Chapter 1

223 8 3
                                    

- Xyendria -



"Gumising na po kayo mahal na prinsesa" naramdaman ko ang mahinang tapik sa braso ko kaya minulat ko ang mga mata ko. Nakangiting mukha ni Xafros ang bumungad sa akin. Siya ang matalik kong kaibigan. Bumangon na ako sa kama ko at nginitian ko din sya.



"Mukhang ang ganda ng gising natin ah?" nakangiti pa din nyang tanong sa akin.



"Paanong hindi eh kaarawan na nya maya maya lang?" pareho naming nilingon ang pinanggalingan ng boses at nakita namin si Banak na nakangiti sa akin. Siya ang nakakatanda kong kapatid. Napangiti akong lalo sa sinambit nya. Oo, kaarawan ko na mamaya at ito ay hindi lang basta kaarawan. Ito ang ika-labinwalong kaarawan ko. Mahalaga ito sa aming mga Anastaqian dahil sa araw na ito ay malalaman namin ang kapangyarihan namin. Si Xafros ay may kakayahang magpalit ng katauhan maging ito man ay iba't ibang uri ng hayop o halaman. Kaya din nyang gayahin ang kahit na sinong nilalang. Si Banak naman na aking nakakatandang kapatid ay kayang magpatigil ng oras at maglakbay sa iba't ibang dimensyon kahit hindi sya dumaan sa portal.



Kaya ako ay sabik na sabik na din dahil isang oras na lang ay malalaman ko na ang kapangyarihan ko. Hindi lang yon, dahil bukas ay magiging ganap na akong prinsesa ng kaharian ng Anastaqia. Nagpaalam na sila sa akin nang dumating na ang mag aayos sa akin. Umupo ako sa harap ng salamin ay sinimulan na nila akong lagyan ng mga palamuti sa buhok at nagpahid ng pulang hindi ko alam kung ano sa aking labi kaya mas pumula ito na bumagay sa aking maputing mukha. May ipinahid din silang pulbos na puti at medyo mapusyaw na pula sa aking mukha kaya mas lumutang ang ganda ko.



Nang matapos sila ay nagpaalam na sila kaya sinimulan ko ng suotin ang isang mahaba at magarbong kasuotan ng mga babae na kulay pula kaya mas lumutang ang aking kaputian. Hapit na hapit ito sa aking dibdib at bewang gaya ng mga kasuotang nararapat kapag may ganitong okasyon.



Bumaba na ako at nakita kong marami na ang bisita sa aming malawak na hardin kung saan napili ng aking Ima at Ipa na ipagdiwang ang aking kaarawan. Tumunog ang trumpeta hudyat ng aking pagdating kaya napatingin ang lahat ng bisita sa akin. Huminga ako ng malalim para alisin ang kaba na bumangon sa aking dibdib saka ako bumaba ng aming hagdan habang nakangiti.



Nang makababa ako ay isa isa akong binati ng mga bisita mula pa sa malalayong kaharian at isa isa ko din sila pinasalamatan ng buong paggalang gaya ng itinuro sa akin ng aking maestro na pumupunta sa kaharian araw araw. Ganito daw ang dapat na galaw at asta ng isang prinsesa. Magalang at magiliw sa mga nakakahalubilo, diretso ang tayo, mabini kung kumilos, at ipamalas ang talino bilang susunod na prinsesang mamamahala sa kaharian.



Natapos lang ang pakikipag usap ko sa mga bumabati sa akin ng tawagin ako ng Ima at Ipa ko para ipakilala sa mga panauhin at simulan ang orasyon. Ang pagtawag sa aking kapangyarihan. Tumuntong din sa entablado ang isang salamangkero. Mula sya sa isang mundo na sakop din ng Anastaqia, ang mundo ng mga salamangkero o ang mundo kung saan ang mga nilalang ay bihasa sa paggamit ng mahika at salamangka. Sa aming mula sa maharlika o dugong bughaw ay kaya naming matutunan ang kahit na anong kapangyarihan kung gugustuhin namin dahil ibang dugo ang dumadaloy sa amin, dugo na ipinagkaloob ng mga nilalang na lumikha sa Anastaqia.

AnastaqiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon