Chapter 4

121 6 3
                                    

- Skye -



"Gising na sleepyhead" dinig kong sabi ng isang malamyos na boses pero tinatamad akong dumilat. Hinigpitan ko pa ang yakap sa unan na yakap ko saka sumiksik sa dingding sa tabi ko. Ang bango . . .



"Skye, malalate tayo. Bitawan mo na ko" teka. .



Dinilat ko ang isang mata ko. Si ku- Sean pala. Naalala ko na. Magkatabi kaming natulog kagabi. Bumitaw ako sa pagkakayakap ko sa kanya at bumangon sa kama kaya bumangon na din sya.



"Sarap na sarap ka naman masyadong katabi ako" nang iinis na sabi nya habang nakangisi. Sinamaan ko lang sya ng tingin. Ke aga aga nag uumpisa na naman sya. May pa peace peace offering pa sya, upakan ko sya eh. Kasalanan ko bang akala ko unan yung yakap yakap ko?



"Assuming ka na naman. Maligo ka na nga nang malinis yang utak mo" pagtataboy ko sa kanya habang tuloy pa din sya sa pang aasar sa akin ng kung ano ano pero sa huli ay pumasok pa din sya sa banyo na nasa loob pa din ng kwarto ko. Ok, I admit na miss ko nga ang kakambal ko. 5 years na din mula ng huli kaming magkasama sa kwarto, nang maghiwalay na kasi kami ng kwarto nagging mapang asar na din sya, nagkaroon ng mga katropa na sila Bryle at Zion tapos madalang na din kami kung makapagbonding. Sabi nila Mama at Papa napakahirap daw kaming paghiwalayin ni kuya Sean dati. Yung tipong susuko sila at hahayaan na lang kaming magkasama dahil ayaw naming magkahiwalay, umiiyak pa nga daw kami non eh.



Pero I guess, everything changes. Ni hindi ko nga nalaman na may nagugustuhan na itong kakambal ko at mukhang seryoso sya sa babae, right. Now I'm curious, sino kaya yung babaeng yun?



Napalingon ako sa may bintana ng may napansin akong gumalaw. Tao? Pero imposible, nasa 2nd floor itong kwarto ko, baka naman pusa? Lumapit ako sa bintana para sumilip pero wala akong nakita. Baka naman guni guni ko lang? Tama, siguro guni guni ko nga lang. 



"Hello po!" ay palaka!! lumingon ako pero wala pa din akong nakita. Ano ba Skye? Tulog ka pa ata. Naglakad na lang ako papunta sa kama ko at humiga habang inaantay matapos si Sean maligo. Maaga pa naman at siguradong hindi kami malalate. 



"Prinsesa Xyendria!!" anak ng?!?!? Minumulto ba ako? I haven't seen a ghost and I don't think it will be a good idea if I will see one now. Pinikit ko na lang ang mga mata ko, paniguradong gigisingin naman ako ni Sean kapag natapos na sya maligo. Iidlip muna ako dahil mukhang nagiging creative na naman ang utak ko na kalahati pa lang ang gising. 



-----------------------




- Banak - 


AnastaqiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon