- Skye -
Ten hours from now ay birthday na namin ni Sean. Kanina pa tawag ng tawag samin sila Mama at Papa para ipaalala sa amin na birthday na namin. At kanina pa ako naiirita, I hate celebrating my birthday. Isang normal na araw lang naman yun tapos maya maya gabi na ulit. Bakit kailangang icelebrate pa? Para ipaalala sayo na tumatanda ka na?
Humilata ako sa kama. Ano bang pwedeng gawin? Kanina pa ako pagulong gulong dito. Di ko naman pwedeng yayain si Sean lumabas dahil naglakwartsa na mag isa, nakakayamot naman yayain yung dalawang may amnesia sa baba, tinatamad pa akong lumabas mag isa. . .
Ahhhh!! mababaliw na ko sa sobrang boredom!!
"Skye"
"ha? oh Avo, ikaw pala" palitaw litaw naman tong mga to, paano kung may bigla na lang magbukas ng pinto at makita sila?
"gusto nyo pong pumunta sa mundo namin?" sa mundo ng mga duwende? hala, pano yun? edi mukha akong higante dun. . .
"hindi po, makakaangkop ka po doon, pwede kang paliitin ni Amos, kaibigan pong malapit ni Isa. Kakayahan nya pong magpalaki o magpaliit ng mga bagay o tao." tumango ako, ang astig naman. Si Avo kayang magbasa ng isip, si Enok kayang gumawa ng illusions, si Isa kayang mag teleport tapos ngayon yung Amos naman, ano pa kaya kapangyarihan nung natitirang tatlo?
"Skye" rinig kong sabi ng isang boses mula sa may pinto, mukhang si Bryle. Nakita kong nagtago si Avo saka ko pinapasok si Bryle.
"Advance birthday gift" nakangiti nyang sabi sakin. Nagpasalamat ako at nginitian ko din sya. Honestly medyo naninibago talaga ako dahil ang tagal na nilang magkakatropa nila Sean tapos ngayon lang nya ako kinakausap kung kailan nauntog yung ulo nya at nagkaamnesia sya. Hindi nman sa ayaw ko syang kausap, di lang siguro ako sanay. Pero unti unti, nagiging komportable na ko at nasasanay na din na kinakausap nya ko.
"Salamat, pwede bang buksan?" nakangiti kong tanong. Umupo sya sa gilid ng kama ko at tumango. Excited na binuksan ko yun at napahanga ako sa kwintas na nasa loob. One word to describe it. It's enchanting. Parang ancient necklace na may maliliit na mga dyamante tapos ang pendant ay apat na dyamanteng kulay blue, red, brown at white. Nasa gitna non ay isang symbol na di ko alam kung ano ang sinisimbolo.
"Thank you, ang ganda!"
"Akina, isusuot ko sayo" inabot ko sa kanya yung kwintas at isinuot nya sa akin. I'm not sure if I'm hallucinating but I think, nag glow yung mga dyamante saglit. O namamalik mata lang talaga ako. . .
"Suotin mo yan palagi ha? lalo na mamayang party." tumango ako. Nagpaalam na sya at humilata na naman ako sa kama ko. Tinignan ko yung kwintas na nasa leeg ko ngayon. I feel weird. Parang may nag iba sakin pero parang wala naman. . . ay nako ang gulo ko haha
"halika na po?" tumagilid ako ng higa at nakita ko na naman si Avo.
"sige" biglang may lumitaw na isang lalaking duwende. Ito siguro si Amos. Inilahad ko yung kanan kong kamay at tumuntong silang dalawa doon. May mga sinabi si Amos na di ko maintindihan at ilang saglit lang ay namangha ako sa pagdilat ng mata ko. Ang laki ng kwarto ko haha. Tumalon talon ako sa unan ko at humiga, ang saya namang maging maliit.
"Isip bata. tsk." hinanap ko kung sino yung nagsalita. Si Enok pala. Tumayo ako at lumapit sa kanya.
"Hala, mas matangkad ka?" nanlulumo kong sabi at nag smirk sya. Dapat pala di ako lumapit dito kay Enok, lumalaki ulo eh.
"Halika na Skye?" sabi ni Avo, mas matangkad din sya. Nako naman.
Mas maliit ang mundo namin kaya mas maliit kami kumpara sa ibang nilalang Skye pero ganon pa din ang height namin kumpara sa ordinaryong nilalang, mas matatangkad pa din ang mga lalaki kaysa babae. - sabi ni Avo sa isip ko
BINABASA MO ANG
Anastaqia
FantasyA princess from a world unknown to mortal beings. Ang prinsesang walang kapangyarihan kaya ipinatapon sa mundo ng mga mortal at sinara ang portal para hindi sya makabalik at makatuntong sa Anastaqia. Pero paano kung dumating ang araw na matuklasan...