walang nagawa si Sean kung hindi panoorin lang ang kakambal.
BINABASA MO ANG
Anastaqia
FantasyA princess from a world unknown to mortal beings. Ang prinsesang walang kapangyarihan kaya ipinatapon sa mundo ng mga mortal at sinara ang portal para hindi sya makabalik at makatuntong sa Anastaqia. Pero paano kung dumating ang araw na matuklasan...