Oo

2.6K 56 6
                                    

OO

Sometimes, you have to look back to realize how stupid you were.

Naranasan niyo na bang magkaroon ng dalawang lalaking--hindi niyo alam kung sinong pipiliin mo sa kanilang dalawa? Katulad ng mga nangyayari sa mga japanese o korean dramas, yung gusto mo na lang saktan yung sarili mo dahil hindi ka makapili sa kanilang dalawa?

Ang tanga kasi. Ang tanga dahil... bakit kailangan pang pumili kung pwede namang iwanan mo na lang silang dalawa pareho para patas. Minsan, gusto ko na lang maging direktor o writer. Pero naalala ko... naging palpak din pala yung lovelife ko.

3rd year highschool siya samantalang 4th year highschool ako. Nakikilala ko siya sa isang walang kwentang group sa facebook. Actually, hindi ko talaga siya kilala. Nagulat nga ako na schoolmates pala kami. Nag-iwan ako ng mahabang post sa group na yun bago ako mag-leave. Naiinis kasi ako sa mga jeje groups na katulad nun. Single academy? The fuck with that. You don't need to be one of the members there to be taken. Lumalabas kasi na binibenta mo yung sarili mo sa iba pang single para maging taken ka. Not to be bitter (but I'm aware I sounded one), nakakainis lang. Single din naman ako pero hindi talaga ako makatagal sa mga ganung groups. Until he commented on that post. Nabasa ko yun bago ako tuluyang umalis ng group.

"Ako rin single pero hindi ko alam kung bakit kailangan ng ganitong group. Tama ka, walang kwenta nga. Makaalis na nga din."

But I opted not to reply. Basta umalis na lang ako sa group. Nagulat lang ako nung in-add niya ko. May 2 mutual friends kami. So bilang gusto ko madagdagan ang number ng friends ko, I accepted his request. At dun na pala magsisimula yun.

Lumipas ang ilang linggo bago niya ko i-add. I can see his name on the notifications. Minsan nagla-like siya ng status ko pero he doesn't leave any comments. Minsan, photo ko naman ang nila-like niya. Ewan, hindi talaga kami nag-uusap. Wala rin naman akong interes na kausapin siya. Basta dumating isang araw, a tab popped up.

"Hello."

"Hi."

"Maine."

"Maine?"

"Maine na lang ang itatawag ko sayo since ang haba ng Sharmaine. Tutal, favorite band ko naman ang The Maine." 

"Kahit ano. Sige."

Tapos, hindi na siya nagreply. That is one of the things that irritate me. Siya na nga tong nag-initiate ng conversation, siya pa yung hindi magrereply. Lumalabas na mukha akong tanga dahil naiwan ako sa ere.

I avoided him since that day. Kapag nagcha-chat siya sakin, hindi ko siya nirereplyan. Payback time lang. Wala akong pakialam kung naiinis siya sakin. Pero seems like hindi. Kasi... everytime na nago-online ako, hindi siya nakakalimot bumati.

"Maine!"

"Script."

"Script?"

"The Script. Kung The Maine ang favorite mo, The Script ang sakin."

"Mahilig ka rin pala sa banda."

"Hindi naman gaano. Siguro lahat ng album ng The Script meron ako? Tapos may tatlong posters ako sa dingding ng kwarto ko. Lastly, pumunta ako ng Thailang last year para sa concert nila. So I must say, hindi ako mahilig sa banda."

That was the second time he made a move that irritated me. Nagreply siya ng laughing emoticon. Ayoko pa naman sa lahat ay yung kapag kinakausap ako na may launging emoticon (e.g. :)), =)) and so on...). Feel ko kasi wala akong kwentang kausap kaya emoticon na lang ang nireply niya.

Pero the conversation must go on. Nag-usap kami tungkol sa mga bagay na... natipuhan lang namin. Kung anong itatanong niya, sasagutin ko naman. Minsan, ako ang magtatanong tapos siya ang sasagot. Hanggang sa in-open up niya yung topic about school.

SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon