Chapter 14

107 6 6
                                    

- Third Pov -



Tulalang naiwan si Sean sa parke kung saan nalaman nya ang buong katotohanan sa pagkatao ni Skye. At sa lugar kung saan binura ang alaala nya.





"Skye. . ." sambit ni Sean sa mahinang tinig. Isang iglap at tila natauhan ito at tinungo ang daan pauwi sa kanilang tahanan. Bakas ang determinasyon at pagmamahal sa mata nito na para bang naaalala nito ang lahat.




"Skye, di ako papayag na mailayo ka nila sa akin." Paulit ulit na bulong nito sa sarili. Ngunit nang makauwi ay tulalang sumalampak ito sa sahig. Iniisip kung paano nya masusundan ang dalaga gayong may kapangyarihan ang gusto nyang sundan at ni hindi man lang nya alam kung saan matatagpuan ang mga ito.





At kung paanong naaalala nya pa rin ang lahat tayong dapat at nabura na ang alaala nya.




"Skye. . ."




- - - - - - - - - - - - - - - -

Masayang sumama si Alena kay Xafros dahil sa wakas ay nakaalis na sya doon sa bahay ng lalaking nasisiraan na ata ng ulo.




"Paano mo ako nahanap Xafros?" mahinhin na tanong ni Alena habang naglalakad sila papasok sa isang gubat.







"Konektado ang mana nating lahat hindi ba? Matagal nang alam ni Haring Banak ang kinaroroonan mo ngunit hindi ka lamang namin sinusundo." Tila nagtampo at nagalit si Alena sa narinig.







Ako ang susunod na reyna ng Anastaqia at muntikan na akong mapahamak sa kamay ng mortal na iyon pero alam pala nila at hindi man lang ako pinuntahan?!?! - paghihimutok ni Alena sa isipan.







"At bakit ka naghihimutok? Hindi ikaw ang sadya namin dito. Kumpara sa buhay mo, mas mahalaga ang buhay ng aming Prinsesa Xyendria." mahinahong sabi ni Xafros at natahimik si Alena.







"Nandito na tayo." Napatingin si Alena sa paligid at namangha sa lawa na napapalibutan ng mga diwata. Matagal na mula nang Huli syang makakita ng kauri nya. Napansin naman ng mga diwata ang presensya nila at nagbigay pugay sa ka nilang prinsesa.








"Bakit tayo nandito?" Wala sa sariling tanong ni Alena dahil sa nakikita. Hindi sya makapaniwalang may mga diwata dito sa mundo ng mga mortal.









"Kasi po nandito ako. Nakipaglaro lang po ako saglit sa mga diwata." napalingon siya sa balikat ni Xafros nang may lumitaw na isang duwendeng babae.







"Sya si Isa. Kaya nyang maglakbay ng malayo sa isang kisap mata." Maikling pakilala ni Xafros at sa isang iglap lang ay nasa ibang lugar na sila. Palingon lingon si Alena sa paligid dahil hindi sya pamilyar sa lugar ngunit napahinto sya nang makitang iba na ang mga tao sa harapan nya. Pilit nyang hinahanap si Xafros pero napatigil ang tingin nya sa dalawang lalaki na kumokonekta sa mana nya.





"Ano ang itinatayo mo dyan? Lumapit ka dito Prinsesa Alena." Maawtoridad na sabi ng isang lalaki. Ngayon ay kilala na nya ang mga ito. Si Haring Banak at Xafros ang nasa harapan nya nasa loob lamang sila ng katawan ng dalawang lalaking mortal. Mabilis ang mga hakbang na lumapit ang dalaga at nagbigay pugay sa hari.






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AnastaqiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon