Chapter 8

106 6 1
                                    

- Banak - 


"Mahal na Hari, gising na po" napadilat ako nang marinig ko ang boses ni Xafros. Umupo ako at saka naghikab.


"Ilang beses ko bang ipapaalala sa iyo na Bryle ang itawag mo sa akin? Ano na lang ang sasabihin ng mga makakarinig sa iyo?" mahinahon ngunit madiin kong pangangaral sa kanya ngunit nginitian nya lamang ako.


"Paumanhin Mahal na Hari ngunit mukhang matatagalan bago ako masanay sa bago ninyong pangalan. Lalo pa at bago sa aking pandinig ang mga pangalan dito at taguri sa mga bagay bagay" napapakamot sa batok na sabi ni Xafros na ngayon ay dapat kong tawaging Zion. 


"Paano ka nga pala nakapasok sa aking silid? Natutunan mo na ba kung paano buksan ang pinto ng hindi gumagamit ng mahika?" tanong ko sa kanya. 'Ni-lock' ko kasi ang pintuan ng silid ko para daw walang makapasok. Yun yung sinabi ni Xyendria para daw may ' privacy ' daw ako. Mahirap ipaliwanag ngunit tila alam ng utak nitong katawan na gamit ko ang ibig sabihin ng mga salitang iyon kaya nauunawaan ko na din. Automatic translation ika nga. Ngunit kakaunti pa lang din ang alam at naiintindihan ko. English ang lenguwaheng ginamit ko at madalas na gamitin ng mga tao rito ay Taglish. Pinaghalong tagalog at english.


"Sa bintana" napatango ako. Oo nga naman, maging sa Anastaqia ay sa bintana pa din sya dumadaaan para makapasok sa silid ko. Tumayo ako at akmang lalabas na ng mapatigil ako sa sinabi ni Xafros.


"Mahal na Hari, may ipagtatapat ako" 


"Ano iyon?" lumingon ako at hinarap sya


"Tila nagugustuhan ko na ang iyong kapatid. Nakakaramdam ako ng pagkagusto sa kanya, nais kong makita ang ngiti nya, marinig ang kanyang boses, at ang mapalapit sa kanya. Mula pagkabata natin ay alam kong hanggang kapatid lang ang pagtingin ko sa prinsesa ngunit ang emosyon ng lalaking kinapapalooban ko ay nandirito pa din at tila sumasanib sa aking katauhan." 


"Ano ang nais mong gawing hakbang?" seryoso kong tanong sa kanya.


"Nais ko pong tulungan nyo ako upang mapalayo sa kanya. Lalo na at ang talagang Zion ay namatay na sa aksidente gaya ng kay Bryle na namatay na din. Hindi naman tayo makakasanib sa kanilang katawan kung buhay pa sila" tumango ako.


"Kung ganoon, halika't mag almusal na tayo sa ibaba. Iwasan mo si Xyendria hangga't maaari. Sa akin ka palaging sumama. Kailangan natin makakakain ng mga prutas bago sila makababa" 


---------------------------------------------------------

- Skye - 


"Goodmorning Sean!!! Gising na!!" Inalog alog ko si Sean na kasalukuyan pa din natutulog. Kakambal ko ba talaga to!?!?! Tulog mantika!! 


"Kailangan nyo po ng tulong?" 


Napahinto ako. Inilibot ko yung paningin ko sa buong kwarto pero ako lang ang nandito pati itong si Sean. 


"Oy! wag kang mantrip! Paliliitin mo pa yang boses mo para takutin ako !! DUMILAT KA NA!" natataranta kong sigaw. Leche ka Sean! Alam kong takot ako sa mga ganyan!! 

AnastaqiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon