AFTER
It's not hard to be in-loved with your best friend. What's hard is choosing between continue loving them or make your feelings for them... vanish.
"Paano mo masasabing may gusto sayo ang isang tao?"
Gaile. Isang napakagandang pangalan na kapag narinig mo, pakiramdam mo nakaupo ka sa mga ulap. Isang pangalan na kapag narinig mo, bigla ka na lang mapapangiti sa hindi malamang dahilan. Ewan ko, siguro ako lang ang nakakaramdam nun. Ewan ko, ang labo. Pati nararamdaman ko kasi hindi ko maintindihan.
Pero noon yun.
Isang freshman student si Gaile. Classmate ko siya sa Computer II dahil isa siyang irregular student. Tuwing monday ko lang siya nakikita since monday ang computer. Sa subject na yun, siya ang nag-iisang 1st year college. Wala na kasing available slot kaya napunta siya sa isang free section.
At nakilala niya ko.
Ako, na isang 3rd year college. Isang engineering student na tamad pumasok sa computer II noon kaya eto, kahit 3rd year college na ko, pang-2nd year pa rin ang inaaral ko. Nung una nagrereklamo ako, pero dahil naging kaklase ko siya, minahal ko na rin ang walang kwentang subject na yun... unconditionally.
Unang araw na nakita ko siya, isang araw na maulan. Bumabagyo ata pero hindi naman sinuspend ang klase. Isang gabi ng agosto. Last subject ko na yun sa araw na yun, maulan, basang-basa ako, traffic pa kaya nalate ako.
Pagpasok ko sa laboratory, nakita ko siya. Nakaupo sa pinakadulong parte ng classroom. Siya lang ang nag-iisang babaeng nakaupo sa last row. Since, dalawa na lang naman ang computer sa last row. Wala akong ibang choice kundi... ang umupo sa tabi niya.
"Late ka nanaman, Mr. Alipio. Mahirap yan, mister. Baka next year, computer II pa rin ang kukunin mo." hiyang-hiya ako ng araw na yun. Panibhasa, favorite ako ng prof na yun kaya ganun. Madalas niya akong ipahiya noong unang taon ko sa college. Ganun din nung 2nd year ako, kaya nga binagsak niya ako kahit wala pa naman akong napapatunayan sa kaniya.
Dun ko napansin si Gaile. Tumawa kasi siya nang pagalitan ako ni Sir. Napalingon ako sa kaniya nung araw na yun at nainis. Hindi ko alam kung bakit nainis ako sa kaniya. Siguro dala na rin nung pinahiya nanaman ako ng bwisit kong prof. Considering ilan kami sa klase na nakasaksi kung paano ako napahiya. Nakakahiya talaga yun.
Dahil na rin sa inis ko sa prof ko, nadamay si Gaile. Yun na ata ang mga panahong sising-sisi ako. Paano ba naman, nung umikot yung attendance at iniabot niya yun sa akin, padabog kong kinuha yung papel. Ewan, siguro ang pangit ng first impression niya sakin. Isang bulakbol na estudyante, masungit, abnormal at ewan ko na. Basta naiisip ko yung mga pangit kong katangian... siguro, unang kita niya pa lang sakin, turned off na siya.
Hindi lang yun nangyari isang beses. Naulit at naulit pa yun. Nung pang-apat beses, hindi ako late. Sinikap ko talagang maging maaga. Pero hindi pa rin nawalan ng dahilan yung bwisit na prof na yun para ipahiya ako. Lahat ng "jokes" niya sakin niya binabato. Gusto ko na nga syang batuhin ng binder nun eh.
Buti pinigilan ako ni Gaile.
Nung mga panahong pinagtatawanan ako ng mga walang kwenta at feeling close kong mga kaklase, tinignan niya ko tapos nginitian. Nagtaka ako, nawala kasi yung inis ko. Para bang lumiwanag yung paningin ko nung ngumiti siya. Actually, palangiti naman talaga siya. Madalas ko siyang nakikitang nakangiti. Pero iba pala yung impact kapag ikaw mismo ang nginitian ng anghel.
Simula nung araw na yun, naging magaan na ang loob ko sa kaniya. Minsan, hindi ko rin mapigilang hindi mapangiti. Nakakaloko nga naman talaga. Minsan, nahuhuli ako ni prof. na nakangiti habang nakikinig (kuno) sa kaniya. Ipapahiya niya ko pero hindi ako maiinis.