- Third Pov -
Mabibilis ang hakbang ni Skye patungo sa garden ng kanilang bahay, nalate kasi sya ng gising dahil magdamag syang nakatulog mula ng makabalik sila sa mundo nila Avo. Sabi naman nila Avo normal lang daw yun kasi mortal ang katawan nya kaya nangailangan ng maraming enerhiya para makapaglakbay sya. Mabilis itong nag ayos at kinabit ang kwintas na regalo ni Bryle sa kanyang leeg. Alam nyang magtatampo ang mga magulang at kakambal nya kapag nalate pa sya sa mismong kaarawan nila.
Sa kabilang banda, halos puno na ang malawak na garden nila ng mga tao. Malakas ang musikang nangingibabaw sa lugar at nagkakasiyahan ang lahat ng bisita. Si Sean ay palingon lingon sa paligid at hinahanap ang kanyang kapatid. Malapit na kasi ang kanilang kaarawan. 20 minuto na lang at hatinggabi na, 18 years old na silang dalawa. Pero hindi mapakali si Sean.
Lumapit ang mga magulang ng dalawa kay Sean para tanungin kung nasan si Skye, sasagot na sana sya ng makita nilang tatlo si Skye sa may gate ng garden. Pawis na pawis ito mula sa pagtakbo at halatang hinihingal pa. Lumapit itong nakangiti sa mga magulang saka masayang binati ang kakambal.
"Akala ko hindi ka na dadating." bungad ni Sean sa kakambal at bahagyang niyakap.
"Pwede ba naman yun? Birthday natin to no, sabay tayong magcecelebrate." sagot ni Skye at tinugon ang yakap ni Sean. Napansin ni Sean ang kwintas ni Skye kaya tinanong nya kung saan iyon nanggaling.
"Kay Bryle ito, regalo nya sa akin"
Nagsalubong ang kilay ni Sean. Madalas kasi ay sabay na nagreregalo si Bryle sa kanilang dalawa, bakit nauna nitong regaluhan si Skye ngayon?
"Halika, magsastart na ang program." hinatak ni Sean si Skye papuntang stage kung saan may nakalaang upuan para sa kanilang dalawa. Nag umpisa ng magsalita ang host ng gabing iyon at ipinakilala silang dalawa bilang celebrants. May 18 roses, candles at angels sa kabuoan ng selebrasyon pero walang doon ang pansin nila Skye at Sean. Sumasakit ang katawan ni Skye at nahahalata ito ni Sean.
Napagpasyahan ni Sean na ipaalam ito sa kanilang mga magulang at inihatid na nya ang kakambal sa kwarto nito. Ang mga magulang na daw nila ang bahala sa mga bisita. Naihiga na ni Sean si Skye sa kama nito pero pinagpapawisan pa din at hindi masyadong makahinga ng maayos si Skye. Nag aalala na si Sean para sa kanyang kakambal. Tatawag na sana sya ng doktor ng biglang kuminang ang kwintas sa suot ni Skye.
Buong akala ni Sean ay imahinasyon lang nya iyon ngunit kuminang ulit iyon at mas matagal na ngayon. Na pansin nya ang unti hunting pagkalma ni Skye at ang pagbalik ng paghinga nito sa normal.
"Anong nangyayari?"
Nais na ni Avo, Enok, Isa at Amos na lumabas mula sa kanilang pinagtataguan upang tulungan ang mahal na prinsesa ngunit hindi nila magawa. Iyon kasi ang inutos ng mahal na hari, saka nakasuot na din kay Skye ang kwintas kung saan naninirahan ang apat na dyamanteng buhay. Sila Ignis, Aqua, Ventus at Terra. Paniguradong kaya nilang pigilan ang kapangyarihan ng prinsesa na lumabas pansamantala. Delikado kapag nadama ng mga nilalang mula sa ibang mundo ang kapangyarihan mula dito sa mundo ng mga mortal. Paniguradong gagawa sila ng paraan para pumunta dito at tuklasin ang pinanggagalingan ng naturang kapangyarihan.
Pag nangyari yon, malalaman nilang buhay ang prinsesa at maaaring kitilin ang buhay ng hari dahil sa hindi pag patay nito sa kapatid na salot sa kanilang angkan.
Sabay sabay silang napabuntong hininga ng makitang kumalma ang katawan ni Skye. Paniguradong napakalma ng mga dyamante ang kapangyarihang nais na kumawala sa pagkakagapos mula sa katawan ni Skye. Pero hindi pa oras para malaman ni Skye kung sino talaga sya. Sapat na ang simpleng telepathy para hindi muna mag ungkat masyado kung tao ba talaga sya.
BINABASA MO ANG
Anastaqia
FantasíaA princess from a world unknown to mortal beings. Ang prinsesang walang kapangyarihan kaya ipinatapon sa mundo ng mga mortal at sinara ang portal para hindi sya makabalik at makatuntong sa Anastaqia. Pero paano kung dumating ang araw na matuklasan...