"Gising na mahal na prinsesa ko" dinig kong sabi ng isang malamyos na tinig na sinabayan ng mahihinang tapik sa pisngi ko. Napangiti ako at unti unti kong idinilat ang mga mata ko. Hinintay kong maka adjust ang mga mata ko sa liwanag and there! I saw Mama and Papa smiling at me. Nakaupo si Mama sa edge ng kama ko while si Papa ay nakatayo sa tabi ni Mama. I yawned them then smiled sweetly at them, greeted them 'good morning' at saka tumayo.
"Skye male - late tayo kung di mo bibilisan kilos mo" lumingon ako sa may pintuan ng kwarto ko ng marinig ko ang boses na iyon. Kasalukuyan syang naka cross arms habang nakasandal sa may hamba ng pinto at na cool na nakatingin sa wrist watch nya.
"Good Morning Kuya Sean! Eto na po bababa na nga eh" nakangiti kong sambit kaya nagpaalam na sila Mama, Papa at kuya Sean saka lumabas sa kwarto ko. I glanced at my wall clock at tama nga si kuya dahil 6:30 am na at 8 am ang pasok namin. 30 minutes kasi halos ang byahe mula dito papunta sa school at matagal ako mag ayos ng sarili ko. I like to pamper myself, though I know that this is not the right time for this.
Pagkatapos kong maligo, magtoothbrush, magbihis at iba pang kailangan kong gawin ay lumabas na ako ng kwarto ko na saktong pagtawag sa akin ni Mama. Mukhang handa na ang breakfast namin. Bumaba ako sa hagdan namin at tinungo ang dining room namin kung saan nakaupo na silang tatlo at ako na lang ang inaantay. Humalik ako sa pisngi nila at saka tinungo ang upuan ko. I felt my stomach rumble in hunger ng makita ko yung breakfast namin. My favorite sinigang paired with crab and corn soup.
"Skye, remember to interact with your new classmates okay? Sayang ang ganda natin pag hindi mo ibinandera yan" biglang sabi ni Mama dahilan para mabulunan ako. Nag peace sign lang sya sakin na tinawanan nila Papa at kuya Sean. Mama naman eh!
"Don't worry Mama, kaklase namin si Zion" nakangising kantyaw ni kuya Sean dahilan para mamula ako. Bakit kailangan pang sabihin ni kuya yun?!?! Oo kuya ko sya pero duh? seconds lang pagitan namin amd yes, he's my twin though hindi kami magkamukha dahil fraternal twins kami. Skye Margaux Williams is my name while kuya's name is Sean Terrence Williams. Our parents are Skylie Ann Williams and Leo Williams. We have a company and Papa is the CEO while Mama is his secretary. Baka daw kasi may lumandi o kaya ay may landiin si Papa pag hindi sya ang secretary. But hey, I found it sweet.
"oh, oo nga pala. Si Zion yung long time crush ni baby Skye mula pagkabata nyo diba? Hay, how I missed those days. Look are you now, weeks from now ay 18 ka na." pagdadrama ni Mama. Inakbayan lang sya ni Papa at sinabihang tapusin na namin ang pagkain namin dahil male - late na kami. Nang matapos kami ay nauna na umalis sila Mama at Papa at ako naman ay sumakay na sa kotse ni kuya Sean. Paano, pineke nila ni Papa yung documents nya kaya may lisensya na sya.
"Ano pa hinihintay mo Skye? Si Zion? Bilisan mo na nagdadaydream ka na naman dyan." sinamaan ko lang sya ng tingin at pumasok na sa passenger seat. If there's something I'm thankful for kahit na alam nila Mama, Papa at kuya ang crush ko ay hindi nila pinagkakalat o kaya sinasabi kay Zion. Haaay~~ bakit ba kasi ang gwapo at ang cute nya all at the same time? Pwede bang mamahagi sya?
BINABASA MO ANG
Anastaqia
FantasyA princess from a world unknown to mortal beings. Ang prinsesang walang kapangyarihan kaya ipinatapon sa mundo ng mga mortal at sinara ang portal para hindi sya makabalik at makatuntong sa Anastaqia. Pero paano kung dumating ang araw na matuklasan...