Chapter 6

85 7 2
                                    

- Skye - 


Napa igik ako sa kinauupuan ko ng maramdaman kong nagvibrate bigla yung phone ko. Agad akong tumayo at kinuha sa bulsa ko yung cellphone ko saka sinagot yung tawag nang walang tingin tingin sa name ng caller.



"Hello?" 


"Skye! Kita tayo mamaya ah? Sunduin kita. Sige babye!" at bigla kong narinig ng binaba na nya yung phone nya. Kinikilig na bumangon ako sa kama ko at masayang tumalon talon doon. Yieeee!!! May date kamiiiiii~~~



"Ehem" agad akong tumingin sa pinanggalingan ng boses na yon. Si Sean kasama sila Mama at Papa. 



Nanlaki ang mga mata ko at agad na umupo at nagtakip ng kumot. Dinig ko naman ang malalakas na tawanan nila. Nakakahiyaaaaa~~~ Paulit ulit kong pinukpok ng mahina yung ulo ko dahil sa kagagahan ko. I can't believe that my parents saw me acting like that!! At ang mas malala, parang wala lang sa kanila!! 


"Sige Skye, iwan ka muna namin. Lasapin mo muna yang kilig mo" dinig kong sabi ni Sean kaya napabusangot ako. Nang aasar na naman sya -_- 



Nang maramdaman ko at makatiyak na wala na sila, tinanggal ko na ang kumot ko at excited na nag ayos. . . sasagutin ko na sya mamaya. 



------------------------------

-Banak - 



"Ang tagal naman" dinig kong sabi ni Alena kahit mahina lang. Napatawa na lang ako. Wala naman syang magagawa kung hindi sumunod. Kasalukuyan kasi akong nag papagawa ng mga damit, na hango sa mga mortal, dito sa mga Engkanto. Dumayo pa ako sa kanilang mundo upang sadyain sila. Kailangan kasi naming maki angkop sa kanila upang hindi kami magmukhang katawa tawa.



"Ayos na po ang lahat, Mahal na Hari" ani ng isang engkanto saka nagbigay pugay. Nag abot si Xafros ng sampung pilak at tatlong ginto bilang kabayaran saka nagpaalam. Tumigil kami sa isang lugar kung saan puro puno na lamang ang makikita namin. Agad kong nilabas ang dyamante ng Ventus at sa isang iglap lang ay naglalakbay na kami sa isang puting dimensyon. Hanggang makita ko ang dalawang nakahandusay na katawan ng dalawang mortal na nasangkot sa isang aksidente. Sumanib kami ni Xafros sa dalawang ito at nahiwalay sa amin si Alena dahil maghahanap pa lang sya ng babaeng sasaniban nya. 



Sa wakas Xyendria. . . magkikita na din tayo


- Skye -



"Skye!! Bilisan mo buksan mo yung tv mo dyan sa kwarto!!" dinig ko ang humahangos na boses ni Sean sa labas ng kwarto ko at ang malalakas nyang mga katok. Nagulat man ay nakabawi agad kaya binuksan ko muna yung pintuan ko saka pinatuloy sya. Mabilis syang pumasok at binuksan yung tv.

AnastaqiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon