PS: Walang connection ang title sa story. Pagpasensyahan ang sabaw!
143 KILOMETERS
It pains me realizing you're so near yet you're so untouchable.
Umupo ako sa bench katapat ng umaandar na tren. Inilapag ko sa tabi ko ang malaking bag na dala ko nang may biglang matandang lalaki ang tumabi sa akin. Inabutan niya ako ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan na rin ito para sa akin.
"Iniwan niya ko." nagbuga ako ng usok. "Gago, walang pasabi. Iniwan na lang ako bigla."
Tinawanan niya ko. "Sa tingin mo, bakit ka niya iniwan?"
"Masyado ata siyang naengganyo sa kalayaan. Kupal siya." natawa ako ng bahagya at saka tinapon sa malayo yung stick ng sigarilyo.
"Kung walang magpapaabuso, walang aabuso."
Ako naman ang natawa sa kaniya. "Tanga lang ang naniniwala sa ganyan, tanda. Hindi lahat ng tindahan, may bumibili."
Tumawa lang siya. Yung tawang pang-matanda. Humiga siya sa bench. Yung paa niya ang malapit sa hita ko."Ano bang nangyari?" lumingon ako sa kaniya. Naninigarilyo siya habang nakahiga.
Natawa ako ng konti. "Iniwan nga ako. Wag mo nang itanong uli, tanda. Baka itulak kita sa railway." sinagot niya rin ako ng tawa.
Natahimik kaming dalawa saglit. Napatingin ako sa mga taong nag-aabang sa darating na tren. Iba-ibang tao. Maraming tao. Yung iba, estudyanteng papasok sa school. Yung iba, mga halatang nagtatrabaho na. Yung iba, mukhang gagala. Ang dami-daming tao pero...Bakit siya pa yung nakilala ko? Bakit siya pa yung minahal ko ng ganito? Bakit kung sino pa yung minahal mo ng todo, sila pa yung mang-iiwan sayo? Bakit ako yung nasasaktan ngayon? Bakit ganun? Talaga bang hindi ako biniyayaan ng maganda at tahimik na buhay pag-ibig? Kailangan ba palaging ako na lang yung umaasa? I am not that kind of person who always do good things but I know I don't deserve this kind of thing. Hindi ako naging mabuting anak sa mga magulang ako. I always give them headache. Hindi ako naging mabuting estudyante. I am one of those bullies at school. I admit that I am such a pain in the ass. But I know how to love... I know how to stick to one. I know how to stay loyal. I know how to handle relationships. Pero... bakit ako?
Bakit ako yung iniwan?
Fuck it, come to think of it. Sa isang bench katapat ng train, sa harap ng maraming taong nag-aabang sa pagdating ng tren, andito ako. Nakaupo katabi ng isang matandang lalaking nakahiga at parang walang problema sa buhay. Ako, nakaupo sa isang bench, katabi ng isang malaking bag at umiiyak. Hanggang ngayon, ako pa rin ang nagmumukhang tanga. Walang bago. I am always the one who cries, the one who's being hurt. Always.Sana sa pag-alis ko.... sa paglayo ko... maiwan lahat. Lahat ng hinanakit na nararamdaman ko ngayon. Sana...
**
Isang lugar sa Rizal, hindi naman gaanong malayo sa Manila, pero hindi gaanong civilized ang lugar na napuntahan ko. Nag-apply kasi ako noong nakaraang November ng pabahay dito sa Rizal. At pinalad naman, tinanggap ako. P200 ang upa a month. Keri lang, may trabaho naman ako sa munisipyo.
Mahigit tatlong buwan na akong nananatili dito. Every morning, pumapasok ako sa munisipyo bilang secretary ni Mayor. Kapag may meeting, kasama niya ako. Minsan, kapag may road trip yung mga staffs, sumasama rin ako. Para na rin makalimutan ko yung nangyari sa akin sa Manila.
Isang hapon pauwi ako sa bahay. Papasakay na sana ako sa huling tricycle, pero naunahan ako ng isang lalaki na umupo sa huling slot. Dito kasi sa Rizal, kakaiba ang tricycle. Tatlong tao lang ang pwedeng sumakay.