- Skye -
"ZION!! BRYLE!!! TULONG !!! SI SEAN !!! TULUNGAN NYO KOOOOO!!!!!" naiiyak kong sigaw. Natataranta na ako dahil tuloy tuloy pa din ang pag agos ng dugo sa ulo ni Sean. Wala na syang malay, gusto ko syang isugod sa ospital pero hindi ko kaya ang bigat nya.
Napatingin ako sa basong basag na nasa gilid nya. Oo nga pala . . .
Please don't die, Sean.
Pinakalma ko ang sarili ko at huminga ng malalim. Nagconcentrate ako at unti unti kong pinalutang ang katawan ni Sean pero hindi pa man ganoon kataas ay ibinaba ko na ulit sya ng dahan dahan. Hinihingal na napaupo ako. I can't lift him. Gusto kong umiyak dahil nag aalala ako pero hindi ako makakapag isip ng matino.
Teka! yung duwende! Diba kapag duwende may kapangyarihan???
Nagmamadaling umakyat ulit ako ngunit pagkabukas ko ng pinto ay dalawang duwende na ang nakita ko. Matalim ang pagkakatingin sa akin nung isa na ngayon ko lang nakita habang malungkot ang itsura ng duwendeng kausap ko kanina.
"Ano? Kailangan mo ng tulong ngayon? Hindi kita pagbibigyan. Sinaktan mo si Avo." masungit na sabi sa akin ng bagong duwende at tumuntong sa tip ng ilong ko. Nagsilabasan na ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.
"Sorry, sorry. . . hindi ko naman sinasadya eh. Pakiusap, tulungan nyo yung kakambal ko" umiiyak kong pakiusap. Wala na akong pakialam kung gamitan nila ako ng mahika gaya ng mga nasa storya pero kailangan ko talagang maisugod sa ospital si Sean.
"Enok, hindi naman kasalanan ng mahal na prinsesa iyon." singit nung duwendeng kanina ko nakausap.
"Pero nasaktan nya pa rin ang damdamin mo" pagmamatigas nung isa.
"pakiusap, iligtas nyo ang kakambal ko, hindi ko kayang buhatin ang bigat nya kahit na gamitin ko ang isip ko" ani ko sa mahinang boses. Sabay silang napatingin sa akin at mukhang gulat na gulat.
"May kapangyarihan po kayo?" sabi nung duwende na una kong nakita. Tumango ako sa kanya habang pinupunasan ko ang mga luha ko. Nakita kong nagkatinginan ang dalawang duwende hanggang sa bumuntong hininga ang pangalawa.
"tsk. oo na" masungit na sabi nito. Sinabihan nila akong sumilip sa ibaba na sinunod ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong kumakain na ang tatlo ng almusal.
"P-p-papanong - "
"Isang Ilusyon" masungit na sabi nito. Napatango ako. Nanghihinang napaupo ako sa kama ko. Ano bang nangyayari? Naguguluhan na ako. Ilusyon ba talaga yun? Pero bakit totoo?? Duwende ba talaga sila? o nananaginip lang ako?
BINABASA MO ANG
Anastaqia
FantasyA princess from a world unknown to mortal beings. Ang prinsesang walang kapangyarihan kaya ipinatapon sa mundo ng mga mortal at sinara ang portal para hindi sya makabalik at makatuntong sa Anastaqia. Pero paano kung dumating ang araw na matuklasan...