I'd Still Say Yes (Sequel)

2.1K 52 15
                                    

I'D STILL SAY YES (Sequel po ng "Oo")

No matter how many times you ask me, I’d still answer yes.

Isang tanong, isang sagot—mahal ko pa ba siya?

Nag-umpisa ang lahat sa facebook, at ang nakakatawa, dun din pala matatapos ang relasyon namin. Bitter ending, two words which perfectly describes our break-up. Mali pala ako, hindi lang pala galit ang naramdaman ko nung nalaman kong nakikipaglandian siya sa ex niya.

Pain. I was too busy making my self so angry when in fact, my heart was silently breaking into little pieces. Masyado akong duwag na i-admit na nasaktan ako. Pakiramdam ko kasi, kapag nasaktan ka, talo ka—but it’s the other way around. Hindi porke ikaw ang nasaktan, ikaw ang talo. It’s just an indication that you can love, you understand the matter of love which others don’t. Swerte ka na kung marunong kang magmahal ng tapat, Gico once said. Swerte nga ako. I was lucky enough to learn how to love and to be taught by someone who loves me.

“MAINE! Bakit ka umalis?” hindi ko in-expect na siya ang una kong makikita ‘pag lingon ko. Maraming tanong sa utak ko. Sobrang gulo ng nararamdaman ko nung mga panahon na ‘yun. I was distant by the fact that he chased me and also by the fact that I know what answer I’d say—for the second time.

Naramdaman ko ‘yung naramdaman ko nung umpisa—butterflies. ‘Yun bang tipong lipad sila nang lipad dahilan para makaramdam ka ng pagkasuka. Ganun. Parang gusto kong sumuka dahil sa sobrang kabang dinulot ng boses niya. Kakaiba, kakaiba ‘yung pakiramdam na matupad ‘yung matagal mo nang hiling—ang mahabol ka niya uli.

Happiness. He let me feel different kind of happiness. Ibang-iba ‘yung saya na naramdaman ko nun kaysa sa kaligayahan nung nalaman kong siya pala ‘yung matagal ko nang crush. The feeling is genuine. It’s not just the feeling of having a puppy love which I felt during our high school days. Nakita ko pa lang ‘yung mata niya, I felt like billion people love me yet I was scared, I was scared that I might answer the same answer I said before and feel the pain again.

Pero sabi nga nila: If you love someone it’s definitely worth the pain. Nagkalakas ako ng loob na tanungin siya kung bakit niya ako hinabol, pero binalik niya sa’kin ang tanong.

“Mahal mo pa ba ‘ko?”

Para akong si Jesus na pinako sa krus. I can’t even breathe—exaggeration. Parang tumigil sa pagpump ng dugo ‘yung puso ko dahil sa tanong niya. May thought na umiikot sa ulo ko by that time, na kapag hindi ako nakasagot—talo na talaga ako.

Isang tanong, isang sagot—mahal ko pa ba siya? Oo nga pala, ako si Maine, ang babaeng walang sinagot kundi oo.

Niyakap niya ‘ko pagka-sagot ko, pero pakiramdam ko nun, may barrier sa gitna namin. We still can’t be happy—he’s committed. Kaya ang ginawa ko, umiyak lang ako sa balikat niya. It felt so nice having his shoulder to cry on that moment. Wala na kaming pakialam kung may nanunuod o ano. O kung para kaming nagsh-shoot ng isang tv drama. Basta masulit lang namin ‘yung pagkakataon na binigay sa’min and that was the best birthday gift—ever.

Umaga na nakauwi sila Ivo at ang hs barkada nun. Sobrang dami kasi nilang nainom tapos hindi sila maubusan ng kwento sa’kin. I can still remember how his girlfriend looked at me that time, parang gusto niya ‘kong saksakin sa mukha o kaya sabuyan ng asido. Kaya bago pa kami magpatayan, Gico advised them to go home.

Confusion. Mahilig akong bigyan ni Ivo ng alalahanin. Wala naman kasi siyang sinabi kung ano na ba kami after kong sumagot sa tanong niya. Wala rin siyang sinabing ganun din ang nararamdaman niya—it was just the hug that made me assume he feels the same way. Ganun naman kasi sa mga palabas sa tv eh. Kapag positive ang sagot ng isang tao, it’s either hahalikan niya si leading woman or yayakapin niya. Pero I remember, I didn’t ask him.

SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon