Flower

7.9K 142 18
                                    

FLOWER

Walang pinipili ang pagmamahal. May mga taong nagmamahal ng mas bata sa kanila. May mga taong nagmamahal ng kapwa nila lalaki o babae. May mga taong nagmamahal ng mga taong alam naman nilang… kahit kailan ay hindi sila mapapansin.

Napangiti ako. Kahit ilang taon na ang lumipas, kinikilig pa rin ako sa mga alaala naming dalawa. Naaalala ko yung mga panahong pinipilit niya akong patawanin kahit sobrang baduy ng jokes niya. Yung mga panahong hindi niya ako bibigyan ng panyo o kahit anong pamunas kapag umiiyak ako. Yayakapin niya lang ako. Wala siyang sasabihin. Yung mga panahong hindi ako makatulog, tatawagan niya ako para mas lalo akong hindi makatulog, gusto niya raw kasi makatulog siya na ang huling boses na maririnig niya ay yung boses ko.

Highschool love. Ayun yung tipong relationship na hindi magtatagal. Tipong pagdating ng graduation, maghihiwalay din kayo. Niligawan niya ko noong 3rd year highschool. Siya yung tipo ng lalaki na sobrang weirdo. Ang hilig niyang tumawa kahit wala namang nakakatawa. Siya yung tipo ng estudyante na palaging nabu-bully. Tinutukso pa ako ng mga kabarkada ko na natamaan daw talaga siya sakin.

Iritang-irita ako sa kaniya kasi sobrang weirdo niya. Kahit tinataboy ko na siya, hindi pa rin siya aalis sa tabi ko. Minsan, nahihiya ako kapag sinasabayan niya ko maglakad sa hallway. Pinagtatawanan ako ng mga tao. Para raw kasi akong shadow teacher. Mental retarded kasi siya. Minsan pa, bibilhan niya ko ng pagkain sa canteen. Kapag nakakatanggap ako ng pagkain galing sa kaniya, it’s either ipapamigay ko sa iba o worst, itatapon ko. 

Hindi ko siya gusto. Nakipagpustahan pa ko sa mga kabarkada ko na kahit kailan hindi ko siya magugustuhan. Sino bang magkakagusto sa isang mental retarded? Sino bang nanaisin na magkaroon ng boyfriend na special? Syempre, wala. Meron man pero mabibilang mo sa daliri.

Dumating ang 4th year highschool pero hindi niya pa rin ako tinatantanan. Malas pa dahil block section kami at classmate ko nanaman siya. Araw-araw nanaman akong mababadtrip dahil sa kaniya. Dahil sa kaweirduhan niyang nakakairita. Ganun pa rin yung ginagawa niya. Binibigyan niya ako ng pagkain every lunch break. Minsan tinutulungan niya ko sa mga seatworks kahit siya mismo nahihirapan. Iritang-irita ako kapag pinapangunahan niya ko na sumagot sa kung anong mga tanong tapos proud na proud pa siya na tama yung sagot niya kahit mali naman talaga. Minsan, nagrequest pa siya na tabi kami sa lahat ng subjects. Nakakainis siya.. sobra.

Pinilit ko yung sarili ko na masanay sa mga ginagawa niya. Iniiwasan na nga ako ng mga kabarkada ko kasi palagi siyang nakabuntot. Kami tuloy laging magkasama. Pero pag magkasama naman kami, hindi ko siya kinakausap. Siya lang ang kumakausap sakin.

Naalala ko noong nasa canteen kami, tinanong niya sakin kung ano raw bang mga prutas ang kinakain ko. Sobrang weirdo niya kaya sinagot ko siya ng manok. Nagliwanag yung mukha niya noong mga panahong yun. Sinabi niya, nakakapagpaganda pala ang manok. Ayoko sana. Ayoko sanang tumawa, pero natawa ako. Ayokong ipakita sa kaniya na masaya ako pag andyan siya. Ayoko. Baka kasi hindi niya na ko tigilan.

Siguro bandang 3rd grading yun nung tinanggap ko na siya. Kahit medyo napilitan pa ko. Mabait siya. Masipag. Walang arte sa katawan. Hindi siya matatawag na gwapo, pero kapag palagi mo siyang kasama, masasabi mo na lang gwapo ka pala. Sanay na rin ako sa kaweirduhan niya. Sa mga korni niyang jokes. Noong iniwanan ako nung mga kabarkada ko, sinabi niyang palagi niya akong sasamahan. Hindi ko raw kailangang mag-alala kasi andyan naman siya. Hindi niya raw ako iiwan. 

May isa pang lalaking nanliligaw sakin. Nagtransfer siya bandang kalagitnaan ng 4th year. Hindi katulad ni Franz, gwapo si Jelix. Siya yung tipo ng lalaki na gugustuhin ng lahat ng babae. Siya yung pinaka-heartthrob sa batch namin. Hindi ko nga alam kung bakit ako yung niligawan niya. Hindi naman ako ganon kaganda. Hindi nga ako pala-make up o ano. Okay na ko sa pulbo. Pero ewan ko.

SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon