Heartbeat

965 21 0
                                    


Maraming beses ko nang sinabing "ayoko na" pero mas madalas kong masabing "hindi ko pala kaya."

Kailan lang ba nung na-realize kong kahit magkaroon man ako ng sangkaterbang jowa or fling, siya pa rin pala? Ahhh, yun yung mga panahong akala ko naka-move on na talaga ako—hindi ko na siya naiisip, hindi na rin napapanaginipan, madalas akong makakita ng mga bagay na dati nagpapaalala sakin sa kaniya pero wala na yung feels. Pero ewan, one time nakita ko na lang siya—after 6 months. Yung ngiti niya, yung mga mata, yung tindig—alam mo ba yung feeling nung yung pinaghirapan mong itayong dingding eh bigla na lang nagiba nung nagtama yung mga mata niyo?

Nakakainis.

Nakakainis na nakaramdam ako ng saya.

Nakakainis na nakaramdam ako ng saya kahit wala naman siyang ginawa kundi tignan lang ako.

May 2015 nun eh. Sabado. Nagising ako dahil narinig ko ang boses niya mula sa baba. Kausap niya pa parents ko. Churchmate ko siya. Bagong dating sa lugar namin kaya nakikipag-palagayan ng loob sa mga kasama pa sa church.

Hindi ako nakakaramdam ng saya noon pero nung narinig ko yung boses niya—yung boses pa lang, hulog na hulog na ako. Lunod na lunod. Lahat na ng pwedeng mangyari sa puso ko, ayun nangyari na.

Tapos dumating yung Martes, finally nakita ko siya. Hindi na lang siya "boses". May katauhan na rin siya. At hindi ko alam kung sadyang swerte ako pero ang gwapo niya. Isa na ata siya sa mga pinakagwapong taong nakilala ko sa buong buhay ko. Tapos mabait siya, magalang, funny. Ang isa lang talagang trait niya na nakakainis ay yung pagiging overly friendly niya—yung friendly type na hindi mo alam kung siya na ba ang forever mo o hindi.

So syempre nabiktima ako.

Hindi ko naman akalain na marupok pala ako.

Ewan, sa kaniya lang.

Dumaan ang ilang mga buwan, mas lalo kaming naging close. Marami na akong natutuhang mga bagay tungkol sa kaniya. Mama's boy siya, masipag siya, makulit siya at mahilig siya sa aso. Kwinento niya pa sa akin noon na tumawag sa kaniya mama niya from States. Sa boses at tono pa lang daw ng mama niya, alam niya na—na namatay na yung aso niya. Umiyak daw siya.

Ewan, ang galing. Parehas kami. Siya, umiyak dahil namatay yung aso niya. Ako, umiiyak dahil namatay yung pag-asa kong siya na nga ang para sakin.

Isang beses nakita niya akong naglalakad sa daan. Alas onse na ng gabi nun. Hindi ko nga rin alam kung bakit nasa labas pa siya. Magkalayo kami ng bahay pero yung bahay niya madadaanan ko every time pauwi ako.

"Gabi na ha," sabi niya.

"Duh," sabi ko naman sabay tingin sa kalangitan. Natawa naman siya.

Yung mga panahon na napapangiti ko siya, nagiging masaya ako—yung sobrang saya na pakiramdam ko sasabog na yung puso ko.

"Hatid kita?"

Hanggang ngayon naiinis pa rin ako kung bakit—bakit ganun siya makitungo sa akin. Na parang merong meaning.

"Hindi na. Mga tambay pa nga takot sakin eh."

"Eh gusto mo, uhm, pahiramin kita ng baril ko?" ngumiti nanaman siya at mas lalo akong nalunod. "At least diba, kahit hindi kita mahatid, mapoprotektahan mo yung sarili mo?"

Ano ka ba. Ikaw na ata ang pinaka-delikadong taong nakilala ko. Ngiti mo palang kaya na akong patayin.

"Wag ka nga."

SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon