Video (Sequel)

2.1K 71 21
                                    

VIDEO (Sequel po ng "Paper")

She said it through a piece of paper, while I’ve expressed it using my video camera.

Kung hindi ko napulot ‘yung nilipad niyang papel sa Filipino I noon, edi sana hindi kami magkasama hanggang ngayon.

“Hoy, tigilan mo na nga ‘yang ginagawa mo dyan. Umiiyak na ‘yung anak mo. Timplahan  mo nga ng gatas, tinatamad ako eh.”

Nakakatawa. Parang noon lang, seatmates lang kami. Tapos ngayon, nag-aalaga na kaming dalawa ng baby. Ang bilis talaga ng panahon ‘no?

“HOY MARC!!! Timplahan mo na ng gatas si Choko! Mamaya ka na magkalkal ng gamit dyan!”

Napakamot ako sa batok ko, “Sandali lang! Hinahanap ko ‘yung video cam ko! Wag kang atat dyan, Choko!”

Narinig ko ‘yung tawa niya. ‘Yung tawa niyang ginawa kong alarm ng cellphone ko. ‘Yung tawa niya na nakapag-attract sa’kin ng sobra. Hahaha, tae, napapangiti na lang ako bigla.

“HOY MARC!!! ISA!!!”

“Eto na nga oh! Sandali lang, madam!”

Ayun! Nakita ko rin ‘yung video cam ko! Dito kasi naka-save ‘yung video na ginawa ko para sa kaniya noon. Ipe-play ko muna para mapanuod niyo, magtitimpla muna ako ng gatas ni Choko.

Sana hindi to makita ni Aless na naka-play, baka kasi patayin niya. KJ pa naman ‘yun. Game na? Ay teka, wag kayong masyadong kiligin ha?

Play!

**

VIDEO’S CURRENTLY PLAYING:

07/24/2013 8:02 AM 00:02/01:04    • REC

“Ayan, naka-record na.”

“Hoy Marco, anong ginagawa mo dyan?!”

Tinakpan niya ‘yung camera. “Hoy Aless, wag ka ngang magulo dyan! Tinetesting ko lang ‘tong bago kong camera!”

Umalog-alog ‘yung view. Ang gulo kasi ni Alessandra. Akala niya siguro siya ‘yung vini-videohan ko. Well, siya naman talaga. Ayoko lang sabihin, baka mag-feeling nanaman siya.

“Ano bang kinukunan mo dyan? Teka, bakit nakatutok sa’kin?!” nagulo nanaman ‘yung view. Hinampas kasi ni Aless. “Wag ka ngang magulo dyan! Nacoconscious ako sa itsura ko!”

“Wag ka ngang maarte! Maganda ka naman eh!” narinig ‘yung tawa niya sa video. “Naks naman! First time mapuri!”

Tumawa nanaman siya. “Aba gago ka ha! Yabang mo ha!”

“De totoo, Aless, maganda ka naman basta ililibre mo ko ng pamasahe mamaya.” Tumawa ako. Nakuhaan ko ‘yung itsura niya. Ang sama ng tingin niya sa’kin sabay binatukan ako.

“Itigil mo na nga ‘yan!” naalog uli ‘yung camera. Kinuha niya kasi sa’kin. Alog pa nang alog, nilalayo niya pero pilit kong inaabot. Nayayakap ko tuloy siya. “Gago ka, simpleng chansing yan ha!”

Nagtawanan kaming dalawa. Black ‘yung pinapakita sa camera, nasa tabi niya kasi tapos nakataob kaya color black lang ang nakikita.

Boses lang ang naririnig sa video.

“Eh siraulo ka, ayaw mong ibigay sa’kin ‘yung camera ko eh! Baka magasgasan!”

“Wow, OC ka pala Marc?”

“Ibigay mo na kasi sa’kin!”

Narinig nanaman ‘yung tawa niya sa video. “O eto na!”

SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon