Chapter 3

115 7 1
                                    

- Banak -



" Banak, bukas na ang koronasyon mo bilang hari. Magpahinga ka na dahil siguradong may magpupumilit humamon sa iyo bago ka makoronahan" tinanguhan ko lang sina Ima at Ipa at tinanaw ko sila hanggang sa makalabas na sila ng silid ko. Napabuntong hininga ako. Kapag ganitong nag iisa ako ay naaalala ko ang kapatid ko, si Xyendria. Paniwalang paniwala ang lahat na ako nga ang pumatay sa kapatid ko dahil gusto siyang pakawalan ng mga gwardyang pinatay ko din noong gabing iyon. Hindi man totoo pero kailangan kong magsinungaling. Hindi maaaring malaman nila Ima at Ipa ang ginawa ko hangga't hindi pa napapasa akin ang korona. Limampung taon pa dapat bago ako makoronahan ngunit nagbago sila ng pasya dahil pinatunayan ko daw na kaya kong mamahala sa Anastaqia noong pumatay ako ng salot sa kaharian. Ang masakit lang, ang salot na tinutukoy nila ay ang kapatid ko at anak din nila.



"Mahal na Prinsipe Banak" lumingon ako sa bintana ng aking silid at nakita ko si Xafros. Ang kababata namin ni Xyendria. Yumukod sya sa akin upang magbigay pugay at ng matapos ay tumayo at ngumiti sa akin. Matagal na naming sinasabi ni Xyendria na tratuhin kami na hindi kabilang sa dugong bughaw ngunit makulit pa din sya kaya hinayaan na lang namin.



"Kumusta ang aking kapatid?" bungad kong tanong sa kanya. Nakagawa kasi ako ng isang maliit na portal na kami lamang ni Xafros ang nakakaalam. Doon sa dumadaan upang makita kung ano ang nangyayari sa akin kapatid.



"Ayos naman pa din po sya mahal na prinsipe, ngunit may problema po tayo" nag aalalang sabi nya kaya di ko din maiwasang mag alala.



"Anong problema? Natunton na ba sya nila Ima at Ipa?" natataranta kong sabi. Hindi nila maaaring malaman dahil paniguradong hahanapin nila si Xyendria sa mundo ng mga mortal. Mahihirapan ako pag nangyari yon dahil una ay walang naaalala si Xyendria bilang isang prinsesa, pangalawa isa syang mortal na mas delikado dahil mahihina ang katawan ng isang mortal kung aatakihin nila ito at ang pangatlo, walang kapangyarihan si Xyendria.



"Mali po ang iniisip ninyo mahal na prinsipe. Malapit na pong tumuntong ang mahal na prinsesa sa tamang edad. Ang plano po natin ay magpakilala sa kanya sa kanyang kaarawan dahil hari na po kayo sa oras na iyon at maaaari na po syang bumalik dito sa Anastaqia. Ngunit mukhang mahihirapan po tayo dahil may nagugustuhan ang mahal na prinsesa na isang mortal" napahinto ako sa sinabi ni Xafros. Malaki nga ang problema namin. Kilala ko ang kapatid ko mula pagkabata. Wagas syang magmahal kaya kung totoo nga na may nagugustuhan sya, dapat ay ngayon pa lang mapigilan na namin na umusbong ang iyon at maging pagmamahal. Lalo na at wala syang alam ni katiting tungkol sa Anastaqia. Kakayanin ko bang manatili na lang sya sa mundo ng mga mortal habang nagtatamasa ako ng karangyaan at kasaganahan sa kastilyong ito?






Hindi ko kaya.





Hindi ko kayang manatili dito dahil may karapatan syang matamo ang lahat ng mayroon ako ngayon. Prinsesa sya ng kaharian ng Anastaqia at hindi ko hahayaang mamuhay sya sa mundong para lamang sa mabababang uri ng nilalang.

AnastaqiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon